Konting panahon na lang at magkikita na tayo,
Ang araw na pinananabikan ko.
Alam kong hindi ka na rin mapalagay
Tungkol sa araw na iyo ring pinakahihintay.Ano kayang una nating gagawin
Kapag nagtama na ang ating mga paningin?
Magyayakapan kaya agad tayo
O pakikinggan ang tibok ng ating mga puso?
Pangarap kita, pangarap mo ako.
Tayo'y dalawang taong pinaglayo
Ngunit muli tayong pagtatagpuin
Nang kapalarang mabuti sa 'tin.
Sa muli nating pagkikita
Madadama natin ang tunay na ligaya
Babawi tayo sa mga panahon
Na ipinagdamot sa atin ng pagkakataon.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...