Mr. Suplado

133 2 0
                                    

Nakita kita kanina pero di mo ako pansin,
Mas masaya sana kung ako'y di mo pinagdamutan ng tingin.
Ewan ko ba kung bakit ganoon na lang ang dating mo
Sa akin na para bang babago lang nagkakagusto.

Gusto ko ang dating mong parang suplado,
Sana alam mong sa 'kin ika'y pasado.
Nakuha mo talaga ang aking atensyon,
Atensyong ipinagkait ko sa mahabang panahon.

Kung malalaman mo kaya ang tungkol dito,
Mapapansin mo rin kaya ang gaya ko?
Alam mo kayang ng dahil lang sa isang titig mo
Nakuha mo talaga ng sandaling 'yon ang loob ko?

#Hugot Poems (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon