Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 43
Nang may pagkakataon na si Francis para lapitan si Elsa ay agad nga itong lumapit sa dalaga.
"Elsa, can we talk?"
"P-po? T-tungkol saan?"-sabay lingon nito sa mga kaybigan na abala sa pakikipag kwentuhan sa ibang bisita.
"Tungkol sa sinasabi mo kanina, ano 'yung kaylangan kong malaman? Please, elsa. Tell me"
"Kuya.."
"Elsa, please! Nagmamaka awa ako sa'yo. Ano ba 'yun?"
"Mas okay yatang si ate ang makausap mo, kuya. Sorry pero hindi maganda kung sa akin manggagaling"
"Please! Sabihin mo na oh.."
Lalapit sana si Nathalie ng makita niyang magkausap muli sila elsa at francis. Kaya naman naka tanaw lamang siya sa mga ito ng mapansin niyang lalabas ang mga ito kaya pasimple siyang sumunod.
"Okay, kuya.. dahil kinukulit mo 'ko. Sige! Sasabihin ko na sa'yo. Dahil karapatan mong malaman ang totoo"
Napa iling naman si francis dahil sa binitiwang salita ni elsa.
"Ano'ng totoo?"
"Nagka anak kayo ni ate ena"
Nanlaki nga ang mga mata ni francis hindi siya makapaniwala sa natuklasan.
Maging si nathalie ay sobrang nabigla. Agad ngang umagos ang mga luha niya habang nakatingin sa dalawa.
Tumakbo na nga ito palayo habang umiiyak. Sobra siyang nasaktan dahil sa narinig niya mula kay elsa. Hindi niya akalain na ang lalaking pakakasalan niya ay may anak na pala.
"Totoo ba 'to, elsa? Nasaan ang anak ko?"-tanong ni francis.
Tumulo na nga rin ang mga luha ni elsa at umiling-iling lang ito kaya naman hinawakan siya ni francis sa magkabilang balikat niya.
"Nasaan ang anak namin ni ena?"
"Wala na s'ya kuya.. wala na"-tugon ni elsa habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
"A-ano'ng wala na? Ano'ng ibig mong sabihin? Nasaan? Nasaan?!"-natataasan na nga niya ito ng boses.
"N4matay din s'ya kuya. Sorry"
"Ano?!"
"Dalawang araw lang ang tinagal ng buhay n'ya kuya. Sabi ng doctor may butas ang puso ng bata at kaylangang maoperahan pero paglipas ng dalawang araw bigla na lang hindi makahinga si prince"
Napasuntok naman si francis sa kotse na nasa harapan niya dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya.
Nagulat naman si elsa dahil sa ginawang iyon ni francis.
"Bakit hindi n'yo sa'kin sinabi na gano'n pala ang kalagayan ng anak ko? Karapatan kong malaman 'yun dahil ako ang ama! Nam4tay ang anak ko at wala akong kaalam alam!"-sigaw nito. "Ilang beses kong pinilit ayusin 'yung relasyon namin pero ang tigas ng ate mo!"
"S-sorry kuya.. sorry"-paulit-ulit na sambit ni elsa habang luhaan ang mga mata nito.
"Okay lang sana kung inilayo n'yo at itinago sa akin basta buhay. Pero 'yung malaman ko na n4matay pala s'ya doble 'yung sakit! Doble 'yung sakiy, elsa!"-sigaw nito at napasabunot na lamang sa kaniyang ulo at tinalikuran ang dalaga. "Saan s'ya naka libing?"-sabay harap muli nito kay elsa.
"Bukas po.. ituturo ko sa inyo. Malayo din kasi eh"
"Hindi ko na kayang ipagpa bukas pa! Sabihin mo kung saan! At pupuntahan natin!"
Ngayon nga lang nagalit at sumigaw ng ganito si francis. Ibang-iba sa francis na laging mahinahon magsalita at laging naka ngiti.
"O-opo.."
___________
"Wuy! What happened Nata De Coco? Why are you crying crying ba?"-tanong ni eriz ng makasalubong si nathalie na umiiyak.
Huminto naman si nathalie at tumingin sa kaniya.
"Ang tagal namang matapos ng iyak mo. Tapos na proposal ah."
Ngunit walang sali-salitang niyakap ng mahigpit ni nathalie si eriz..
"Ang sakit, eriz! Ang sakit! Sakit!"-Saad nito habang patuloy sa pag-iyak at lalong humigpit ang yakap niya sa kaybigan.
"Alin ang masakit? Ang ma engaged?"
Bumitaw naman si nathalie sa pagkakayakap kay eriz.
"No, hindi 'yun"
"Eh, ano? Bakit ka ba umiiyak? Ano bang nangyari?"
"Si francis.."
"Ha?! What happened to him?"
"May anak si francis, eriz! May anak s'ya"
"What?! Oh no! I can't imagine na may anak pala s'ya? Paano? Kanino? This is ridiculous!"
"Ang sakit; eriz!"-sabay hagulgol nitong muli.
"Don't cry na. You deserve someone butter!"
"Ha? Ano'ng butter pinagsasabi mo?"
"Ha? Mali ba? Okay. You deserve someone margarine"
"Eriz naman eh! Seryoso kasi ako!"
"Sorry naman. Pinapangiti lang kita"
"Sa tingin mo mangingiti ako?"
"Paano ba kasi? Nakakagulat naman kasi. Totoo ba talaga?"
"Oo nga! Rinig na rinig ko mula do'n sa elsa. Yung kaklase ni ate"
"Paanong narinig?"
"Sabi nung elsa nagka anak si francis at nung ate n'ya. Yun 'yung first girlfriend ni francis. Yung ena"
"So, hindi alam ni francis ang tungkol sa bata?"
"Maybe.."
"Mas masakit kung nagka anak s'ya sa iba tapos girlfriend ka n'ya. Sabi mo nga sa ex n'ya eh.. ano'ng sabi ni francis tungkol doon?"
"I don't know. Umalis na 'ko ng marinig kong sinabi ni elsa na nagka anak si ena at francis eh"
"Anak ng tokwa na ginagawang taho. Makiki marites ka na nga lang. Hindi mo pa tinapos?"
"Hindi ko na kayang marinig eh. Ang sakit kaya. Kahit sabihin mo pang past na 'yun at anak lang n'ya 'yun sa ex n'ya. Ang sakit pa din!"
"Mag-usap kayo ni francis. Pag-usapan n'yo 'to. At kung may anak nga sila nung ena, karapatan ni francis na makita 'yung bata. Kaylangan ka ni francis ngayon, natz"
"Tama ka, eriz. Thank you ah. Kahit minsan may tama ka sa utak. May sense ka pa din kausap. Thank you ulit"
"Okay na sana eh. Kaso bakit may kasama pang may tama sa utak? Okay, You're welcome! Mag-iingat ka baka maisahog ka sa fruit salad"
"Tse! Bumalik ka na sa buntis mong asawa at babalikan ko 'yung fiancee ko"
Itutuloy...
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romansa"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...