Orasan

218 5 2
                                    

Masaya ka ba sa ginagawa mo
Na pagbabantay sa bawat galaw ko?
Bilang ka rito, bilang ka roon.
Alam mo ba kung saan ako paroroon?

Tuloy-tuloy ang ikot mo na parang langaw,
Ganyan ka gumabi man o umaraw.
Dahil sa 'yo ay nahihiya tuloy ako
Na aksayahin lang ang oras ko.

Ngunit may sandali na parang wala akong magawa
At sa mabagal na takbo mo lang ako nakatulala.
May sandali namang abala ako masyado
At ang mabilis na ikot mo'y kinaiinisan ko.

Pero dapat ay kasama kita palagi
Para ang mga gawain ko'y aking naiintindi.
Ang oras ko ay hindi dapat masayang
At nang wala akong panghihinayang.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon