Maayos ngang nairaos ang engagement party nila franco at nayumi.
Dinaluhan ito ng mga kapwa niya singer at ang mga kilalang tao sa pilipinas.
Maging ng mommy nila celine at yumi maging ang mga kinilala nitong pamilya.
"Buti pa sila, natuloy 'yung engagement party aneh? Kayo ni franco hindi 'di ba? Kasi nakipaghiwalay ka agad"-ani trixie habang naka tingin sila kila franco at yumi.
"Tumahimik ka nga.. 'wag na natin balikan ang matagal ng tapos. Tsaka masaya ako para sa kapatid ko at sa lalaking naging bahagi din ng buhay ko"
"Masaya? Ilang percent? 98% ba?"
"Siyempre 100% noh! Ano ka ba?"
"Aminin mo man sa akin o hindi alam kong may inggit at panghihinayang kang nararamdaman.. kitang kita ko sa mga mata mo friend"
"Oo na.. pero ano pang magagawa ko 'di ba? Engage na sila at malapit na silang ikasal"
"P'wede pa 'yan, hangga't hindi pa dala-dala ng kapatid mo ang apelyido ni franco, p'wede mo pa s'yang agaw----"
"Tumigil ka na nga trixie! Nilalason mo utak ko eh! Sa tingin mo gagawin ko talaga 'yun? Mahal ko anag kapatid ko at hindi ko s'ya sasaktan at hinding hindi ko aagawin sakan'ya ang lalaking mahal na mahal n'ya"
"Ang lalaking unang naging sa'yo"
"Na hindi na magiging akin pa.. so, please! Shut up! Kung ayaw mong palayasin kita dito!"
"Relax! Ang init agad ng ulo mo eh! Nag jo-joke lang naman ako eh. Ibang-iba ka na nga talaga.. nagbago ka na.. i'm so proud of you talaga friend"
"Kaya kong baguhin ang ugali ko para sa mga taong mahal ko.."
"Nakaka touch..iiyak na ba ako?"
"Sapukin kita para matuluyan kang umiyak!"
Ngumuso lang naman si trixie..
-------
"Love? Kanina ko pa napapansin, bakit ang lungkot mo?"
"Ako? Malungkot? Bakit naman ako magiging malungkot, love? Masaya ako..masayang masaya"
"Pero hindi 'yun ang sinasabi ng mga mata mo, 'wag ka ng magsinungaling sa akin..may problema ba? Gusto mo na bang umatras? P'wede pa naman"
"Ano bang umatras sinasabi mo love? Walang gano'n.. bakit ako aatras? Mahal kita..mahal na mahal. Sa totoo lang Sobrang excited na akong pakasalan ka"
"Pero bakit malungkot ang mga mata mo?"
"Dahil naalala ko si daddy, sana nandito pa s'ya..sana nasasaksihan n'ya lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon. Kaso wala na s'ya eh..naiinggit ako sa'yo love, buti ka pa dalawa ang pamilya mo.. patay man ang tunay mong ama, nandiyan naman si tito pancho..nandiyan 'yung dalawang nanay mo..sana ako din, love..sana kasama ko din si mommy.. matanda na ako pero sa totoo lang kaylangan ko pa rin ng magulang..kaylangan ko pa rin sila sa buhay ko"-tsaka nag unahan sa pagpatak ang mga luha nito kaya agad din siyang niyakap ni yumi.
"Sorry, love..kung anu-ano pa mga inisip ko.. hindi ko alam na nangungulila ka pala sa mga magulang mo.. hindi bale, magiging pamilya mo rin naman ang pamilya ko eh"
"Kaya nga gusto ko sa bahay na tumira sila nathalie para sama-sama na tayo do'n.."
"Hayaan mo kakausapin ko sila kung gusto nila.."
"Okay, love.. hindi na siguro ako aasa na muli pa kaming babalikan ni mommy..masaya na 'yun sa canada at sa bago n'yang pamilya"
"Pero hindi mo ba sinubukan na hanapin s'ya? Kahit sa social media lang?"
Umiling lang si franco,
"Bakit?"
"Dahil kung mahal n'ya kami ni francis 'di ba dapat s'ya ang babalik sa'min? Ang dami ng nangyari sa buhay namin ni francis na wala s'ya. Pinabayaan na talaga n'ya kami. Kung p'wede lang talagang mamili ng ina.. hinding-hindi ko s'ya pipiliin"
"Tama na love..lalo ka lang masasaktan.. nandito ako oh, mahal na mahal kita.. at aalagaan kita kagaya ng pag-aalaga mo sa'kin. Kayo ni diana..hinding-hindi ko kayo iiwan. Mahal na mahal ko kayo"
"Salamat, love.. salamat din sa diyos dahil ibinigay ka n'ya sa'kin..dumating ka sa buhay ko ng hindi ko inaasahan. Akala ko nga tatanda na lang akong binatang ama eh, pero nagkamali ako dahil dumating ka sa buhay ko.. binago mo ang dating malungkot na buhay ko.. mahal na mahal kita, yumi"-sabay siil nito ng halik sa mga labi ni yumi..
-------
Sinundo nga ulit ni francis si Nathalie sa eskwelahan kagaya ng laging ginagawa nito..
"Oy, nathalie.. nandiyan nanaman pala 'yung pogi mong sundo"-saad ng kaklase niyang si divine.. "Yung pogi mong manliligaw"
Kabisado na rin kasi ni Divine ang sasakyan ni francis.
"Halla..oo nga, siguro tumatawag s'ya. Kaso lowbatt naman na kasi cp ko.. sige ha.. kita-kits na lang sa monday"
"Sige.. kelan mo ba kasi sasagutin 'yan? Sige ka kapag nainip 'yan baka maghanap 'yan ng easy to get."
"Hindi gagawin ni francis 'yun..alam kong mahal n'ya ako at nangako s'yang hihintayin n'ya 'ko.."
"Aba! Ang swerte talaga.. sana all..sige na, mag-aabang pa ako ng taxi..puntahan mo na 'yung pogi mong suitor"
"Hehe..sige.."
Lumakad nga si nathalie palapit kay francis.
"Sorry ah.. tumatawag ka ba sa'kin?"-tanong nito ng lumabas si francis sa sasakyan.
"Oo eh, pero kahit hindi kita ma contact, hinintay pa rin kita..alam ko din kasi oras ng uwi mo"
"Salamat, francis.."
"Wala 'yun.. halika na, hatid na kita."
Iikot na sana si francis para pagbuksan ng pinto si nathalie per agad siyang pinigilan nito.
"Ahmm..francis? May gusto sana akong sabihin sa'yo eh"
"A-ano 'yun?"-naka ngiting tanong ni francis.
"P'wede bang huminto ka na sa panliligaw?"
"A-ano?!"-at biglang nalungkot si francis. "A-ayaw mo na sa'kin? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Kaya pinapatigil mo ako sa panliligaw? Tell me, nathalie..ano'ng dahilan.. 'wag namang ganito oh. Mahal kita eh"-tsaka biglang pumatak ang luha nito.
"Pinapatigil kita kasi.... kasi sinasagot na kita. Boy friend na kita, francis.. Girl Friend mo na 'ko.."
"Talaga?!"-hindi makapaniwalang tanong nito kaya tumango-tango si nathalie habang naka ngiti..
"Whooooaaaaaaa!!! Yes! Yes!!! Yuhoooooo! Girlfriend ko na si Nathalie!!!"-sigaw nito dahilan para mapatingin sa kanila ang mga estudyanteng nag-uuwian.
"Halla..ang ingay mo.. haha. Naka tingin tuloy silang lahat"
"Hayaan mo lang sila.. ang saya ko talaga! Totoo ba talaga 'to?"
"Totoo nga.. I love you, francis"
"Aww.. I love you, too!"-sabay halik nito sa labi ni nathalie na ikinagulat ng dalaga.
Napaka dami pa namang tao at naka tingin ang mga ito sa kanila.
"Hinalikan mo 'ko agad?"-sabay hampas nito ng mahina sa dib-dib ni francis.
"Hehe..sorry..na excite ako eh."
"Loko ka hehe"
Naka ngiti naman ang mga taong naka tingin sa kanila.
Sumakay na nga ng sasakyan si nathalie at inihatid na ito ni francis.
Kapwa masaya ang dalawa sa unang kabanata ng kanilang relasyon..
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...