Masaya ngang nag aalmusal sila franco maliban kay yumi na bukod sa hindi pa rin maganda ang pakiramdam ay naiinis siya sa kaniyang amo na halos buong katawan na niya ay nakita na.
"Hindi nga n'ya hinawakan,dinikit naman n'ya sa dib-dib n'ya. Ano'ng pinagkaiba no'n?"-wika sa sarili at titingin kay franco kapag nakita siya nito ay agad niyang iniirapan.
"Nakakainis 'tong lalaking 'to eh! Naku kung hindi lang kita mahal!! Nakaka inis nakita na n'ya dalawang maliliit na mansanas ko. Imposibleng hindi n'ya pinindot pindot."-wika nanaman sa sarili.
"Wala ka bang ganang kumain?"-tanong ni nida ng mapansin nitong hindi pa nagagalaw ang pagkain ni yumi.
Lahat kasi sila ay ganadong kumain dahil si franco ang nagluto ng almusal. Pwera kay yumi na hanggang ngayon hindi kumakain.
"Wala eh.."-sabay tayo nito."mamaya na lang ako kakain, masama pa rin pakiramdam ko eh. Higa na muna ako"
Nahinto naman sa pagsubo ng pagkain si franco at tumingin kay yumi.
"Mommy, pagaling ka.. i love you po"-saad ni diana.
"I love you too, baby"
Maya-maya nga ay may dalang pagkain si franco para sa kaniya.
"Dinalhan kita ng pagkain, hindi ka kasi naka kain kanina. Para makainom ka na rin ng gamot"-saad nito sabay lapag ng tray na may lamang pagkain,tubig at gamot sa isang maliit na mesang nasa kwartong iyon.
Tinignan lamang ni yumi iyon at hindi umimik.
"Ano 'to,feeling asawa agad? Aba,yumi 'wag kang bibigay. Dalagang pilipina ka"-wika sa sarili at yumuko na lang.
Tumabi naman sa kaniya si franco,
"Galit ka pa ba? Sorry na.. sorry na talaga"
"Sinong di maiinis? Pakakasalan mo agad ako? Ni hindi nga kita boy friend!"
"I know, sorry ulit. Pero seryoso ako. Handa akong panagutan ka, kahit nakita ko pa lang 'yan at hindi naman nahawakan-sabay nguso niya sa dib-dib ni yumi na may pilyong ngiti kaya agad na tinakpan ito ng dalaga.
"Manyak!"-inis na sambit nito."Balak mo pa akong pikutin!"
"Aba, ako rin naman mapipikot kung nagka taon. Wala akong girl friend tapos magkaka asawa agad? Patas lang tayo"-naka ngiting tugon ni franco.
Inirapan naman siya ni yumi at akma itong tatayo para mag walk out pero mabilis siyang nahila ni franco dahilan ng pagka subsob niya dito.
Hawak siya nito sa magkabilang braso,
Halos magdikit nanaman ang kanilang mga labi kaya nanlaki ang mga mata ni yumi at pinipilit kumawala sa mga bisig ni franco pero malakas ito kaya hindi siya makawala.
"Akala mo hindi ko alam na mahal mo rin ako? Narinig kita kagabi. Ang sabi mo MAHAL DIN PO KITA"-ginaya pa nito ang tinig ng babae.
"Kapal ah..hindi kita mahal no!"-at sinubukan nanamang kumawala sa mga bisig ni franco pero bigo nanaman siyang makawala.
Hanggang sa puwesto ang mga bisig ni franco sa likuran ni yumi.
"Ows? Talaga ba? Bakit hindi ka makatingin sa'kin ng diretso? Bakit umiiwas ka?"
"Eh, ang lapit natin oh. Bitiwan mo na nga ako sir! Nangangawit na 'ko ah!"
"Sabihin mo munang mahal mo 'ko."
"Hindi!"
"Mahal mo 'ko aminin mo na!"
"Hindi nga sabi eh! Bitaw! Ano ba?!"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...