Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 30
Nagtungo nga si eriz kila franco upang personal na ipagpaalam si nida..
"Naku, nasa palengke pa sila nida at mommy eh, nag grocery sila. Maya-maya pa uwi no'n"-ani franco.
"Gano'n ba kuya? Sige, antayin ko na lang s'ya. Pahiram muna 'ko ng girlfriend ko ah"
"Sure, why not. May date ba kayo? Hindi naman n'ya sinabi. Edi sana. Si michelle na lang ang pinasama ko kay mommy"
"Surprise date lang kuya franco.. hindi n'ya alam na magdi-date kami today"
"Talaga? Ayos ah.. alam mo 'yang gan'yang date mas nagpapatibay 'yan sa relasyon ng magkasintahan eh. Yung tipong may bonding kayo na kayong dalawa lang"
"Tama ka d'yan kuya.. may plano kasi ako eh"
"Plano? Ano'ng plano?"
"Magpo-propose na 'ko sa kan'ya"
Namilog naman ang mga mata ni franco dahil sa sinabing iyon ni eriz.
"Totoo ba? Nakaka tuwa naman. Ang bilis din ah. Kelan lang kayo ah. Wala pa nga kayong 2 months 'di ba?"
"Gano'n talaga kaming mga taga encantadia. Mabilis.."-natatawang tugon nito kaya maging si franco ay natatawa na din.
"Oh?! Nandito pala si lolo imaw eh. Ano'ng ginagawa mo dito?"-tanong ni francis ng makita ngang magka usap sila franco at eriz.
"Maka lolo imaw ka d'yan, wagas ah!"-ani eriz.
"Magpo-propose na daw si eriz kay nida"-ani franco. Maging si francis nga ay namilog ang mga mata ng malaman iyon.
"Anak ng tinapa! Bilis mo ah! Propose agad?"
"May problema ba tayo?"-natatawang tanong ni eriz kay francis.
"Hmm...wala naman. Mababawasan nanaman pala ng diwata dito sa bahay eh. Una si irah, ngayon si nida na.. naku.. malapit lapit na itong si michelle. Pero seryoso ka ba eriz?"
"Oo, 'tol. Seryoso ako. Sa katunayan nga n'yan.. hindi lang ako ang magpo-propose ngayon"
"Talaga? Sino pa?"-tanong nga ni francis
"Si james."
"Ha? You mean, magpo-propose na si james kay celine?"-tanong muli ni francis.
"Yes.. ganoon na nga."
"So, pa'no ba 'yan, francis? Galaw-galaw na. Napag-iiwanan ka na"-natatawang sambit ni franco.
"About sa'min ni natz.. relax relax lang muna.. ayaw pa ng girl friend ko eh.. and i respect her decision.."
"So, kaylan pa?"-tanong ni franco.
"Kapag ready na s'ya. Kung ako lang.. matagal ko ng gustong pakasalan 'yun 'no, tagal ko ng gustong bumuo ng pamilya. Nakala inggit kaya 'yung pamilya n'yo ni ate yumi.."
"Bakit hindi mo subukan? Malay mo naman ready na s'ya 'di ba? At ikaw na lang ang hinihintay n'ya"-ani eriz..
"Kung sa bagay may point ka lolo imaw eh"
"Tse!"
--------
"Oh? Kasama pala natin sila?"-naka ngiting saad ni celine ng makitang papalapit sila eriz at nida sa kanila. "Kaya pala hindi pa tayo nag-oorder eh, may kasama pala tayo"
"Yup, babe.."-tugon ni james.
"Naks, so cute.. double date"
"H-hello po, Ma'am Celine"-pagbati nga ni nida kay celine.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...