Chapter 74

100 2 0
                                    

Hindi nga namalayan nila nathalie na nakatulog na silang magkasama sa iisang kama.

Alas kwatro na nga ng madaling araw ng magising sila at may ingay na sa kusina nangangahulugan na gising na ang kaniyang ina.

Niyugyog nga ni nathalie si francis para magising ito.

Pero antok na antok pa rin ito kaya hirap na hirap imulat ang mga mata.

"Mahal, ano ba?! Bumangon ka na. Gising na si nanay!"-mahinang sabi ni nathalie.

At ng maintindihan nga iyon ni francis ay naimulat niya agad ang kaniyang mga mata.

"Halla! Sorry..hindi ko namalayan na nagdiretso 'yung tulog ko. Ano'ng oras na?"

"Alas kwatro na kaya gising na si nanay. Mamamalengke na 'yan para sa mga ilulutong ulam. Lumipat ka na do'n sa kwarto ni ate yumi. Dalian mo na!"

"Hindi kaya ako makikita ni tita?"

"Ako na muna mauunang lalabas. Para sigurado."

Kinuha nga ni francis ang kaniyang hinubad na T-shirt dahil naghubad ito bago matulog kanina.
Isusuot pa lang sana niya ito ng biglang may kumatok sa pinto kaya pareho silang nanlaki ang mga mata.

"Natz, gising ka na ba? Samahan mo 'ko sa palengke."

"Halla.. magtago ka dali!"-utos niya kay francis.

"Ha? Saan?"

"Sa banyo! Dalian mo na!"

"Anak..nathalie, gising na"-tsaka ito muling kumatok sa pinto.

Tumakbo nga si francis sa banyo dala ang kaniyang T-shirt.

Tsaka naman binuksan ni nathalie ang pinto.

"S-sorry 'nay..kagigising ko lang. Sige po, samahan kita sa palengke. Magbibihis lang po ako"

"Sige, anak.."

Ngunit pagtalikod pa lang ni sandra ay sumigaw si francis mula sa loob ng banyo.

"Si francis ba 'yon?"

"Po? Ahh..hindi po.. B-ka kila aling josie po 'yung ingay na 'yun 'nay"

"Ano'ng kila josie? Eh d'yan nanggagaling sa banyo"

Dahil kurtina nga lang ang tanging pinto ng banyo na iyon ay dinig na dinig talaga ang pagsigaw ni francis.

Kinabahan tuloy si nathalie at napasapo sa kaniyang noo.

"Ipissss!!! Alis! Alis!"-sigaw muli ni francis kaya naman napatakbo sila sa banyo at paghawi nga ni sandra ng kurtina ay nasa sulok si francis na tila nakikipaglaban sa ipis.

"Francis!!!"-madiing sabi ni sandra kaya napatingin si francis dito.

"T-tita?"

Pare-parehong nanlaki ang mga mata nila lalo na't tumambad pa kay sandra ang hubad niyang katawan.

Hindi na kasi siya nakapagbihis dahil na rin sa kaba ng maka kita ito ng ipis sa pader.

"Ano'ng ibig sabihin neto?! Nagtabi kayo?!"-galit na tanong ni sandra.

"A-ah.. T-tita. Mag e-explain po ako..w-wala po kaming ginawang masama ni natz. Humingi lang po ako ng isang oras sa kaniya kagabi para makasama po. Hindi lang po namin namalayan na nakatulog po kami"-paliwanag nito tsaka nagbihis at mabilis na lumabas ng banyo.

"Totoo 'yun 'nay..wala po kaming ginawang masama ni francis"-dagdag ni nathalie.

"Ano'ng wala?! Magkasama kayo sa iisang kama! Tapos naka hubad pa s'ya! Magsisinungaling pa kayo!"

"Maniwala po kayo tita, wala po talaga.. wala pong nangyari sa amin ni natz. Nirerespeto ko po s'ya"

"Kung nirerespeto mo s'ya hindi ka papasok sa kwarto n'ya at tatabi sa kaniyang matulog! Imposible naman 'yang sinasabi n'yo na walang nangyari sa inyo! Ano 'yun? Nahiga lang kayo at pumikit ha?!"

"Kiss lang naman po"-tugon ni nathalie.

"Ah.. kiss lang?! May lang ka pa talaga!"-sabay kurot nito sa baywang ni nathalie. "Mga pasaway kayo!"

"Ano'ng nangyayari dito?"-tanong ni pancho kaya lalong kinabahan ang magkasintahan.

"T-tay?"

"Itong dalawang 'to! Magkatabi sa iisang kama! Nagtabi silang matulog pancho!"

"Tay, sorry.. pero maniwala kayo wala talagang nangyari sa amin ni francis. Nakatulog lang po kami na magkasama..wala po talaga"

"Sorry tito.. pero nagsasabi po ng totoo si nathalie. Maniwala po kayo..tita, maniwala po kayo"

"Magdesisyon ka na hon, pagsamahin na natin. Tutal gusto ng magkatabi sa kama eh"-ani pancho kaya napa nganga sila nathalie at francis.

"Pakasalan mo na ang anak ko!"-madiing sabi nito kay francis.

Nabigla ang dalawa dahil sa biglaan desisyon na iyon ng mag-asawa.

"Nay naman! Maniwala naman kayo.. wala naman talaga kaming ginawang masama ni francis eh. Kasal agad? Nag-aaral pa po ako oh"

"Okay na 'yan. Ilang buwan na lang naman ga-graduate ka na din. P'wede na 'yan"

"Nay naman! Halla naman! Ayaw n'yo na ba akong kasama dito? Kaya ipapakasal n'yo na ako agad? May mga pangarap pa po ako"

"Dapat inisip mo 'yan bago kayo nagtabi! Tsaka sinong nagsabi sa'yo na hindi ka na dito titira kapag kasal na kayo.. dito pa rin kayo titira.. para naman malaman ni francis ang buhay natin. Na mahirap ang maging mahirap. Hindi ba francis?"

Hindi naman agad nakapagsalita si francis dahil sa pagkabigla. Para sa kaniya ay ayos iyon na ipapakasal sa kaniya si nathalie. Pero si nathalie ang iniisip niya.

"Seryoso po ba kayo tita? Tito? Baka nabibigla lang po kayo? Pero kung ako po tatanungin gusto ko na pong magpakasal. Pero si nathalie po hindi pa po s'ya handa sa ganoong bagay eh"

"Hindi ka talaga naniniwala nanay na wala nga pong nangyari sa amin. Maniwala naman po kayo oh"-mangiyak ngiyak nitong sabi at naupo sa kama habang salo nito ang kaniyang noo.

"Kung 'yung ate mo eh, binuntis agad ng kuya neto!"'-sabay turo kay francis. Napa lunok naman ito sa sarili niyang laway. "Kung ano ang kuya ganoon din ang bunso"

"H-hindi po ako kagaya ni kuya, tita. Hindi ko po magagawa 'yun. Alam ko naman po na nag-aaral pa s'ya."

"Ayaw n'yong magpakasal? Sige! Maghiwalay na lang kayo!"

"Nay naman! 'wag naman ganito. Ayaw n'yo naman kasi kaming paniwalaan eh."

"Mahal, sundin na lang natin si tita..handa naman akong pakasalan ka kahit anong oras eh"

"Tuwang-tuwa ka naman? Ayoko pa nga! Ayoko pang mag-asawa!"

"Edi, paghihiwalayin ko na lang kayo?"

"Wag naman 'nay! Basta ayoko pa pong magpakasal. Si ate muna.."

"Mahal mo ba talaga anak namin francis?"-tanong ni pancho.

"Opo, tito..mahal na mahal ko po s'ya"-tugon nito.

"Handa kang dito tumira para makasama s'ya?"

"Po?"

"Ayaw yata eh"-saad naman ni sandra.

"Pagsasamahin n'yo na kami 'tay?"-tanong ni nathalie.

"Oo, tutal kulang na kulang 'yung ilang oras na magkasama kayo eh. Edi magsama na kayo para naman hindi n'yo na kaylangang magtabi pa sa kama ng palihim"

"Hindi na po mauulit nay.. hindi n'yo na po kaylangan na pagsamahin kami kaagad. Tsaka hindi sanay si francis sa ganitong buhay. Kaya nga po naghubad 'yan kasi naiinitan.tapos dito n'yo pa patitirahin. Baka ikam4tay n'yan"

"Sige, kung ayaw n'yo talaga.. hindi na namin ipipilit.. 'wag na itong mauulit ah."

"Opo, tito."

"Opo, 'tay. Pangako."

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now