"When i was thirteen years old naghiwalay sila mommy at daddy.. si kuya fifteen naman no'n. Pareho kaming naiwan ni kuya sa puder ni daddy. Hindi naging madali ang buhay namin ng iwan kami ni mommy. Narealize ko no'n kahit pala ang dami mong pera hindi mo mabibili ang tunay na kaligayahan at mas lalong hindi mabibili ng pera ang perpekto at masayang pamilya."-pagsisimulang magkuwento ni francis sa dalaga.
"Lumaki kami ni kuya na uhaw sa pag-mamahal ng isang ina.. Hindi manlang nila inisip 'yung magiging kalagayan namin dahil sa naging desisyon nila. Sa pag-alis ni mommy dito sa bahay parang umalis na rin si daddy.. itinuon na lang n'ya sa trabaho ang lahat ng oras n'ya para makalimutan n'ya si mommy. Hindi n'ya alam na nandito pa kami ni kuya."
"B-bakit po sila naghiwalay?"-tanong ni nayumi sa binatang luhaan na ang mga mata.
Agad namang pinunasan ng binata ang kaniyang luhaang mga mata at bumaling ng tingin sa dalaga.
"Bumalik ang ex ni mommy..'Yun talaga ang mas mahal ni mommy eh, Pinakasal lang sila kasi nabuntis na nun ni daddy si mommy at si kuya nga 'yun. Hindi ko na alam kung ano ang buong kwento pero ang natatandaan kong kwento ni lolo gusto ni daddy si mommy no'n kaya gumawa s'ya ng paraan para hindi matuloy ang kasal ni mommy sa ex n'ya."
"Ano pong paraan 'yun?"
"Pinalabas n'ya na may nangyari sa kanila ni mommy nung nalasing sila pareho haha. Edi s'yempre nagalit 'yung lalaki sa kanila. Iniwan n'ya si mommy."
"Hindi po ba nagalit 'yung mommy mo sa daddy mo?"
"Nagalit s'yempre ah.."
"Kung nagalit po bakit po nabuntis pa ng daddy mo ang mommy mo? At nadagdagan pa 'yun at ikaw nga po"
"Mag best friend sila ni daddy. Kaya kahit galit s'ya kay daddy pinatawad n'ya pa rin ito. Tsaka si daddy 'yung nandoon nung panahong naluluksa si mommy dahil namatay 'yung nanay n'ya. Hindi n'ya ito iniwan hanggang sa maka move-on ito sa pagkawala ni lola. Siguro dahil lagi silang magkasama natutunan na rin s'yang mahalin ni mommy. Tapos naging sila. Hanggang sa nabuntis na nga ni daddy si mommy at pinakasal na sila. Sabi nga ni lolo napaka saya daw ni daddy no'n nung kinakasal sila ni mommy kahit inagaw lang naman daw ni daddy si mommy."
"Pero 'yung saya na 'yun..matatapos din pala.. kapag talaga hindi sa'yo 'yung tao p'wedeng mawala kahit na ang dami n'yo ng pinagdaanan at pinagsamahan"
"Agaw lang kasi eh, kaya inagaw din sakan'ya. Nagpa agaw naman si mommy. Akala mo mga teen-ager eh. Pero talagang gano'n hindi na namin maibabalik ang lumipas na kaya tinanggap na lang namin ni kuya. Nabuhay kaming malungkot ang buhay. Nagrebelde din ako no'n. Lahat yata ng alak natikman ko na eh. Akala ko kasi no'n kapag nalasing ako. Makakalimutan ko na 'yung lungkot ng mundo. Pero pag gising ko..malungkot pa rin. Inuubos ko 'yung mga binibigay ni daddy na pera para sa mga bisyo ko. Minsan nga nagagawa ko pang magn*kaw ng pera n'ya eh kapag hindi n'ya 'ko binibigyan"
"Eh, si sir franco po?"
"Good boy 'yun.. kumakanta 'yun habang nag-aaral.. hanggang sa maging sikat nga s'yang singer. Hindi n'ya sa'kin pinapakita na sobra din s'yang naapektuhan sa paghihiwalay ng mga magulang namin..pero alam ko durog din 'yun. Sa aming dalawa s'ya 'yung strong. Pero sa amin ding dalawa s'ya 'yung spoiled. S'ya 'yung favorite ni daddy"
"Ang lungkot naman po pala..buti po kinaya mo?"
"Neto nalang ako nagbago nung dumating sa buhay namin si diana. Naging masaya ulit kami. Alam mo bang ako ang napupuyat kay diana nung maliit 'yun. Kasi nga ayoko naman hanggag gabi magtatrabaho 'yung yaya n'ya. Wala pa si Michelle nun dito. Bago lang din s'ya eh. Pero si kuya grabe kahit umiiyak na si diana ng madaling araw tulog pa rin s'ya. Naghihilik pa.. Naiintindihan ko din naman nagtatrabaho s'ya eh. Malaking responsibilidad ang iniwan sakan'ya ni daddy."
"Nasaan na po ang daddy n'yo?"
"Wala na s'ya..at kay kuya lahat ipinamana ang mga ari-arian namin. Dahil nga daw uubusin ko lang lahat 'yun sa bisyo ko. Sa mga babae.. pero hindi ako pinabayaan ni kuya. S'ya 'yung tumayong ama at ina ko ng mawala sa piling namin ang mga magulang namin..pero kung hindi dumating si diana sa buhay naming magkapatid. Baka laman pa rin ako ng gulo. Laman ng bar,laman ng presinto haha"
"Ang laking tulong po talaga ng pagdating ni diana"
"Sobra... kaya may pakiusap sana ako sa'yo"
"A-ano po 'yun?"
"Pakitimplahan pa ako ng kape hehe. Lumamig kasi eh. Ang daldal mo kasi"
"Ay hehe.. ako pa talaga sir 'yung madaldal ha?"-tsaka kapwa natawa ang dalawa.
"Bakit? Ako ba?"-natatawang tanong ni francis.
"Sino pa nga ba sir?"-nakangiting tugon ni nayumi.
"Okay,sige ako na.. kahit ikaw naman talaga"
"Ay grabe si sir.."-tsaka nito dinakma ang kape. "Sige po ipagtitimpla ko na kayo ulit..kunwari pa si sir na lumamig eh. Nasarapan lang sa kape"
"Oo na! Sige na.. masarap naman talaga."
Ngunit tatayo na sana ang dalaga ng bigla nalang itong mawalan ng balanse.
Mabuti na lang at mabilis siyang nasapo ng binata. Kaya naman nagdikit ang mga katawan nila maging ang mga mata nila ay nagtagpo din.
"O-okay ka lang?"
"Ah...opo..opo.. thank you sir ha"
"Pahinga ka na.. 'wag mo na akong ipagtimpla.."
"Sure ka po?"
"Yes"
"Okay po.."
"Thanks nga pala"-saad ng binata.
"Tungkol po saan?"
"Sa pakikinig sa drama ng buhay namin"
"Salamat din po sa pagshi-share."
"Next time ikaw naman ah"
"Oo ba..sige po sir, good night po"
"Good night"
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Roman d'amour"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...