Nakakatuwang malamang ako'y iyong pinuntahan
Sa lugar kung saan ako naninirahan.
Pero hindi ka naman sa 'kin nagpakita,
Isang bagay na aking ipinagtataka.Kung gusto mong malaman kung ayos lang ako,
Oo, ayos naman ako at ang buhay ko.
Hindi naman ako naghihirap
At makikita mo 'to pag tayo'y nagkaharap.Bakit ka nga ba nagpunta sa bahay?
Ano na ba ngayon ang 'yong buhay?
Wala na akong balita pa sa 'yo
Kaya ako'y nagtataka sa ginawa mo.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 1)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 2) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...