Nakarating na nga sa Mansyon ng mga Dela Vega si Nathalie, at pagkakita palang nito sa kaniyang ate nayumi ay yumakap na agad ito ng sobrang higpit at umiiyak.
Nagpasya naman ang magkapatid na Franco at Francis na hayaan munang makapag-usap sila Nayumi at Nathalie.
Nasa dating kwarto sila ni nayumi nung cook pa lang ito, doon nga naisipan ng dalawa na mag-usap.
Pareho silang nakaupo sa gilid ng kama habang magkahawak ang mga kamay.
"Wala na tayong kasama, natz. P'wede mo ng sabihin kay ate ang problema mo. Ano ba talagang nangyari?"
"Ateeeee...ang sakit sakit.. ang sakit sakit po pala.."
"Ang alin ba? Kanina pa ako nag-aalala sa'yo"
"Alam ko na ate, alam ko ng ampon lang din ako"
"Ha?! A-alam mo na?"
"Alam mo din ba?"
Napa lunok naman si yumi,
"Ang totoo n'yan wala din akong alam, kanina lang..kay franco"
"Buti pa si kuya franco alam na n'ya.. ako ngayon ko lang nalaman"
Niyakap nga muli ni yumi si nathalie bago sila muling mag-usap.
"Paano mo pala nalaman? Sinabi ba ni nanay sa'yo?"
Umiling-iling lang si nathalie,
"Eh, ano?"
"May babaeng lumapit sa'kin kanina pag-uwi ko..sabi n'ya s'ya daw ang nanay ko"
"S-seryoso?"
"Oo, ate..sabi n'ya sa'kin matagal na n'ya akong binabantayan eh..mula daw nung iwan n'ya ako sa simbahan. Hanggang sa lumipat daw tayo ng bahay. S'yempre hindi ako naniwala sakan'ya.. hindi ko naman s'ya kilala eh. Kaya tinakbuhan ko s'ya..Tsaka ang alam ko totoong anak ako nila nanay at tatay. Pero nagsinungaling sila sa'kin.. sa atin, ate!"
"Tinanong mo na ba si nanay tungkol dito?"
"Oo, pero nag deny s'ya no'ng una..pero di ako tumigil hangga't hindi s'ya nagsasabi ng totoo. At ayun nga..umamin din s'ya.. sinabi nga n'ya na napulot n'ya ako sa harap ng simbahan."
"Ang sakit malaman ng katotohanan noh?"
"Sobra ate..sobraaaa"
"Pero sana kahit naglihim sila nanay at tatay sa'yo, sana 'wag kang magtanim ng sama ng loob sa kanila. Kasi maswerte pa rin tayo kasi kinupkop nila tayo at ni minsan hindi natin naramdaman na hindi nila tayo tunay na anak. Kasi minahal at inalagaan nila tayo na para bang mga sarili nilang anak, kaya naiintindihan ko si nanay kung bakit mas pinili n'yang ilihim sa atin ang totoo nating mga pagkatao. Nung malaman kong ampon ako, parang gumuho 'yung mundo ko..pero inalala ko 'yung mga sakripisyo nila sa'tin..at 'yun ang pinanghawakan ko..alam ko din na hindi maling magdamdam.normal 'yan, nasaktan ka eh, pero sana 'wag mong kalimutan na sila parin ang tumayong mga magulang natin"
"Salamat ate, pero sa ngayon ayoko pa munang makaharap sila nanay..kaya please ate..dito na muna ako sa'yo.."
"Sige, tinext ko rin si nanay kanina na pupunta ka dito. Para hind s'ya mag-alala.Pero hindi s'ya nagreply siguro umiiyak din 'yun ngayon"
"Siguro nga ate, pero ayoko talaga muna s'yang makita..pero kahit naman nalaman ko 'yung totoo, mahal ko pa rin sila ni tatay at hindi 'yun magbabago."
"Tama 'yan, tsaka kapag mahal mo ang isang tao madali para sa'yo ang patawarin sila kahit gaano nila tayo nasaktan. May dahilan sila kung bakit mas pinili na itago na lang ang totoo"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...