Ikaw Sana

132 2 0
                                    

Ikaw sana ang kasama ko
Kung ako'y niligawan mo.
Bakit kasi hanggang biro ka lang
Na naging dahilan ng aking pagkailang?

Ikaw sana ang katabi ko
At ako ang kahawak mo
Kung nagawa mo lang ipagtapat
Na ako'y minamahal mo ng tapat.

Ikaw sana ang para sa 'kin
Kung ako'y nagawa mong harapin.
Naghintay ako alam mo ba
Pero ewan ko ba at naduwag ka.

Ikaw sana ang kapiling ko
Gaya ng pinangarap mo.
Ngunit nagmadali ka lang kasi
Kaya "ikaw sana" lang ang pwede kong masabi.

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon