Umayos nga ng upo si yumi kasabay ng paghinga nito ng malalim.
"Akala ko kung sino 'yung naka upo sa labas ng carinderia kaya nilapitan ko kasi ang tagal ko na siyang nakikitang tumitingin sa'kin eh kaya nilapitan ko na s'ya. Sabi nga n'ya nung una namamahinga lang s'ya hanggang sa inamin n'ya sa'kin na s'ya ang mommy n'yo"
Agad ngang tumulo ang mga luha ni franco,
"2 years na daw s'ya dito, love. Pero wala s'yang lakas ng loob para magpakita sa inyo ni francis. Natatakot s'yang harapin kayo. At wala naman pala siyang naging anak sa bago niyang asawa eh. At hiwalay na rin sila"
"Bakit n'ya kaylangang matakot? Kung alam n'ya lang na napaka tagal ko na s'yang hinihintay na bumalik"
"Sinabi ko rin sa kaniya 'yun.. pero magugulat ka sa sasasabihin ko na alam niya ang mga nangyayari sa inyo. Ang mga nangyayari sa bahay"
"T-talaga? Paano?"
"Love, isa sa tatlo ang spy ng mommy mo"
"A-anong isa sa tatlo,love? Hindi kita maintindihan"
"Isa kila irah,michelle at nida ang nagrereport sa kaniya ng mga nangyayari sa inyo. May idea ka ba kung sino?"
Sandaling natahimik si franco,
"Totoo ba 'to? Isa sa kanila ang inutusan ni mommy na pumasok sa bahay para malaman niya lahat ng mga nangyayari sa'min?"
"Oo,love..gano'n nga"
"Hindi ako makapaniwala"
"Ako nga din,love eh.. nagulat nga din ako..pero sana kung sino man 'yun 'wag mong pagagalitan o paaalisin. Napag utusan lang s'ya para malaman ang mga nangyayari sa inyo na kahit hindi n'yo s'ya kasama"
"Gusto kong malaman kung sino 'yun..pero promise love. Hindi ko s'ya paaalisin o pagagalitan"
"Salamat love, ang bait mo talaga. Kaya mahal na mahal kita e"
"Mas mabait ka kasi ikaw ang nagsabi sa'kin na 'wag kong paalisin at pagalitan. Salamat sa pag sabi nito sa'kin love. Mas mahal na mahal kita"-sabay kuha niya sa kamay ni yumi at hinalikan ito.
"Pero sa tingin mo sino s'ya?"-tanong ni yumi.
"Ikaw ba, love? May suspetsa ka kung sino?"
"Mahirap magsalita lalo na't hindi ako sigurado eh. Pero si natz sabi n'ya baka daw si nida"
"Malabong si nida, love. Kasi mag ta-tatlong taon na s'ya. Naabutan pa n'ya 'yung mga dati naming kasambahay. Tsaka si tito fred ang nagpasok sa kaniya. Pinsan ni daddy 'yun si tito fred"
"Kung hindi si nida? Sino kay irah at michelle?"
"Sa tingin ko si michelle.. kasi mag a-apat na si diana ng pumasok s'ya eh. Mas nauna si irah sa kaniya."
"Siya nga kaya? Nakaka bigla kasi si michelle ang pinaka tahimik sa kanilang tatlo"
"Tama ka..si michelle mismo ang nag apply sa'min eh. Natatandaan ko 'yun. Dahil si irah nagdaan sa agency"
"Baka nga si michelle"
"Love, labas muna ako. Papahangin lang ako."
"Sige, love.."
"Tulog ka na, i love you"-humalik nga muna ito sa noo ni yumi bago lumabas ng kwarto.
--------
"Franco? Nandito ka pala sa labas? Hindi ka makatulog?"-tanong nga ni pancho kay franco ng makita niya ito sa labas ng bahay na naka upo.
"Kayo po pala, tito.. nagpapahangin lang po, may kaunting iniisip po"
"Teka, samahan kita. Kuha lang ko ng silya sa loob"
"Ah..kayo na po maupo dito. Ako na po kukuha ng silya sa loob"-tugon ni franco at tumayo nga ito nagtungo sa loob para kumuha ng silya.
Agad nga siyang bumalik ng makaka kuha na siya.
"P'wede ko bang malaman kung ano 'yung iniisip mo?"
"Tungkol po sa mommy ko, tito. Nakausap daw po s'ya ni yumi. At nalaman din niya na dalawang taon ng nandito sa pilipinas si mommy. Pero hindi n'ya nagawang magpakita sa amin. Natatakot daw s'ya. Hindi naman po n'ya kaylangang matakot sa'min eh. Hindi naman po ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya at matagal ko ng gustong makita at makasama s'ya"
"Napaka buti mong tao franco, napaka buti mong anak, ama at kapatid. Kaya hindi ako magtataka na magiging mabuti kang asawa kay yumi. Nasabi din ba sa'yo ni yumi na sa kasal n'yo babalik na ang mommy n'yo?"
"Hindi po.. pero totoo po ba? Nasabi na po ba sa inyo ni yumi 'to?"
"Oo, hijo..nagtanong kasi s'ya sa'kin kung dapat n'ya bang sabihin sa'yo kasi nga nakiusap daw 'yung mommy mo na 'wag munang ipaalam sa'yo 'to"
"Malapit na po ang kasal namin ah. Ibig palang sabihin makikita at makakasama na namin s'ya"
"Oo, franco..kasi ang mga magulang hindi naman kayang tiisin ang mga anak niya eh. Alam kong habang nagtatago siya sa inyo nasasaktan din 'yon. Kung sila yumi at nathalie mahal na mahal namin ng nanay sandra mo eh. Pa'no pa kaya kayo na tunay n'yang mga anak. Hindi porket magulang ka hindi ka na magkakamali. Walang perpektong magulang. Pero lahat ng magulang mapagmahal sa anak. Iba-iba man ng pamamaraan ng pagpapakita"
"Tama po kayo tito, salamat po ah.. naginhawaan po ako"
"Maginhawa talaga sa dib-dib kapag nailalabas. Kung kaylangan mo ng ama na makaka usap, mahihingahan..nandito lang ako. Magiging asawa ka na ng anak ko kaya anak na rin kita"
"Hindi po ako magtataka tito na napaka babait po nila yumi kasi busog po sila sa pagmamahal at disiplina. Napaka swerte po nila sa inyo ni nanay sandra"
"Maswerte din kami sa kanila. Dahil sa kanila naging isang pamilya kami. Naranasan namin ng nanay sandra mo na maging mga magulang. Paano na lang kung wala sila? Edi ang lungkot ng buhay namin. Hindi man kami mapera o mayaman. Mayaman naman kami sa ligaya"
"Tama, tito, at 'yan po ang importante sa lahat. Salamat po tito kasi nandiyan din po kayo para sa'kin."
"Oo naman, malaki ang utang na loob ko sa'yo franco. Dahil sa'yo gumaling ako..hindi ko alam kung paano ako babawi sa lahat ng kabutihan mo"
"Ang pagtanggap po sa akin sa pamilya n'yo sobra-sobrang bawi na po 'yun,tito. Corny man pong sabihin ito pero hindi ko na po kakayanin kapag nawala pa sa'kin si yumi. At ipinapangako ko po tito na hindi ko po s'ya sasaktan at wala akong ibang gagawin kundi ang mahalin at alagaan sila ng magiging mga anak namin. Sabi ko po sa sarili ko noon kapag nagkaroon ako ng sariling pamilya hindi ako tutulad kila mommy at daddy. Hindi mararanasan ng mga anak ko 'yung broken family. Naranasan po 'yun ni diana pero ngayon hinding-hindi na dahil nasa buhay na po namin si yumi. Mas lalong hindi po 'yun mararanasan ng magiging mga anak namin"
"Napaka swerte talaga sa'yo ng anak ko. Salamat sa pagmamahal sa kaniya."
"Swerte din po ako sa kaniya, tito..mahal na mahal ko po talaga 'yun"
Naka ngiti naman si yumi habang pinapakinggan sila sa bintana..
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...