Chapter 56

138 4 0
                                    

"Love, 'wag ka na kaya munang pumasok?"-saad ni yumi habang gumagayak si franco pagpasok sa opisina.

"Hindi p'wede love eh..marami akong tatapusin ngayon sa opisina eh"

"Halla..lagi ka namang wala dito"-naka ngusong sambit nito tsaka yumakap sa likuran ni franco. "Sige na, dito ka na muna please...please love"

Humarap naman si franco at hinawakan ang mukha ni yumi ng kaniyang dalawang kamay.

"Sorry talaga love, next time.. mag le-leave ako, promise. Sorry talaga love ah, may lunch meeting din ako with client."

Inalis naman ni yumi ang mga kamay ni franco sa mukha niya at para itong batang nagmaktol patungo sa kama.

"Lagi ka nalang wala dito sa bahay, laging busy sa trabaho. Hindi na nga natin naaasikaso 'yung papers natin para sa kasal"

"Sorry talaga love..next week mag-aayos na tayo, promise 'yan"-tsaka lumapit muli kay yumi.

"Bahala ka.."

"Galit ka?"

"Hindi..bakit ako magagalit? Tsaka kahit naman magalit ako alam ko naman na papasok ka pa rin"

"Kung hindi lang talaga importante 'yun love, hindi na muna ako papasok kaso hindi talaga p'wede eh. Kain ka na ah, 'wag kang papalipas ng gutom. Naka luto na sila pero ako sa opisina na kakain..sige na love.. i love you"

"Okay"-tipid na tugon ni yumi.

Hindi na nagsalita si franco at humalik na lang sa pisngi ni yumi tsaka ito lumabas ng kwarto.

"Ahhh..talagang umalis nga! Sige ah.. mas importante sa'yo 'yang trabaho mo kesa sa'kin.  Aalis din ako..akala mo ikaw lang lagi p'wedeng umalis tapos ako lagi na lang dito sa bahay. Nek nek mo"-wika nito sa sarili tsaka bumangon na para kumain.

Siya na rin ang nagprisintang maghatid kay diana sa eskwelahan para makagala na rin.

Wala pa rin si jovan kaya naman magta-taxi na lang sila ni diana.

Wala na din si celine dahil may taping ito..

Maging si nathalie ay may pasok din kaya napilitan din na umuwi ng maaga at inihatid siya ni francis.

"Sakto wala silang lahat dito sa bahay, hindi nila mamamalayan na wala ako."-wika nito sa sarili habang nasa taxi sila ni diana.

"Ah..mommy? Ikaw din po ba susundo sa akin mamaya sa school?"

"Yes naman baby, ako din.."

"Talaga po? Yehey! Sana nga po pareho kayo ni daddy eh.. kaso po lagi s'yang busy sa work"

"Kaya nga eh, mas love nga n'ya work n'ya kaysa sa akin eh"

"Hindi naman po siguro mommy, alam ko po na love na love ka ni daddy"

"Hmm..ewan ko sa kan'ya!"

"Galit ka po kay daddy?"

"Ha? Hindi baby, joke ko lang 'yun..'wag mo na lang pansinin sinabi ko"

"Okay po, mommy"

"Ay..anak, nakalimutan ko may pupuntahan nga pala ako.. kaya kay yaya irah na lang kita ipapasundo ah"

"Po? Pero sabi mo po ikaw po susundo sa'kin?"

"Bigla kong naalala na may pupuntahan pala ako."

"Gano'n po? Okay po.. sige po si yaya irah na lang po..basta po bawi ka next time ha?"

"Oo naman, baby..thank you. O kaya si mama mo"

"Hindi na po, busy din po si mama eh"

"Pero kung aabot ako anak, sa uwian n'yo ako na susundo pero kung hindi si yaya na lang ah?"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now