Pagkayari ngang mag-usap at magkapatawaran nila yumi at celine ay hinanap ni yumi si franco.
Sa hagdan na ng Main Door niya ito nakita at batid niyang umiiyak ito dahil naka dukdok ito.
Ito ang unang pagkakataon na nakita niya itong umiiyak.
Nakaramdam siya ng konsensiya kaya agad niya itong nilapitan at yumakap sa likuran ni franco.
Agad namang humarap si franco sa kaniya na luhaan ang mga mata nito.
Nagtagpo nga ang kanilang mga mata ng tignan siya ni yumi.
"Sorry"-agad na sambit nito.
"H-hindi ka na aalis?"
Umiling-iling naman si yumi at pinilit ngumiti.
Kinuha naman ni franco ang kamay niya tsaka sila nagtabing dalawa.
"Akala ko, iiwan mo na 'ko"-tsaka tumulo muli ang mga luha nito." Akala ko mawawala na sa buhay ko 'yung babaeng mahal na mahal ko"-tsaka niya hinalikan ang kamay ni yumi na hawak-hawak niya.
"Sorry talaga, sorry..na blangko 'yung utak ko kanina kaya kung anu-ano 'yung mga nasabi ko sa'yo. 'wag mong paniwalaan 'yung mga sinabi ko kanina ha? Nagseselos lang ako nun kaya 'yun 'yung mga nasabi ko. Hindi din totoong maling lalaki 'yung ipinaglaban ko, kasi kung may tamang nangyari sa buhay ko, 'yung pagdating mo 'yun. Mahal na mahal kita, franco"
Sa pagkakataong ito ay siya ang humalik sa mga labi ni franco,
Hinawakan ni franco ang mukha ni yumi at gumanti ito ng halik, wala silang pakealam kung may maka kita sa kanila.
"Tara sa kwarto"-bulong ni franco ng maghiwalay ang mga labi nila.
Napahampas naman si yumi sa balikat nito at natawa.
"Bakit sa kwarto?"
"Baka may maka kita sa'tin dito"-natatawang tugon nito.
"Ano nanamang binabalak mo ha?"
"Alam na this"-naka ngising tugon nito.
"Ang hilig mo din e 'no?! Upakan kita d'yan eh. Pinagbigyan na kita kagabi, uulit ka nanaman"
"Alam kong hindi ka nag-enjoy kagabi eh, kasi nasasaktan ka. Pero ngayon sure ako mag-e-enjoy ka na. Kaya halika na daliii"
"Tse! Hapon pa lang du-duty ka na! Tigilan mo 'ko Mr. Dela Vega ha!"
"Okay 'yun. Para makarami. Sige naaa.."
"At makarami pa nga? Akala mo naman tatagal. Matatag ba 'yan?"-natatawang tanong ni yumi.
"Aba oo, matatag na matatag pundasyon neto."
"Haha! Kagabi lang nanghina ka eh"
"Na challenge ako eh haha!"
"Bwisit ka talaga. Bahala ka nga d'yan"
Pero binuhat siya ni franco kaya wala na siyang nagawa at dinala siya sa kwarto at pinahiga sa kama.
Agad ngang naghubad si franco at nag tanggal na rin ng pantalon at tanging boxer short na lang ang naiwan na suot nito.
Nakatingin naman sakaniya si yumi tsaka sya tumabi dito at siniil ng halik.
Ilang minuto din nilang pinagsaluhan ang mga labi ng isa't-isa bago lumikot ang mga kamay ni franco.
Hinubaran na nga niya si yumi ng sando at tinanggal ang butones at ibinaba ang zipper ng suot nitong maong na short.
Tsaka ito pumaibabaw at muling hinalikan sa mga labi si yumi. Kasabay ng paghalik niya ang paghawak ng kanang kamay niya sa kaliwang dib-dib ng dalaga. Hanggang sa ang kanang dib-dib naman ang hawak niya at hindi nagtagal ay sabay na niya itong hinahawakan at pinipisil ng dahan-dahan.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...