Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 39
Makalipas ang Dalawang Taon..
Sa paglipas ng dalawang taon ay marami ng nagbago sa buhay-buhay nila.
Naikasal na sila Celine at James, Nida at Eriz maging sila Jonathan at Irah.
Sa ngayon ay isang buwan ng buntis si Nida at si Irah naman ay tatlong buwan na.
Nakapag patayo na rin ng sariling bahay sila eriz gamit ang naiwang pera ng kaniyang yumaong ama.
Si Celine naman ay tumigil na sa pag-aartista at nag focus na lamang bilang asawa kay James.
At kahit mag-asawa na sila ay hindi sila bumukod ng bahay, dahil walang makakasama si olga. Kung minsan naman ay kila james sila natutulog upang makasama din nila sila krizelle.
Nakabalik na rin sa pag-aaral si Yumi at habang nag-aaral siya ay sila Sandra at Franco muna ang nagmamanage ng Restaurant. At kapag may oras naman si yumi ay tumutulong din ito lalo na sa pagluluto.
At gaya noon kapag week-end ay na kila Celine si Diana..
Maging si Elbert din ay nakabalik na sa pag-aaral sa tulong nga ni James. Medesina ang kinuha nitong kurso kahit pa nga ang pangarap talaga niya ay ang mag sundalo. Marahil ay nasa dugo talaga nila ang pagiging doctor.
Sa tagal na nilang magkaybigan ni roselle ay nagugustuhan na siya ng dalaga ngunit iba ang nililigawan ni elbert ngayon.
"Sige na oh, pakibigay na 'tong love letter ko para kay lexa"-ani elbert habang pilit na ibinibigay kay roselle ang sulat.
"Ang kulit mo! Ayoko nga! Sulat mo 'yan para sa kaniya eh, edi ikaw magbigay"
"Sige naman na oh, please! Please..My Bestfriend. Kaklase mo naman siya eh"
"Ikaw na nga! Bakit ako ang kaylangang mag abot n'yan? Ako ba manliligaw?"
"Ang sungit naman neto oh. Para ipapa abot lang eh. Medyo nahihiya kasi ako"
"Ang sabihin mo, torpe ka! Bahala ka na nga d'yan"-sabay bangga niya sa balikat ni elbert.
"Ililibre kita, basta ibigay mo lang 'to kay lexa"
Lumingon naman sa kaniya si roselle at dinilaan pa siya nito.
"Sa'yo na 'yang libre mo!"
"Oo na, alam ko naman na sa ating dalawa ikaw ang mas maraming pera eh. Malaki allowance mo. Pero ano bang gusto mo? Mapapayag lang kitang ibigay ang sulat na 'to kay lexa?"
"Wala!"-tipid na tugon nito.
"Okay, sige na nga. Ite-text ko na lang s'ya mamaya. Makikipag kita ako para personal na ibigay ito sa kaniya. Salamat na lang"
"Wait! Sige na.. oo na, ako na magbibigay sa kaniya."
"Talaga?"
"Oo nga.."-sabay hatak ni roselle sa sulat na iyon.
"Thank you"-sabay yakap ni elbert sakaniya at bahagya pang ginulo ang buhok niya. "Ang bait talaga ng bestfriend ko. Kapag naging kami ni lexa sobra akong matutuwa at magpapasalamat sa'yo ng paulit-ulit."
Sa sinabing iyon ni elbert ay nasaktan siya at may halong panghihinayang. Nagtapat kasi sa kaniya noon si elbert pero hindi pa siya handa ng mga panahong iyon at ngayong handa na siya ay may iba ng gusto si elbert at kaybigan pa niyang matalik.
Ngumiti na lamang siya kay elbert upang ikubli ang selos na nararamdaman niya.
__________
"Ah, lexa.. May ipinabibigay nga pala sa'yo si elbert"-sabay abot nito ng sulat kay lexa.
"Halla! May pa letter pa talaga si elbert para sa'kin. Napaka sweet talaga n'ya"-masayang sambit nito at kinuha ang sulat mula kay roselle.
Ngumiti naman siya ng tipid sa kaybigan at bumalik na sa kaniyang upuan. Nilingon pa niya ito bago siya tuluyang maupo at kitang-kita nga niya kung gaano kasaya si lexa habang binabasa ang sulat na iyon.
"Oh? Ano 'yung inabot mo kay lexa?"-tanong ni mitch. Isa pa niyang kaybigan.
"Ah, 'yun ba? Wala 'yun. Sulat lang ni elbert para sa kaniya"
"Eh, bakit parang sad ka?"
"Ako, Malungkot? Hindi uy!"
"Ay weh? Talaga ba? Halata 'no! Don't me ha! Halatang-halata naman eh. Selos ka 'no? Masarap ba lasa ng panghihinayang girl?"
"Tsk! Bakit naman ako manghihinayang, Mitch?"
"Kasi nga iba na ang gusto ni elbert, at kahit hindi mo aminin sa akin alam ko na nagseselos ka. Kasi may feelings ka na sa kaniya. But it's too late. May lexa na s'ya at bestfriend pa natin"
"Kung saan masaya si elbert, doon ako. Magiging masaya ako para sa kanila"
"Naku..naku! Lumang tugtugin 'yan. Narinig ko na 'yang isang milyong beses na. Na kesyo magiging happy daw para sa kanila. Pero gabi-gabi yakap ang unan at umiiyak."
"Bakit naman ako iiyak? Eh kahit naman umiyak ako babalik ba 'yung feelings sa akin ni elbert? Hindi naman 'di ba?"
"Yeah, i know. Pero mashakit pa rin. At dapat mong iiyak 'yan kasi nga mashakit"
"Tse!"
"Ah..para sa'yo yata ang sulat na 'to, ros."-naka ngiting sambit ni lexa at inilapag iyon sa desk ni roselle. "Para sa'yo talaga 'yan. At hindi para sa'kin"-dagdag pa niya.
Nag-angat pa nga siya ng tingin sa kaybigan bago niya ito kuhanin.
Bago nga niya ito buksan ay tumingin siyang muli kay lexa na naka ngiti pa rin sa kaniya.
"Go! Open it."-ani 'to at umakbay pa kay mitch.
Nagtataka man si roselle ay sinunod na lamang niyanang kaybigan at binuksan na niya ang liham na iyon..
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...