Chapter 151

39 0 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 40

Nang mabasa nga iyon ni roselle ay hindi niya alam kung maiiyak ba siya o matatawa.

Pinagkaisahan siya nila lexa at elbert. Ang buong akala niya ay wala ng gusto sa kaniya si elbert at si alexa na ang gusto nito.

Pero ginawa lang pala nila ito upang pagselosin siya.

Bigla ngang inagaw ni Mitch ang liham na iyon at binasa ng malakas ang nilalamb ng sulat na iyon

'HIHINTAYIN KITA SA DATING TAGPUAN MAHAL KONG ROSELLE. KAPAG DUMATING KA IBIG SABIHIN MAY PAG-ASA NA AKO SA'YO. HIHINTAYIN KITA DOON ANO MAN ANG MANGYARI'

"Nilakasan talaga? Parang ewan 'to"-ani roselle at inagaw iyon mula kay mitch.

"Buti nga 'yung bandang dulo na lang binasa ko eh. Nakaka kilig. Ayiieee kilig hanggang buto 'yan oh"

"Hindi 'no"-pag tanggi niya. "Totoo ba talaga 'to lexa? Sulat talaga n'ya 'to?"

"Oo nga best.. gaya ng sabi ko sa'yo kanina. Ako ang kumausap sa kaniya para magpanggap na manliligaw ko. Para pagselosin ka. At effective naman 'di ba?"

"Oo na, may maitatago ba ako sa inyo? Dinaig n'yo pa si Detective Conan eh"

"Yes naman"-sabay na tugon nila lexa at mitch.

__________

Pagkatapos nga ng klase nila roselle ay nagpunta sila sa park kung saan sila magtatagpo ni Elbert. Kasama nga niya ang dalawa niyang kaybigan na sila Lexa at Mitch.

"Aba, at siya itong wala ah"-ani mitch ng maupo ito.

"Si roselle pala ang Maghihintay eh."

"Yeah, omsim. Naku na scam ang beauty ng ating bestfriend"-tugon naman ni lexa.

"Hintayin lang natin, malay n'yo naman na traffic lang. Tsaka wala namang napag usapang oras eh"-ani naman ni roselle.

"Okay, baka nga. Basta kami supportive bestfriends"-saad ni mitch.

"Baka naman nandiyan lang sa tabi-tabi si eriz. Ayaw lang lumapit kasi nga kasama tayo, tara na mitch. Hayaan natin na solohin nila ang moment na 'to"

"Yun naman talaga ang plano eh. Ang ihatid lang si roselle. So, pa'no bessy? Sibat na kami ah. Bahala ka ng hintayin 'yang future boyfriend mo. Ang sabi pa n'ya sa sulat siya ang Maghihintay. Yun pala ikaw ang Maghihintay."

"Sige, ingat kayo."

Humalik muna sa magkabilang pisngi niya ang mga kaybigan niya tsaka tumakbo ang mga ito palayo sa kaniya at ng makalayo na ay kumaway ang mga ito sa kaniya.

Tinanguan na lamang niya ito..

Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas wala pa rin si Elbert Kaya naman kinuha niya ang cellphone niya upang tawagan na ito. ngunit hindi ito sumasagot.

"Ano ba, elbert? Pinapaasa mo lang ba 'ko? Plano mo ba 'to para makaganti dahil sa pag reject ko sa'yo noon?"-wika nito sa sarili.

Napayuko na nga lang siya at kapag hindi pa ito dumating sa loob ng ilang minuto ay aalis na siya.

Napa angat siya ng tingin ng may huminto sa harapan niya.

"E-Elbert?"-akma pa sana siyang tatayo ng pigilan siya ni elbert.

"P-para sa'kin ba 'yan?"-tinutukoy nito ang hawak na bulaklak ni elbert.

Ngumiti naman at tumango si elbert tsaka niya ito inabot kay roselle.

"Pasensya na, ikaw pa tuloy itong naghintay. May emergency kasi kanina. May hinimatay kasi kanina habang naglalakad. Isang matandang babae. Kaya tinulungan ko muna"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now