Chapter 100

90 2 0
                                    

Maaga ngang gumising sila nathalie at franco para maihanda ang gagawin nilang cake para kay yumi.

Nagtulong nga sila para magawa ito.

"Ibang klase ka talaga kuya franco, mas gusto mo talaga na pinaghirapan 'yung cake ni ate yumi. Kahit kayang kaya mo naman bumili kahit gaano kalaking cake pa 'yan"

"Maraming salamat sa pagtulong mo natz, mas ma-a-apreciate kasi ng pagbibigyan natin kapag alam nilang pinaghirapan natin"

"Tama ka naman d'yan kuya. Kaya the best ka talaga! Buti na lang at may natatandaan pa ako nung high school hehe. Tagal ko ng hindi nagbi-bake eh. Buti ikaw marunong ka?"

"Tsamba lang 'yan hehe. Si mommy kasi pinapanood ko noon kapag gumagawa s'ya ng cake eh."

"Kaya naman pala. Napaka nice hehe."

"Pasilip naman kung gising na ate mo, pipitas pa ako ng rosas sa tanim ni nanay sandra hehe"

"Okay kuya, ay! pero wait!"

"Ano 'yun?"

"Naka usap mo ba si ate flordeliza?"

"Siyempre"'-naka ngiting tugon ni franco.

"Really? Anong sabi? Pupunta daw ba?"

"Yes, of course!"

"Yiieee.. ang galing! Isang bagsak naman d'yan! Apir!"

Nagtungo nga si nathalie sa kwarto ng kaniyang ate at nakita niya itong mahimbing pa rin na natutulog. Kaya naman bumalik siya kay franco.

"Kuya! Tulog pa, Ano ng plano?"

"Papasok na 'ko sa loob, dala itong cake at rose."

"Okay kuya, Sila nanay tulog pa din. Bumawi ng tulog hehe"

"Ayos lang 'yan mamaya sure ako busy si nanay sandra sa pagluto ng mga handa. Pero nag order din ako ng ibang pagkain."

"Ako naman kuya sagot ko na 'yung videoke. Kakanta ka ah! Sure ako kapag kumanta ka maglalapitan mga taga suporta mo dito hehe. Parang may concert dito mamaya hehe"

"Ehemm.parang hindi na yata ako marunonh kumanta eh"

"Asus si kuya. Gusto pa papilit hehe..sige na kuya, gisingin mo na 'yung love mo don hehe"

"Sige"-naka ngiting tugon ni franco at dinala nga niya ang cake at ang isang pirasong rose na pinitas niya sa bakuran.

Isinalat nga niya ang bulaklak sa ilong ni yumi pero bumiling lang ito at hindi nagising.

"Love, gising na.."-malambing ang tinig ni franco.

"Love, yuhoo..gising na..."

"Sige, kapag hindi ka gumising gagapangin talaga kita"

Pagkasabi ngang iyon ni franco ay agad na iminulat ni yumi ang kaniyang mga mata.

"Loko ka tala---"-hindi nga niya naituloy ang sasabihin ng makita niya ang mga hawak ni franco.

Naka ngiti ito sa kaniya,

"Happy birthday, love ko"-pagbati nga niya. "Hipan mo na 'tong candle nalusaw na"

Natawa nga si yumi dahil doon.

Umayos nga siya ng upo at iniabot sa kaniya ni franco ang rose at kinuha naman niya ito.

"Thank you, love. Lagot ka kay nanay pinitas mo 'yung isa sa mga babies n'ya"

"S-seryoso? Magagalit si nanay sandra d'yan?"

"Oo, naku lagot ka talaga"

"Halla.. pero hindi naman siguro. Pinitas ko na nga 'yung panganay n'ya eh. Hindi naman nagalit"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now