Chapter 44

142 6 0
                                    

(BALIKAN ANG NAKARAAN)

"Sino 'yung mga kausap mo sa labas mommy? Bakit parang nagtatalo kayo?"-tanong ni celine sa ina pagkabalik nito sa loob ng bahay.

"W-wala 'yun anak. 'wag mo ng isipin 'yun"

"Paanong hindi ko iisipin? Mukhang may problema, parang galit sila sa'yo?"

"A-anak...May kaylangan akong sabihin sa'yo"-sabay upo nito sa sofa at humagulgol ng iyak.

"Sabi ko na't may problema, please mom! Tell me! Ano ba 'yun?!"

"Malaki ang utang ko sa kanila at sinisingil na nila ako"

"Utang? At bakit ka nagka utang? Magkano? Ako na ang magbabayad"

"One hundred million, celine."

"Ano?! Paano ka nagka utang ng ganoon kalaking halaga?!"

"Natalo ako ng natalo sa casino, anak. Tapos 'yung iba. Pinang bisyo ko. Patawarin mo ako, celine..sorry"

"Nag-iisip ka ba?! Saan tayo kukuha ng gano'n kalaking pera?! Mommy naman! Wala ka na ngang trabaho ako na nga ang bumubuhay sa ating dalawa mula nung nalaos ka tapos nagawa mo pang magsugal ng magsugal at mag bisyo! Hindi ka ba naaawa sa'kin?! Yung mga binibigay ko sa'yong pera nilulustay mo lang pala sa lintik na casino na 'yan! Paano nga ngayon 'yan?!"

"Sorry talaga..sorry.. binibigyan lang nila ako ng isang linggo para bayaran lahat 'yun"

"Ano?! Isang linggo?! Kahit ibenta ko pa buhay ko hindi ko kikitain 'yung gano'n kalaking pera!"

"Alam ko.. kaya hayaan mo na lang ako anak. Sabi nila kapag hindi ko naibigay 'yun ipap4p4tay nila ako"

"Hindi nila p'wedeng gawin 'yun! Sige akong bahala! Gagawin ko lahat 'wag ka lang nilang saktan"-sabay yakap niya sa ina niyang iyak ng iyak at nanginginig sa takot. "Kapag nabayaran ko 'to tumigil ka na sa mga bisyo mo"

"Oo anak, pangako.. kanino ka pala hihingi ng pera? Kay franco?"

"Hindi po.. break na kami. Tsaka walang gano'n kalaking pera si franco"

"A-ano? Bakit mo s'ya hiniwalayan? Napaka bait na tao ni franco at mahal na mahal ka n'ya."

"Huwag na po nating pag-usapan si franco, maiwan ko po muna kayo. 'wag na 'wag kayong lalabas ng bahay. Isara n'yo lahat ng pinto at mga bintana. Babalik din ako agad, may kakausapin lang ako"

.
.
.
.
.
.
"Bakit mo ako pinapunta dito? Miss Claveria?"-tanong ni thomas ng magkita sila ni celine sa isang restaurant.

"I have something to tell you, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I need you, i need your money. I need one hundred million"

"What?! Saan mo gagamitin ang ganoon kalaking pera? Bibili ka ba ng mga properties?"

"No, gagamitin ko ang pera na 'yun para sa kaligtasan ng mommy ko, matutulungan mo ba ako thomas? Ayokong m4matay ang mommy ko, s'ya na lang ang meron ako. Please thomas, help me.. i will do everything! Everything you want"

"Okay, i'll give you the money you need, pero may isa akong kundisyon..You're mine!"

Nanlumo si celine dahil sa sinabing iyon ni thomas. Pero wala siyang magagawa mas mahalaga sakaniya ang buhay ng kaniyang ina.

"Okay, deal!"

"Okay, Bukas na bukas ibibigay ko sa'yo ang perang kaylangan mo. Pero sa akin ka na titira. Because from now on! Akin ka na celine..pagmamay-ari na kita"

Pumayag si celine kahit labag iyon sa kalooban niya. Lalo na't hindi naman niya gusto ang matandang iyon. Halos triple ng idad niya ang tanda nito sakaniya.

Maluha-luha nga siyang nakipagkamay kay thomas.

.
.
.
.
"Buntis ka?! Sinong ama n'yan?!"-sigaw ni thomas ng sabihin ni celine na buntis siya.

"My ex-boyfriend. Si franco"

"Ipal4glag mo 'yan! Hindi ko matatangap 'yang anak mo sa ibang lalaki! Akin ka nga ngayon! Akin ka na!"-sigaw nito kasabay ng pagbigwas niya kay celine dahilan ng pagkasubsob nito sa kama.

"Please, thomas..'wag naman..anak ko 'to eh"-pagmamakaawa niya habang umiiyak tsaka ito lumuhod kay thomas. "Ipagpapatuloy ko na lang sa America ang pagbubuntis ko. At kapag naka panganak na ako ibibigay ko s'ya sakan'yang ama. At magsasama na tayo."

"Okay! Pero kapag hindi mo tinupad 'yang sinasabi mo! Alam mo na kung ano'ng mangyayari sa'yo at sa baby mo! Alam mo kung ano ang mga kaya kong gawin!"

"Oo..oo..thomas, promise..thank you.."

---------

Hindi napigilan ni franco ang pagpatak ng kaniyang mga luha dahil sa pag amin ni celine ng katotohanan.

Maging si yumi na kanina pa nakikinig ay nagulat din, hindi niya akalain na ganoon pala kahirap ang mga pinagdaanan ni celine.

"B-bakit hindi mo na lang sinabi sa'kin? Ako na lang sana ang gumawa ng paraan kaysa lumapit ka pa sa thomas na 'yun! Ang tagal kong naniwala na pinabayaan mo si diana dahil ayaw mong malaman ng mga tao na nabuntis ka ng hindi pa naikakasal at para sa career mo"

"Pagkatapos kitang iwan? Lalapit ako sa'yo? Buhay ng ina ko ang nakataya dito kaya wala na akong choice kundi ang humingi ng tulong kay thomas. Walang gabi na hindi niya ako binaboy kahit pinagbubuntis ko na noon si diana, walang araw na hindi ako umiiyak. Sising-sisi ako. Sabi ko noon siguro 'yun na 'yung karma ko dahil sa pag-iwan ko sa'yo. Hindi ko kayang sabihin sa'yo noon ang totoo dahil pinagbantaan din ako ni thomas. Buti nga isang taon lang ang naging pagtitiis ko sakaniya dahil inatake s'ya at nam4tay. Pero hindi na ako nakabalik sa inyo kase wala na akong mukhang maihaharap kaya pinanindigan ko na lang 'yung pinaniniwalaan n'yo"

Napatakip ng bibig si yumi ng makitang niyakap ng mahigpit ni franco si celine kasabay nito ang sunod-sunod na pagpatak ng kaniyang mga luha.

Para sakaniya iyon na ang pinakamasakit na makitang may kayakap na iba ang taong mahal niya.

Halos hikain si yumi sa patuloy na pag-iyak habang yakap yakap parin ni franco si celine.

Agad nga siyang tumakbo pabalik ng kwarto at doon sumalampak  at napa hagulgol habang yakap ang sarili.

--------

"Pero hindi na mababago ng katotohanan ang sitwasyon ngayon. May iba na akong mahal, at si yumi 'yon, siya ang babaeng pakakasalan ko"-ani franco pagkatapos niyang yakapin si celine. "Siya na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay"

Tumango-tango naman si celine habang pumapatak ang mga luha.

"Alam ko.. Alam ko kung gaano n'yo kamahal ang isa't-isa.. sa tatlong araw na pag-i-stay ko dito nakita ko kung gaano mo s'ya kamahal at kung gaano s'ya kamahal ni diana.. ikaw ng bahala sa kapatid ko ah. Alagaan mo s'ya. Darating 'yung araw na hihingi din ako ng tawad sakan'ya at ihaharap ko s'ya kay mommy"

"Makakaasa ka..hinding-hindi ko sasaktan ang kapatid mo, mahal na mahal ko s'ya at gagawin ko lahat para sakan'ya"

"Salamat, franco. Sige na.. bumalik ka na sakan'ya, baka hinahanap ka na ng kapatid ko"

"Sige.."

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now