Naka ngiti si Celine habang pinagmamasdan ang dalawa na naghaharutan sa sala. Naka ngiti ang kaniyang mga labi pero may kaunting inggit siyang nararamdaman.
Sana siya iyon, sana siya ang inaalagaan ni Franco. Sana siya ang nasa posisyon ngayon ni yumi kung hindi lang niya ito noon iniwan.
Hindi niya namalayan ang ilang pagpatak ng kaniyang mga luha habang sinasariwa sa kaniyang ala-ala ang mga nangyari sa kanila noon.
Naalala niya kung paano siya pagsilbihan ng dating nobyo, kung paano siya mahalin at protektahan.
Iniling nga niya ang kaniyang ulo upang mawala sa isip niya ang nakaraan.
"Bakit gano'n? Bakit ako nakakaramdam ng inggit, bakit parang nagseselos ako"-wika sa sarili ni celine habang naka tanaw pa rin sa dalawa.
"Mali 'to..mali 'to celine.. hindi ka dapat nakakaramdam ng ganito lalo na sa kapatid mo.."-pagkontra niya sa kaniyang nararamdaman. "Ang tanga-tanga mo kasi noon, nasa'yo na s'ya pinakawalan mo pa"
"Hi, ateeee"-pagbati ni yumi sakan'ya, hindi niya namalayan ang paglapit nito dahil sa lalim ng kaniyang iniisip.
"Oh? Okay ka lang?"-tanong ni yumi.
Ngumiti naman siya at tumango,
"Sure ka, ate? Hindi pa nga pala tayo nakapag usap mula kagabi, akala ko talaga tayo 'yung magdi-date eh, 'yun pala magpo-propose sa'kin si franco, thank you pala sa effort ate hehe"
"Wala 'yun, ano'ng naramdaman mo nung nag-propose s'ya sa'yo?"
"Siyempre nabigla ako ate, iba pa rin pala kapag harap harapan na talaga kaysa 'yung sinasabi lang pakakasalan ka. Naiyak pa nga ako kagabi eh, ang sarap pala sa pakiramdam ate"
"Oo naman, pareho tayo ng naramdaman ng mag propose sa akin si franco"
Sandaling natahimik si nayumi at hinaplos ang mukha ni celine,
"Ate, p'wedeng magtanong?"
"Oo naman"-naka ngiting tugon nito.
"Hindi ka ba nanghihinayang?"
"Nanghihinayang saan?"
"Sainyo ni franco.. hindi ba dapat matagal na kayong kasal? Dapat ikaw 'yung asawa n'ya"
Natahimik si celine at hindi nito naitago sa kapatid ang nararamdaman.
"Akala ko, wala na.. sorry yumi.. akala ko wala na akong nararamdaman sakan'ya pero----"
"Mahal mo pa rin s'ya ate?"-tanong ni yumi kasabay ng pagpatak ng luha niya.
"I'm sorry, pero oo"
Hindi malaman ni yumi kung ano ang mararamdaman sa pag amin na iyon ni celine..
"HAHAHAHAHA! Joke! Ito naman masyadong seryoso, wala na ah! Matagal na akong naka move-on, tsaka bakit pa ako manghihinayang? Ano'ng karapatan kong manghinayang? Wala naman..tsaka hindi lang ikaw ang may love life ako rin hehe"-pagbawi nito dahil ayaw niyang masaktan si yumi.
"Halla ate! Kinabahan ako. Akala ko mahal mo pa rin s'ya eh"
"Loka! Hindi.."
"May boyfriend ka pala, ikaw ha.. hindi mo manlang ipinapakilala sa akin. Sino ba s'ya ate?"
"Foreigner s'ya eh. Australian hehe. Malapit na rin kaming magkita, pupunta s'ya sa dito sa pilipinas"
"Talaga ate?! Kaylan?"
"Di ko pa alam eh"
"Ilang taon na kayo?"
"6 months pa lang.. wala akong itinago sakan'ya alam din n'ya na may anak na ako. At tanggap n'ya 'yun."
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...