Chapter 22

163 7 0
                                    

"Bwis*t talaga 'yang babaeng 'yan! Bwis*t!"-inis na inis na sambit ni nida habang nasa kwarto sila nila Michelle at Irah. "Hindi ko palalagpasin 'tong ginawa n'ya sa'kin! Humanda s'ya! Hindi pa kami tapos!"

"Tumigil ka na nga nida, ikaw din kasi ang nag-uumpisa eh, kaya hayan tuloy pinatulan ka na n'ya"

"Hinihingi ko ba ang opinyon mo,irah?! Kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang!"

"Nagalit na nga si sir franco eh, may balak ka pang awayin ulit si yumi.."-saad ni Irah.

"Gaganti ako!"

"Wala ka dapat ikagalit sakan'ya nida, dahil umpisa  pa lang ikaw naman talaga ang laging nang aaway sakan'ya"-saad naman ni michelle. "Alam mo bang narinig ko kanina si sir franco"

"A-ano ang narinig mo?"

"Gusto ka na n'ya paalisin dito"

"A-ano?!"

"Pero hindi pumayag si yumi, ang sabi n'ya kapag inalis ka ni sir franco s'ya ang aalis.. kita mo na? Kahit ginaganon mo si yumi may malasakit pa rin s'ya sa'yo..kung iba 'yun sila pa ang magsasabi na paalisin ka na nga dito..utang mo kay yumi kung bakit nananatili ka pang nandito"

Natigilan si nida ng sabihin iyon ni michelle,

"Ano? Natigilan ka 'no? Ikaw naman kasi eh kung hindi mo lang inaaway si yumi hindi mangyayari 'to. Hindi ka n'ya papatulan. Hindi kayo magkakasakitan"-saad ni michelle at dahan-dahang tinatapik ang balikat nito.

"Bakit kasi hindi mo na lang aminin sa sarili mo na kaya ka nagagalit kasi may gusto ka kay sir franco, matagal na 'di ba? Kaya nga inakit mo s'ya pero nung di s'ya kumagat sa mga pang aakit mo si sir francis naman ang inatupag mo. At nung ni-reject ka din ni sir francis bumalik ka talaga sa first love mo, eh ang kaso may iba s'yang gusto at alam mong si nayumi 'yon 'di ba? Kaya galit ka sakan'ya. Tsaka mas nakasundo ni nayumi si diana kaysa sa'yo. Maging totoo ka lang kasi sa sarili mo. May mga nagmamahal din sa'yo hindi mo lang makita kasi masyadong mataas ang pangarap mo."-saad ni Irah.

"Masama bang mangarap ng mataas? Eh sa gusto ko si sir franco eh"-sabay upo nito sa kama."Lahat ng gusto ko sa lalaki nasa kan'ya."

"Ang kaso hindi ka n'ya gusto at kaylangan mong tanggapin 'yun."-tugon ni Irah.

"True..marami d'yan.."-pagsang-ayon ni michelle.

_______

Naabutan ni nayumi si nida na nasa kusina habang nagtitimpla ito ng kape.

"Gising ka na pala"-saad ni nayumi pero hindi niya ito pinansin.

"Nidz.. p'wede ba tayong mag-usap? Maniwala ka hindi kita gustong saktan. Napuno lang talaga ako. Hindi ko na kasi kinaya 'yung mga pang iinsulto mo sa'kin eh..kaya sorry kung nasaktan kita kahapon"

Inihinto ni nida ang paghalo sa kape tsaka niya tinignan si nayumi.

"Bakit ba ang bait mo pa rin sa'kin? Kahit hindi maganda ang trato ko sa'yo. Kahit ang sasakit ng mga sinasabi ko sa'yo? Nakaka inis ka alam mo ba 'yon?"

Kinuha naman ni nayumi ang kamay ni nida at marahang pinisil iyon.

"Dahil naniniwala ako na mabuti ka ding tao..sorry talaga sa nangyari kahapon ah"

"Bakit mo kaylangang mag sorry? Eh, ako 'yung may kasalanan. Ako nga dapat mag sorry sa'yo.. sorry yumi..at salamat ah"

"Salamat saan?"

"Sinabi sa'kin ni michelle na narinig n'ya daw na sinabi ni sir franco na aalisin na n'ya 'ko sa trabaho na paaalisin na n'ya 'ko dito. Pero hindi ka daw pumayag..ang sabi mo daw kapag pinaalis ako aalis ka din. Totoo ba 'yun?

Mommy For HireWhere stories live. Discover now