Kapalaran, ano nga bang plano mo?
Tinalo mo ang lahat sa pagkamisteryoso.
Hindi ko alam kung bakit mo kami pinagtagpo
Tapos hinayaan mo lang kaming magkalayo.Dumaan lang ba sya sa buhay ko---
Sa buhay ko noon na walang kasinggulo?
Halos ilang taon din 'yon, kapalaran,
Ilang taon ding ang damdamin namin ay nagtaguan.Kapalaran, mahabang panahon na rin ang lumipas,
Ngunit ang damdamin namin para sa isa't isa'y wala pang kupas.
Bakit kaya hindi mo kami hinayaang magkasalubong
O magkita man lang kahit sa isang pagpupulong?Kapalaran, bakit "wrong timing" kami lagi?
Senyales ba 'yon na hindi ka namin kakampi?
Pwede bang ipaalam mo na sa 'min
Kung kailan, paano, at saan mo kami muling pagtatagpuin?Habang tumatagal, lalo ka naming hindi maintindihan.
Ano pa ba ang dapat naming pagdanasan?
Kapalaran, matagal na kaming hindi mapakali
Kaya ang muli naming pagkikita ay 'wag mo nang isantabi.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...