Chapter 116

66 2 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 5

Ang ganda nga ng ngiti ni nayumi ng makita ang mga bagong dating.

Halos kumpleto na nga sila, Sila irah, eriz at olga na nga lang ang wala.

"Mommy!"-pagtawag ni diana sa kaniya at yumakap ito sa kaniya.

"Kumusta ang baby ko sa school?"

"Of course okay na okay po mommy then lola elena told me nanganak ka na po. Happy po ako sobra! Sila na po ba ang kapatid ko?"-sabay turo sa kambal na buhat ni francis at ni nathalie.

"Yes, anak. Sila nga.."

"Tutuparin ko po ang promise ko na ako po ang mag-aalaga sa kanila"-sabay lapit nito kay francis. "Tito dada, p'wede ko po siyang mahawakan?"

"Oo naman"-tugon nga nito at ibinaba sa kama ang hawak na sanggol.

Nilapitan naman iyon ni diana at hinaplos ang ulo ng sanggol.

"Dahan-dahan lang, diana ah. Malambot pa ang ulo nila"-ani francis.

"Okay po, tito.. Tita Nathalie pati po siya, baba mo po dito para tabi po sila"

Sumunod naman si nathalie sa sinabi ni diana at pinagtabi ang kambal.

"Look, daddy! Pareho po sila. Magkamukha po sila"

Bago nga lapitan ni franco ang mga anak ay sumulyap pa siya kay yumi.

"Identical twins kasi sila anak. Kaya magka mukhang magka mukha sila."-tugon nga niya at hinalikan ang mga ito sa noo. "Hi, mga anak. Ako ang daddy n'yo. Sobrang happy ni daddy ngayon kasi nakita ko na kayo"

Pero hindi pa rin siya pinapansin ni yumi,

"Ano pong name nila, mommy?"

"Francine and Francheska"-tugon ni yumi at sumulyap din kay franco.

"Wow! Ang ganda po. Parang ako po Francia naman."

Naluluha namang naka titig lang sila sandra at elena sa mga apo nila.

Lumapit din naman si pancho sa kama at pinagmasdan din ang mga sanggol.

"Mahihirapan tayong malaman kung sino si francine at francheska ah"-ani pancho habang nagpapalit-palit ng tingin sa kambal.

"May pagkakaiba po sila 'tay.. Si francine po may birth mark sa kamay. Si Francheska naman po wala"

"Kaya nga kapag nalilito tayo tignan lang natin ang kamay nila hehe"-sabad ni francis sa likuran.

"Love.."-hindi na naka tiis si franco kaya naman kinausap na niya si yumi. "Love, 'wag ka ng magalit sa'kin, sorry na talaga. Kausapin mo na 'ko please"-pagmamakaawa nito habang naiiyak na.

"Pa'no mommy? Patatawarin ko na ba 'to?"-tanong nga niya kay elena.

"Patawarin mo na anak, umiiyak na e"-natatawang tugon ni elena.

"Iyakin po talaga 'no? Ba't po gan'yan 'yan?"

"Bata pa lang si franco, iyakin na talaga 'yan eh. Naaalala ko nga nung grade 1 siya ayaw pa rin niyang magpa iwan sa school kaya kahit grade 1 na siya naka bantay pa rin ako"

"Grabe mommy, ibisto talaga ako?"-ani franco sabay punas ng luha.

"Sorry anak, nagsasabi lang ng totoo hehe"

Bahagya ngang inangat  ni yumi ang dalawang kamay niya habang naka higa siya, nangangahulugan na magpapayakap na siya kay franco.

Labis naman ang tuwang nararamdaman ni franco at mabilis ngang yumakap sa kaniyang asawa at sunod-sunod na hinalikan ito sa labi at noo.

"Thank you, love"-nakangiting sambit nito. "Sorry talaga ah, kasi wala ako nung nag le-labor ka at hindi ako ang naghatid sa'yo dito sa ospital. Kaya naman Michelle at Nida, thank you so much, hindi n'yo pinabayaan si yumi"-saad niya habang naka tingin sa dalawa. "Maaasahan talaga kayo"

"Wala 'yun sir"-tugon naman ni nida habang naka ngiti lang din si michelle.

"Ikaw ba magbabantay sa amin ni baby? Kasi isa lang ang p'wedeng bantay namin eh"

"Oo naman, love.. ako ang magbabantay sa inyo"

"P'wede akong pumalit kuya franco, kapag uuwi ka"-ani nathalie.

"Hindi ba't may pasok ka mahal?"-tanong ni francis. "Kaya naman, ako na lang ang papalit kapag uuwi si kuya"

"Wag na kayo, ako na lang"-ani celine. "Tutal wala naman akong gagawin eh"

"Pero paano si mommy olga?"-tanong ni yumi.

"Keri na ni manang alagaan si mommy"-tugon ni celine.

"Ako na lang magbabantay kila yumi, hindi na muna ako magbubukas ng carinderia"

"Nakaka tuwa naman, halos lahat kayo willing na magbantay sa'min."

"Siyempre naman ate.. ganoon namin kayo kamahal"-tugon ni nathalie.

Lumabas naman si james at napatingin nga sila dito..

"Sayang wala po si tito eriz, hindi pa niya nakikita ang twins"-ani diana.

"Sinong nagsabing wala ang tito?"-sabay-sabay nga silang nalingon kay eriz at kasunod nito si james.

"Tito eriz!"-sabay takbo ni diana kay eriz at nagpa buhat pa ito.

"Biglang happy ka ng makita mo si tito eriz mo ah"-ani francis.

"Siyempre po, love na love ko si tito eh"

"Ehem!"-ani francis

"Uy, may ubo ka?"-tanong nga ni eriz kaya natawa si nida.

"Natawa naman ang sweetie pie ko."

"Tse!"-nakangiting sambit ni nida.

Lumapit naman si eriz sa kambal habang buhat-buhat pa rin si diana.

"Hello, babies..Kayo ba si lira at mira?"

"Oy! Pati ba naman 'yang kambal Dinadala mo sa encantadia"-natatawang sambit ni yumi.

"Oo nga pala, ano'ng nick name nila, yumi? Mahaba kasi ang Yesha Francine at Yesha Francheska 'di ba?"-tanong nga ni francis.

"Cheska and Anne na lang siguro"-tugon ni yumi.

Tumango-tango naman si francis,

"Hmm..p'wede, maganda naman.."

"Puro kayo F ah.."-ani eriz.

"Oo nga eh"-tugon naman ni francis

"Nga pala guys, may sasabihin si eriz sa inyo"-saad ni james kaya naman sakaniya nabaling ang atensyon ng lahat.

"Ano?"-sabay-sabay nilang tanong.

"Ayoko sanang sabihin 'to, kasi baka hindi din kayo maniwala eh. Lalo ka na sweetie pie, honey pie, banana pie..Pero nais ko lang ipabatid sa inyong lahat na alam ko na kung sino ang pum4tay kay Gustavo Royales, Walang iba kun 'di ako"

Sabay-sabay ngang napatapik sa noo ang lahat.

"Wala ka ng sinabing matino, eriz! Makukurot talaga kita!"-ani Nathalie sabay amba kay eriz.

"Eriz is my step brother"-saad ni james na ikinabigla nila.

"S-seryoso?"-tanong ni Nida at Celine.

"Yes, Siya ang anak ni tito danilo"-tugon nito.

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now