Bumalik nga sa cottage si yumi bitbit ang damit at short nito naka sunod naman sakaniya si franco.
"Galit ka ba? Dahil ginawa ko 'yun?"
Pero hindi kumibo si yumi at hinubad na lamang niya ang polo ni franco at pahampas na ibinalik ito kay franco.
Lantad nanaman ang kasexyhan ng dalaga,
Padabog nga din niyang binuksan ang pinto ng cottage at doon nga nagbihis.
Wala ngang imik na nahiga ito at nagbalot ng kumot.
Sumunod nga si franco sa loob at ng makitang naka higa si yumi ay napasalo na lang ito sa kaniyang noo.
"Sorry na, sige pumapayag na ako. Ayoko lang kasing ang daming nakakakita sa katawan mo, kahit pa nga beach ito yumi"
"Hindi na! Wala na akong gana!"-tugon nito habang naka balot pa rin ng kumot.
Tumabi nga sakaniya si franco at pilit inaalis ang nakabalot sakaniyang kumot.
"Ano ba?! Tigilan mo nga ako!"-inis na sambit ng dalaga habang nakikipaghilaan sa kumot.
"Ang higpit higpit mo! Alam mo ba 'yon?!"
"Hindi ako mahigpit.. conservative lang ako"
"Ano'ng pinagkaiba no'n? Akin na nga 'yang kumot matutulog na lang ako! Ikaw bumalik ka na sa dagat! Kausapin mo na lang 'yung mga babaeng nagtitilian sa'yo do'n"
"Ayiieee..selos 'yan? Kaya ka ba nag two piece para makaganti ha? Fans lang naman 'yon, ikaw 'yung mahal ko..sorry na"
"Bakit ko kaylangang gumanti? Kahit hindi ako mag two piece maraming nagkaka gusto sa'kin akala mo ikaw lang?"
Pinisil nga ni franco ang ilong ni yumi,
"Alam ko naman 'yon kaya nga natatakot akong magpa sexy ka eh. Tsaka gusto ko ako lang nakaka kita n'yan hehe"
"Tsk!"
"Namumula 'yung ilong mo. Sign na nagseselos ayiieee"
"Ayiieeee..ayiiee ka d'yan bakit ako magseselos? Boyfriend ba kita?!"
"Hindi pa.. pero mahal mo 'ko at sapat na dahilan 'yun para magselos ka. Pero wala ka namang dapat ikaselos eh. Sa'yo lang ako..saiyong-saiyo lang ako"
"O.A mo! Umalis ka na nga dito! Bumalik ka na do'n!"
Pero imbis na umalis ay hinawakan nito ang mukha ni yumi at mabilis nanamang hinalikan.
Muli nanamang inangkin ng binatang ama ang mga labi ni yumi na kahit nagpupumiglas ito ay lalo pa niyang pinanggigilan.
Mas lalong naging wild ito sa paghalik sa dalaga hanggang maihiga nanaman niya ito.
"Pantanggal selos"-saad nito ng bahagya niyang ilayo ang mga labi niya kay yumi.
"Selos mo mukha mo!"-sabay tulak niya dito para makawala siya kay franco.
Pero mabilis pa rin siya nitong nahuli at binuhat siya na para bang bagong kasal at iniaakyat sa itaas.
Doon gagawin ni franco ang binabalak sa dalaga.
"Bitiwan mo 'ko, rapist!"-sigaw ni yumi habang nagpupumiglas.
"Wag kang malikot, malalaglag tayo"
"Bitiwan mo 'ko sabi eh! Kainis ka na talaga! Isusumbong na kita sa nanay ko!"
"Ano? Magseselos ka pa? Sa tuwing magseselos ka ganito funishment mo"-sabay hagis niya kay yumi sa kama at mabilis niya itong nilundag at muling umibabaw dito.
Pinaghahampas naman ni yumi ang dib-dib nito pero balewala iyon kay franco at siniil nanaman siya ng halik.
"Itutuloy ko na ang naudlot kanina ah"-saad nitong muli. Ano? Magseselos ka pa?"
"How many times do i have to tell you? Hindi ako nagseselos! Hindi! Tigilan mo nga ako! Ang manyak mo talaga!"
"Gwapong manyak naman"-pilyong tugon nito. At diniinan ang paghawak sa hita ni yumi.
Hahalikan nanaman sana niya ito pero nag ring ang cellphone ni yumi na nasa bag nito kaya mabilis niyang itinulak si franco at kinuha ang cellphone sa bag niya.
Nagkatinginan pa silang dalawa ng makitang ang nanay ni yumi ang tumatawag.
"Si tita?"
"Oo, at isusumbong kita! Sasabihin ko minamanyak mo 'ko!"
Natawa naman si franco dahil alam niyang tinatakot lang siya nito.
"H-hello 'nay?"
"Hello!"-bahagyang nailayo ni yumi ang cellphone sa kaniyang tenga dahil sa lakas ng boses ng kaniyang ina. "Ikaw bata ka! Ano bang pinaggagagawa mo?!"-galit na sambit ng kaniyang ina mula sa kabilang linya.
"P-po?"
"Boyfriend mo na si sir franco?!"-tanong nito na ikinagulat ni yumi kaya napabaling siya ng tingin kay franco.
Naka titig naman si franco sakaniya habang naririnig niya ang sinasabi ng ina ni yumi.
"P-paano n'yo po nasabi 'nay?"
"Ikaw nga ang magpaliwanag sa ate mong pasaway!"-saad ng kaniyang ina sa kapatid niyang si nathalie.
"Ah..ate..kasi napanood namin 'yung video"-saad ni nathalie.
"Huh? A-anong video?"
"Yung video n'yo ngayon. 30 minutes pa lang na naka upload pero marami ng views ate."
"Ano bang video 'yun? Hindi kita maintindihan"
"Yung video n'yo ni sir franco sa dagat. 'yung naka two piece ka lang tapos nilapitan ka ni sir franco at itinakip niya sa'yo 'yung polo n'ya"
Kapwa napa nganga ang dalawa sa nalaman nilang iyon.
"A-anong caption nung video? Para masabi ni nanay na boyfriend ko si sir franco?"
"Franco Dela Vega, Over protective sa kaniyang bagong girlfriend. 'yun 'yung caption ate"
Napa tampal naman sa noo si yumi at tinapunan ng masamang tingin si franco. Nalunok naman ni franco ang sariling laway.
"Habang tumatagal ate mas lalong dumadami ang nakakapanood. Totoo ba 'yun? Boyfriend mo na si sir franco?"
"Ha? Ahmm...nathalie? H-hello"
"Ate!"
"Hello Nathalie? Mahina ang signal. Hello? Hindi kita marinig. Wala ka yatang signal"
Pagsisinungaling ni yumi tsaka niya tinapos ang tawag. Tsaka ito nagpatibuwal sa kama.
"Kasalana mo 'to eh..umeksena ka pa kasi 'yan tuloy viral na tayo. Tapos fake news pa"
"Edi hayaan nating iyon ang paniwalaan ng mga tao."
"Sira ka talaga! Akala tuloy nila nanay boyfriend na nga kita! Kainis ka kasi eh!"
"Tatawagan ko na sila nida na bumalik na dito sa cottage at uuwi na tayo at mamanhikan na ako"
"Teka, ano?! Siraulo ka ba?!"
"Yun na lang din ang alam nila eh, edi panindigan na natin. Kahit pagsasampalin pa ako ni tita okay lang. Mahal kita at ipaglalaban kita. Kaya halika na iayos na natin mga gamit natin at uuwi na tayo ng maynila"
"Baliw ka ba?! Gagawin mo talaga 'yon?"
"Bakit hindi? Tsaka ilang beses na kitang nahalikan at nahawakan 'yang ano mo..basta 'yun na 'yon at kaylangan ko ng panagutan 'yon"
Tinawagan nga ni franco si nida para bumalik ng cottage wala ngang kaalam alam ang mga ito sa nangyayari kung bakit biglaan ang pag check-out nila.
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...