Alas tres pa lang ng madaling araw ay nagising na si nayumi at hindi na muling dinalaw pa ng antok.
Bumangon na nga lang ito upang magkape.
Patungo na sana siya ng kusina ng may marinig siyang kaluskos na nanggagaling nga sa loob ng kusina naka bukas din ang ilaw kahit pinatay naman niya iyon kagabi.
Tuluyan na nga siyang pumasok sa pag-aakalang baka sila Michelle lang iyon.
Ngunit napa atras siya ng makitang si Franco pala iyon.
Ngunit naramdaman ni Franco ang pagpasok ni Nayumi kaya tinignan niya ito.
"I-ikaw pala?"-tanong ni franco kay nayumi habang ibinubuhos nito ang isang sachet ng Kopiko Brown sa kaniyang tasa.
Mas gusto kasi ni Franco ang kape na iyon kahit mas marami namang mas masasarap na kape bukod dito.
"Ang aga n'yo din pong nagising,sir.."
"Ang totoo n'yan hindi pa 'ko nakakatulog"-tugon nito.
"Hindi pa po? B-bakit naman po?"
Sumandal ito mula sa gilid ng lababo tsaka humigop ng kape.
"Dahil sa nangyari kagabi sa'tin"
Halos mamula si Nayumi ng banggitin iyon ni Franco.
"W-wala pong nangyari"-sabay talikod ni nayumi.
Hahakbang na sana ito palabas ng muling magsalita si franco.
"Sorry sa nagawa ko. Sorry sa walang galang na paghalik.. nagkamali ako do'n.kaya humihingi ako ng tawad sa'yo. Pero hinding-hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko."
"Ano?!"-sabay harap ng dalaga. "May nagso-sorry bang hindi naman nagsisisi?"
"Dahil ginusto ko 'yun..bawat halik ko sa'yo, halik 'yun ng pagmamahal nayumi"
"Naiinis ako sa'yo! Pero mas naiinis ako sa sarili ko! Dahil hinayaan kong halikan mo 'ko kahit hindi naman kita nobyo! Alam mo bang may promise ako sa sarili ko? Na ang makakahalik lang sa'kin ay boyfriend ko! Pero nawala 'yung pangakong 'yon dahil sinira mo! Tapos pati yung... yung ano ko..
Basta 'yun na 'yon hahawakan mo pa! Gusto mo talagang angkinin katawan ko 'no? Akala mo naman asawa kita!"-hindi na napigilan ni nayumi ang sarili na mataasan ng boses ang kaniyang amo."Sorry, sorry kung hinalikan kita ng walang permiso mo.. sorry kung nawala 'yung paka birhen ng labi mo..pero nagsasabi ako ng totoo. Mahal kita, mahal na mahal..sana nga ikaw na lang ang totoong mommy ni diana eh"- sabay lapag nito ng kape sa lababo.at lumapit kay nayumi. "Handa kong gawin ang lahat para mahalin mo rin ako"
"Tsk! Sinasabi mo lang 'yan kasi kahawig ko 'yung ex mo! Nakikita mo lang s'ya sa'kin. At yan pong nararamdaman mo? Hindi totoo 'yan. Akala mo lang na mahal mo 'ko pero ang totoo si celine pa rin ang mahal mo. Tama na sir! Ang dami ko ng iniisip! Ang dami ko ng problema! P'wede ba 'wag ka ng dumagdag pa! Please,sir!"
"Bakit ba lahat na lang kayo 'yan ang sinasabi na nakikita ko lang si celine sa'yo? Si francis! Si noah at pati ba naman ikaw? Nayumi, mahal kita at 'yun ang totoo."
"Akala mo lang 'yan,sir"
"Hindi ako nagkakamali sa nararamdaman ko dahil minsan ko ng naramdaman 'to. Mahal kita! At handa kong patunayan 'yon maniwala ka lang..gagawin ko lahat. Sabi mo 'di ba boyfriend mo lang may karapatang humalik sa'yo edi liligawan kita."
"Ayoko!"
"Bakit naman? Ayaw mo ba sa kagaya ko na may anak na? Kung sa bagay nga pala, dalaga ka tapos ako may anak na. Hindi nga naman tayo bagay 'no?"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romansa"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...