Lundag ng Puso

98 1 0
                                        

Sige, lundag lang puso ko
Iparamdam mong sya'y gusto mo.
Lundag lang pag andyan sya
Lalo na kapag sya'y tumabi pa.

Para akong mawawalan ng malay sa kaba
Tuwing nasa paligid ko sya talaga.
Sige, lundag lang ng lundag sa saya
Kahit hindi nya 'yan nakikita.

Sarap lang sa pakiramdam kapag ganito,
Kahit 'yong lundag mo'y parang nakakaloko.
Parang tinatambol ang dibdib ko,
Pero gusto ko ang tunog na binubuo mo.

#Hugot Poems (Book 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon