Ayos lang naman kung ika'y malayo,
Hindi ka naman nawawala dito sa 'king puso.
Pakiramdam ko ay lagi kitang kasama
Sa araw-araw saanman ako magpunta.Hindi ka maalis-alis dito sa 'king isip,
Kahit ako'y gising, para ring nananaginip.
Napapangiti ako kahit nag-iisa,
Ito ay tuwing naaalala at naiisip ka.Kaya anong sinabi ng aking mga katabi
Kung ang puso't isip ko sila'y isinasantabi.
Pakiramdam ko mas malayo pa sila
Kaysa sa 'yo na nasa malayo naman talaga.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...