Chapter 119

104 3 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 8

Palabas na nga ng ospital sila Celine at James ng makasalubong nga nila sila Irah at Jonathan.

"Uy, Celine! Long time no see!"-ani jonathan ng makita nga ang mga ito.

"Onat? Uy.. kayo pala 'yan? dadalaw kayo kila yumi? Sakto di pa tapos oras ng dalaw."

Ngumiti naman si Irah kay Celine,

"Sige punta na kami sa kanila, nandoon din ba si franco?"-tanong nga ni jonathan.

"Oo, nandoon.. nando'n pa din sila francis at nathalie eh"

"Ah, sige..salamat"

Tinungo nga nila Irah at Jonathan ang kwarto kung saan naka admit pa rin sila yumi. Si Nida nga ang nagsabi kung saan ito matatagpuan.

Pipihitin na sana ni Jonathan ang Door Knob ng bigla siyang pigila ni Irah.

"B-bakit bhie?"

"Parang hindi pa 'ko ready na magpa alam sa kanila. Alam kong malulungkot sila eh"

"Hindi ba't napag-usapan na natin 'to, bhie. Sige na.. nandito na tayo eh..hindi mo na kaylangang mag trabaho. Ako ng bahala sa inyo ni Iram. Alam kong maiintindihan ka nila franco, tsaka noon pa lang naman sinabi na natin na dadating 'yung araw na mangyayari 'to? Na kaylangan mo ng umalis sa kanila"

"Oo nga, bhie.. Pero kapag heto na pala. Nakaka lungkot na pala.."

"Wag kang malungkot. Kasi madalas naman tayong bibisita sa kanila eh..promise ko 'yan. Madalas mo pa rin makikita sila Nida at Michelle tsaka sila yumi at 'yung mga bata"

Nagpakawala nga muna ng malalim na buntong-hininga si irah bago tumang kay Jonathan at siya na mismo ang nagbukas ng pinto.

Pagpasok nga nila at sa kanilang dalawa nabaling ang atensyon ng Apat.

"Uyyy!!!! Irah! Sa wakas nakabalik ka na"-masayang sambit ni yumi.

Ngumiti naman si Irah pero mas nangingibabaw ang lungkot nito.

Wala ngang sali-salitang dumiretso siya sa kinauupuan ni yumi at niyakap niya ito ng mahigpit habang umiiyak.

Naiwan namang naka tayo si Jonathan habang naluluha din itong naka tingin kila yumi at irah.

"Tears of joy ba 'yan? Dahil nanganak na 'ko? Tignan mo mga anak ko oh. Ang gaganda nila. Kaso tulog sila eh"

Saglit nga lang tinanaw ni irah ang mga bata at muling bumaling ng tingin kay yumi at kay franco.

"May problema ba?"-hindi na nga nakatiis si franco kaya nagtanong na ito.

"S-sir... Sir Francis, Sir Franco and Yumi.. M-may G-gusto kaming sabihin sa inyo"-halos nahihirapan nga itong magsalita dahil napangungunahan ito ng iyak.

"Halla.. Irah, ano bang nangyayari?"-sabay tayo nga ni Yumi at siya naman ang yumakap kay Irah.

"Tol? A-ano'ng problema?"-tanong ni franco kay jonathan.

"Engaged na kami ni Irah, tol!"

Napatakip nga sa bibig sila yumi, nathalie at franco ng sabihin iyon ni jonathan.

"Really?! Wow! Congrats! Nakaka tuwa naman"-masayang sambit ni yumi.

Pero nanatiling malungkot ang mukha ni franco,

"Ibig bang sabihin nito.. Aalis ka na, Irah? Ito na 'yung time na 'yon?"

Tumango-tango naman si Irah habang nagpupunas ng mga luha.

Mommy For HireWhere stories live. Discover now