Hindi nga alam ni franco kung saan uunahing hanapin si diana kaya naman tinwagan na lang niya si michelle. Pero hindi sumasagot ito kaya si Nida naman ang tinawagan niya ngunit ganoon din hindi din sumasagot.
"Nasaan ang mga 'yun?"-tanong sa sarili at si irah na lang muna ang hinanap niya. Nakita naman niya ito malapit sa maid's room.
"Ah, irah?"
"Po?"
"Nasaan sila diana?"
"Wala pa po ba sa kwarto? Baka po kasama pa nila eriz sa pool area"
"Ah gano'n ba? Nandito pa pala si eriz?"
"Yes, sir..nandito pa"
"Sige, salamat irah"
"Okay po"
Nagtungo nga si franco sa Pool area at doon nga niya nakita sila Michelle, Nida, Diana, Eriz at Francis.
Napa sapo na nga lang siya sa kaniyang noo ng makita kung ano ang ginagawa ng lima.
"Wag ka ng magtago imaw! Makikita din kita!"-sigaw nga ni diana na ikinagulat lalo ni franco.
Kunwari ay hindi nakikita ni diana si eriz kahit naka kubli lang naman ito kay nida.
Natatawa na lamang siya habang pinapanood ang mga ito.
Sila eriz at francis kasi ay naka hubad at tanging dalawang bao ng niyog ang naka takip sa mga dib-dib ng mga ito.
May mga sandata din na hawak hawak gaya ng walis tambo at duspan. Samantalang si diana ay sandok ang hawak nito.
"Hinding hindi ako magpapakita sa'yo sangre danaya alam kong gagawin mo lang akong tinapa!"-tugon ni eriz na naka kubli kay nida.
At ng magpunta si diana sa likod ni nida ay nakita na nga niya ito at sabay na tinutukan ng sandok sa tiyan.
"Nakita din kita! Imaw! At ngayon humanda ka na para maging tinapa! Waaahhhhh!!"
"Teka! Cut! Mali yata na ako si imaw ah. Maliit lang si imaw eh..tapos ako malaki. Dapat yata ikaw si imaw eh"-saad ni eriz na ikinatawa nilang lahat.
"Ano po? Bakit ako? Pero ang sabi mo lalaki po 'yung imaw sa encantadia eh. Kaya ikaw 'yun. Tapos si tito dada si ybarro."
"Aba! Lugi ako..Ako na lang 'yung isa sa mga kawal"
"Kawal? Ano po 'yun? Yung pinagpiprituhan ng fried chicken?"
"HAHAHAHAHA kawal.. hindi kawali. Sagre danaya naman patawa ka"
"Uy! Si sir!"-sigaw ni michelle kaya nanlaki ang mga mata nilang lahat.
At dahil sa hiya ni eriz na makita siya ni franco ay lumundag na lang siya sa pool.
"Halla! Imaw! Bakit ka tumalon?!"-natatawang tanong ni nida.
"A-anong ginagawa n'yo?"-tanong ni franco ng lumapit siya sa mga ito.
Pati si francis ay nahiya sa pinag gagagawa nila.
"Ah.. hello daddy, nag ro-role play po kami hehe. Ang saya saya po. Look mo po costume ko. Ang ganda po 'di ba? Mukha na po akong diwata"
"Sinong nagturo kay diana na mag ala sangre?"-natatawang tanong ni franco.
Tinuro naman nilang lahat si eriz na umaahon mula sa tubig.
"S-sir franco, m-magandang gabi po"-utal na pagbati ni eriz habang naka yuko ito.
"Magandang gabi din sa'yo, eriz."
"Pasensya na po sa mga pinag gagagawa namin."
"Wala 'yun, sa totoo nga natutuwa ako sa inyo eh. Kasi pinapasaya n'yo ang anak ko. Ikaw naman francis nauto ka rin? Ano'ng itsura 'yan? Mukha kang sina unang tao na bumaba ng bundok"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...