Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 45
Sa ilang taon na lumipas, mas naging maayos ang lahat.
Naka Graduate na ng college si Nayumi at nag focus sa restaurant na pagmamay-ari niya.
Naikasal na rin sila Nathalie at Francis na lalong nagpasaya sa mansyon dahil doon na rin sila tumira matapos ang honey moon nila sa france.
Sobrang saya naman nila James at Celine dahil malapit na nga nilang makita ang anak nila.
Masaya na sila lahat, sa kabila ng napaka rami nilang pinagdaanan noon. Maraming mga sikreto ang lumabas na agad din namang naayos at nagkapatawaran.
Nagpatuloy din naman ang relasyon nila Roselle at Elbert. At hindi nga ito tinutulan ng kaniyang ama. Naayos na rin ang gusot sa pagitan ng mommy at daddy niya. Kaya naman naging masaya rin ang Pamilya nila.
Sila Eriz at Nida nga ay masaya din lalo na sa pagdating ng kanilang anak na mas lalong nagpatibay sa pagsasama nilang dalawa.Ganoon nga din sila Irah at Jonathan.
Kakasal lang din nila Yohan at Michelle na minsan ng naghiwalay dahil sa bisyo ni Yohan at dahil na rin sa kagagawan ni rica.
-
-"Love, malaki na sila kambal. Ehemm. Baka naman"-ani franco pagtabi nito kay yumi habang naka higa na sa kama para matulog.
"Ano'ng baka naman?"
"Alam mo na 'yun, love. Gawa tayo ng lalaki hehe"
"Gumawa ka mag-isa mo, pagod ako"-sabay talikod nito kay franco.
"Sige na love.. wala pa tayong anak na lalaki eh"
"Paano ka naman nakakasiguro na lalaki na magagawa natin? Paano kung babae ulit, aber?"
"Edi, try lang ng try hehehe"-sabay yakap niya kay yumi at hinawi ang buhok nito para halikan.
"Ano ba, love? Nakikiliti ako!"-natatawang sambit nito kay franco tsaka siya humarap.
Magka lapit nga ang mga labi nilang dalawa kaya naman agad itong sinunggaban ng halik ni franco.
"Love!"-sabay palo nito sa braso ni franco.
"Sige na kasi love. Gusto ko talaga ng lalaking anak. Sige na, pag bigyan mo na 'ko oh"
"Okay, sa isang kundisyon"
"Oo ba, kahit ano 'yan love"
"Talaga?"-tanong ni yumi.
"Of course, love.. ano 'yun?"
"Ipagn4nakaw mo ulit ako ng mangga kapag naglihi ako ah"
Natawa naman si franco dahil naalala niya ang ginawa nila ni jovan noon..
"Seryoso ka ba love?"
"Oo naman. Ayaw mo?"
"Ibibili na lang kita"
"Okay, sige"-tugon ni yumi.
"Payag ka?"
"Sige, wag ng gumawa"
"Love naman. Sige na.. oo, promise.. kukuha ulit kami ng mangga ni jovan. Kahit alas tres pa ng madaling araw 'yan"
"Weh? Maniwala sa'yo"
"Oo nga, love. Promise.."-sabay taas ng kamay nito..
"Sila ate celine nga pala, magpapa gender reveal bukas. Pupunta ka ba?"
"Oo naman, love"
"Okay.."
"Sige na gawa na tayo"-sabay halik muli nito sa mga labi ni yumi.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romansa"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...