Pagkahinto nga nila sa tapat ng bahay nila nayumi ay isa-isang nagsilipan ang mga kapitbahay nila.
Pagkababa nga ni Nayumi ay nginitian niya ang mga ito.
Napansin nga niyang nagbubulungan pa ang mga ito pero hindi na lang niya pinansin.
Hawak nga ni franco ang anak na tila gulat na gulat ito,
Ibang-iba sa mundo niyang kinagisnan at ginagalawan.
Malillit lang ang mga bahay at maraming tao sa labas.
Humigpit ang kapit ng bata sa kaniyang ama.
"Okay ka lang ba anak?"-tanong ni franco sa anak.
"Opo, dito po pala bahay nila lola?"
"Yes,anak.. dito nga"-sabay turo nito sa bahay na nasa harapan nila.
Sementado naman ang bahay nila nayumi at may pintura naman ito mula labas hanggang loob.
Kulay green nga ang kulay ng pintura nito sa labas at sa loob naman ay kulay dilaw.
Halos mapuno din ng halaman ang maliit na space ng kanilang harapan. Maging sa terrace ay may mga iba't-ibang uri ng halaman.
"Parang maliit na palasyo po pala ang house n'yo mommy"-saad ni diana kay nayumi.
"Hehe..oo anak, ito ang munting palasyo ni mommy. Dito ako lumaki. Kagaya mo lang ako noong tumira kami dito."
"5 years old ka rin po?"
"Siguro 6 na ako no'n"
Bigla ngang bumukas ang pinto ng bahay nila nayumi at bumungad doon ang naka ngiting si Nayumi.
"Naaay!! Nandito na sila ate!"-sigaw nito tsaka tuluyang lumabas at niyakap ng mahigpit si nayumi.
"I miss you so much ate yumi!"
"Akala mo naman tatlong taon ako nawala"-natatawang sambit ni nayumi sa kapatid.
"Ay..hehe.. hello po sir franco.. hello baby girl na super cute. What's your name?"
"Hello"-naka ngiting tugon ni franco.
"Sino po s'ya?"-bulong ni diana kay nayumi tsaka bahagya pa itong nagtago sa likuran ng ina-inahan.
"Ah..s'ya 'yung ti---"-naputol ang sasabihin ni nayumi ng lumabas din ang ina nito.
"Pasok kayo!"-ani sandra sa mga ito."Tuloy kayo sir franco"
"Sige po"-ani franco at tumuloy na nga ito kasama ang bata sa loob.
Naiwan naman sila nathalie at nayumi sa labas.
"Mukha ba akong katakot takot? At natakot sakin 'yung bata ate?"
"Aba malay ko..kay kapal naman kasi n'yang foundation mo. Baka akala ng bata clown ka"
"Aba grabe ha.. takot lang sa maganda 'yun.Maiba ako, ano 'yung sinasabi mo sa text kanina?"
"Mamaya na lang, tara na sa loob."
------
Nagmano nga ang bata sa ina at ama ni nayumi.
Maging si nayumi ay yumakap sa kaniyang ama na nasa wheel chair.
Hirap man itong magsalita ay pinilit parin magsalita.
"B-buti a-at n-nakauwi k-ka A-anak.."
"Opo,tay..miss na miss na po kita. 'wag n'yo na pong piliting magsalita alam ko naman po na miss na miss n'yo rin ako eh hehe"
"Kayo po ba ang lolo at lola ko?"-agad na tanong nito dahilan para mapanganga ang ginang at seryosong tumingin kay nayumi.
"Ah..oo, siya nga. Siya si lola sandra at lolo pancho"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...