Chapter 114

72 2 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 3

Napatakbo nga si nida at michelle sa kwarto nila nayumi ng marinig nila itong sumigaw.

Sakto naman na palabas na din si yumi at naka hawak ito sa tiyan at balakang niya.

"O-okay ka lang ba? B-bakit ka sumisigaw?"-tarantang tanong ni nida.

"Sumasakit na kasi tiyan ko, hindi ko alam kung saan ba talaga masakit parang umiikot. AAARRAAAYYY!!"

"Manganganak ka na yata! Michelle, tawagin mo si kuya jovan. Dalhin na natin si yumi sa ospital"

"Huh? W-wala si kuya jovan ipinagdrive si Ma'am Elena"

"Ha?! Pa'no 'to?! Sinong maghahatid sa kaniya sa ospital? Ikaw ba? Marunong mag drive?"

"Hindi eh"

"Tumawag na lang tayo ng ambulansya o kaya tawagan mo si Sir Franco"

"Hindi na yata aabot kapag naghintay pa tayo ng ambulansya baka mapanganak ako dito sa bahay.. ang sakit na talaga nida, tsaka hindi din matawagan si franco eh, yari sa'kin mamaya ang lalaking 'yon! Sila nanay din hindi sumasagot! Ang sakit na talagaaaa nidaaaaa!!!"

Hindi na nga malama nila nida at michelle ang gagawin lalo na't silang dalawa lang ang kasama ngayon ni yumi dahil si irah ay naka day-off, si francis naman ay nasa resort at si diana nga ay nasa eskwelahan.

"Ako ng bahala! Tulungan mo 'ko michelle na akayin si yumi papunta sa kotse"

"Sige!"

Inalalayan nga nila si yumi palabas ng bahay papuntang garahe hanggang sa maisakay nila ito sa kotse.

Nagtungo na nga sa driver seat si nida ng maalala niyang wala ang susi.

"Yung susi ng kotse, michelle! Paki kuha mo sa drawer! Daliii!!!"

"Oo! Oo! Sige!"-at akmang baba na sana si michelle ng lumingon ulit ito kay nida. "Teka?! Marunong ka bang magmaneho?"

"Medyo! Bahala na si batman!"

"Ano?! Baka mamaya n'yan pare-pareho tayong ma-ospital"

"Araaayyy!!! Ang sakittt naaaa!!!"-sigaw mi ni yumi kaya natarantang bumaba sa kotse si michelle at bumalik sa loob para kuhanin ang susi sa drawer.

"Teka, saang drawer nga ba? Halla! Ano ba 'to! Bakit ba naman kasi nagkasabay-sabay pa silang wala eh.."-saad nga nito at isa-isang hinila ang drawer at laking tuwa nga niya ng makita ang susi kaya patakbo itong lumabas at bumalik sa sasakyan. "Dahan-dahan lang nida ah, ayoko pang mam4tay"

"Oo naman 'no! Kung nagkataon tatlo tayo. Este lima pala.. dalawa nga pala nasa tiyan ni yumi"

"Dalian n'yo naaaa!!! Ang sakit na talagaaaaa!! Aray ko poooo!!! Araaayyy!"

"Oo na, eto na.. wait lang.. wait! Natataranta na 'ko"-ani nida at sinimulan ng paandarin ang kotse. "Bumaba ka ulit michelle! Yung gate, buksan mo! Wala din pala tayong dalang gamit ng baby!"

"Ano?! Babalik nanaman ako sa loob? Hinihingal na 'ko"

"Dalian mo na lang, mamaya mo na intindihin 'yang hingal mo! Dali naaa!!! Hihintayin kita sa gate!"

"G4ga! Paglalakarin mo 'ko hanggang gate? Ang layo!"

"Oo pala, sige dalian mo na, hihintayin ka namin dito"

Muli ngang tumakbo si michelle sa loob ng bahay at nagtungo sa magiging kwarto ng kambal na naroroon na ang mga gamit na nakagayak na..

Binitbit nga niya iyon at mabilis na lumabas at bumalik sa sasakyan.

Pawis na pawis na nga si yumi dahil nga masakit na masakit na ang tiyan nito.

Pagdating nga sa gate ay bumabang muli si michelle para buksan iyon at isinara na rin niya mula sa labas.

Pagkabalik nga niyang muli ay mabilis na pinatakbo ni nida ang sasakyan palabas ng subdivision.

"Tawagan mo na si sir franco baka makontak mo na"-utos ni nida.

"Oo, sige.."

Naka ilang ulit nga si nida sa pag kontak kay franco pero out of coverage area pa rin ito.

"Yung secretary n'ya, baka magkasama sila sa meeting"

"Gagi! Wala akong number no'n. Wala din sa akin ang bagong number ni ma'am elena."

"Si kuya jovan!"

"Hindi din sumasagot, nida"

"Ano ba naman mga 'yan! Kainis na!"

"Uy, nida! Ano ba?! Dahan-dahan!"-natatakot na sambit ni michelle dahil ang tulin nga ng patakbo nito at panay ang busina para bigyan sila ng daan.

"Ulit-ulitin mong tawagan si sir"

"Wag na! Hayaan n'yo s'ya! Pakisabi pagdating n'ya ng ospital 'wag s'yang papakita sa'kin!"

Napakamot na lang sa batok si michelle at si francis nga ang tinext niya.

"Sir, papunta kami ng ospital. Manganganak na si yumi"

"Sige, pupunta na din ako do'n, si kuya ba ang kasama n'yo?"

"Wala si sir franco, kami lang po ni nida ang magdadala sa kaniya sa ospital
Sir, natatakot ako. Hindi pa naman gaanong marunong si nida mag drive"

"Ano?! Bakit hindi kayo tumawag ng ambulansya? Nasaan sila mommy? Sila kuya jovan?"

"Wala po sila lahat, sir!"-huling reply ni michelle dahil nakapasok na sila ng ospital.

Pagka tapat nga ng E.R ay agad na bumukas ang pinto at may mga lumabas para tulungan si yumi na ibaba, pagkatapos nga ay ipinarada ni nida ang sasakyan.

"Isa lang po ang puwede sa loob"-saad nga ng nurse kaya naman si nida na lang ang sumama sa loob.

Naghintay nga sa labas si michelle at ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas si nida.

--------

Hanggang sa dinala na nga sa DELIVERY ROOM si yumi tsaka pa nga lang dumating sila francis at franco. Halos magkasabay nga ang mga ito ng dating.

"Si yumi?!"-agad na tanong ni franco ng makita si michelle.

"Nasa Delivery Room na daw po, sabi ni nida"

Hindi nga mapakali si franco hindi niya malaman kung ano'ng gagawin kaya naman naupo muna siya sa sulok at nananalangin na sana ay ligtas ang asawa niya at maayos na maipanganak ang kambal nila.

"Nagtatampo po si yumi sa'yo, eka n'ya kanina ayaw ka n'yang makita kasi hindi ka namin ma contact sir"

"Nasa meeting ako eh, naka silent cellphone ko. Tapos nung mayari tsaka ko lang nakita na ang dami niyang missed calls pati ikaw at nabasa ko nga ang text ni francis. kawawa naman ng asawa ko, pero salamat sa inyo ni nida ah.."

"Wala 'yon sir, kahit sobra 'yung taranta namin ni nida kanina. Nagkataon pa naman na walang lalaki kanina sa bahay. Kaya kahit hindi gaanong marunong mag drive si nida, sinubukan pa rin. Thanks god kasi safe naman kaming nakarating po dito"

"Sa ultra sound kasi niya sa 12 pa siya manganganak. Eh 8 pa lang ngayon kaya hindi ko alam na manganganak na s'ya"

Bigla ngang lumabas si nida kaya naman si franco ang pumalit sa labas ng Delivery Room

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now