Martir

108 1 4
                                        

Ang saya mo kasi kasama mo sya
Kahit parang balewala ka sa kanya.
Magkausap at magkatabi nga kayo
Pero wala naman ang isip nya sa 'yo.

Hanggang kailan ka maghihintay
Na ika'y ibigin nya ng tunay?
Wala ka pa bang kapapaguran?
Kailan mo maiisipang sya'y talikuran?

Tinalo mo pa sa katapatan si Rizal
Dahil sa iyong ikinikilos o inaasal.
Martir ka sa larangan ng pagmamahal
At isang bayaning walang dangal.

Sabagay, ginusto mo naman 'yan,
Ang manatili sa kanya ng nahihirapan.
Hindi ko lang kasi talaga matanggap
Na ang buhay mo, kaibigan, ay ganyan kasaklap.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon