Sa kanto nga lang inihatid ni francis si Nathalie baka may maka kita sa kanila at magsumbong.
"Salamat sa oras mo ah, nag-enjoy ako,. promise"-ani francis bago bumaba ng kotse si nathalie.
"Thank you,din..nag-enjoy din ako. Ingat sa pag-uwi"
"Sige.."
"Yung promise mo kanina ha?"
"Ha? Ano 'yun?"-nagtatakang tanong ni nathalie.
"Sasabihin mo na kay yumi 'yung about sa'tin"
"Ah..oo, sige..tatawagan ko s'ya mamaya"
"Salamat"
Tumango na nga lang si nathalie at tuluyan na itong bumaba ng sasakyan ni francis.
Nilingon pa niya ito at kinawayan,
----------
"Nasaan ang mga tao? Bakit tahimik yata?"-tanong ni francis kay nida pagkapasok niya sa loob.
"Naku,sir! Kung nandito ka lang kanina mawiwindang ka rin"
"Ha? Anong ibig mong sabihin? Ano'ng nangyari dito?"
"Nag-away sila yumi at ma'am celine.."
"Ano?! Bakit? Sabi ko na eh! Gulo lang dala ng babaeng 'yan dito!"
"Eto pa sir!"
"Oh? Ano pa?!"
Tumingin muna sa paligid si nida bago muling magsalita,
"Magkapatid pala silang dalawa?! Nakaka loka sir! Kaya pala magka hawig sila. Pamangkin pala n'ya si diana..ang daming rebelasyon.."
"Yun lang?"
"Bakit hindi ka nagulat sir? A-alam mo na ba?"
"Oo, matagal na..ikaw lang yata ang marites na late ng makasagap ng latest"
"Si sir naman! Marites talaga?..grabe, hindi ko talaga 'yun alam..hindi naman sinabi sa'kin ni yumi..akala ko pa naman bessy kami"
"Hindi lahat ng sikreto kaylangan mong ipagsabi sa iba.."
"Okay, tsaka ito pa sir!"
"Meron pa?"
"Ow yes sir! Alam mo ba?"
"Hindi pa.."-pilosopong tugon nito.
"Sir naman! Haha! Muntik na pong maghiwalay si sir franco at yumi"
"Ano?! Dahil kay celine?!"
"Aha! Nadali mo sir.. hindi malinaw sa akin 'yung dahilan basta naririnig ko na ang sabi ni yumi. Ano daw naramdaman ni sir franco nung yakapin n'ya si ma'am celine.."
"Ano?! Niyakap ni kuya ang babaeng 'yon?"
"May inamin kasi yata si ma'am celine about her past. Siguro naawa si sir. Nayakap n'ya si ma'am celine.. pero okay na ang lahat. P'wede ka ng huminga ng maluwag"
"What do you mean?"
"Nagka ayos na ang magkapatid.. goods na silang dalawa, sa katunayan ag sweet nila kanina"
"Really? Nangyari 'yun sa loob lang ng isang araw?"
"Yes po..at okay na rin si sir franco at yumi..hindi na aalis si yumi dito"
"That's good.. nasaan pala sila?"
"Nasa kwarto, kanina pa..hindi pa sila lumalabas..siguro natutulog"-tugon ni nida.
"Pagkatapos mag-away, natulog? Parang imposible naman yata 'yun?"
"Bakit sir?"
"Ah wala..baka nga napagod.. napagod magrambulan sa kama.."
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...