"Uuwi na ho tayo ng maynila,sir? Akala ko po bukas pa?"-tanong ni nida pagkabalik nila ng cottage.
"May mahalaga akong misyon"-tugon nito.
"Uuwi na tayo agad,daddy?"-naka ngusong tanong ni diana.
Hinatak naman ni yumi si franco pabalik sa loob.
"Halika nga muna, mag-usap muna tayo..Nasisiraan ka na ba ng bait ha? Talagang gagawin mo 'yun?. Hindi mo talaga ipaparanas sa'kin ang maging girl friend muna? Bago maging asawa?"
"Ibig bang sabihin nito,sinasagot mo na 'ko? GIRL FRIEND na kita?"
"Ayaw mo?"-naka ngiting tanong ni yumi.
"Aba'y gustong-gusto, so tayo na?"
Ngumiti naman si yumi habang tumatango.
Sa sobrang saya nga ni franco ay niyakap niya ito at bahagyang iniangat para maiikot.
"Hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya, I love you, yumi! I love you!"-sigaw nito at dinig na dinig ng mga nasa labas.
"Mahal na mahal din kita, Mr. Franco Dela Vega"-masayang tugon ni yumi.
Muli nga niya itong niyakap at hinalikan sa noo.
Bumalik nga sila sa labas para sabihin hindi na tuloy ang pag-uwi nila kay mag-i-stay pa sila ng isang araw sa beach.
"Yehey! Thank you, daddy..and thank you mommy, alam ko ikaw nag convince kay daddy na 'wag pa tayong umuwi"
"Siyempre naman anak, pa hug naman si mommy"
Agad ngang lumapit ang bata at yumuko naman si yumi para mayakap siya nito.
-------
"Oh? Francis?"
"Kuya, alam n'yo na bang viral kayo ni yumi ngayon? Napanood n'yo na ba?"-tanong ni francis mula sa kabilang linya.
"Hindi pa, pero alam na namin."
"Totoo ba 'yung sinasabi sa video? Girl friend mo na si yumi?"
"Yes, 'tol..totoo 'yun"-tugon ni franco.
"What?!"-bulalas nito. "Kuya, 'wag mo akong i-prank. Sabihin mo hindi 'yun totoo. Fake news 'yun 'di ba?"
"Totoo 'yun francis. Girl friend ko na si yumi"
"P-paano? B-bakit ang bilis?"-malungkot na tanong nito.
"Basta mabilis ang pangyayari eh"
"Nag outing lang kayo, kayo na agad?"
"I'm sorry francis, pero una palang gusto ko na si yumi"
"Okay"-maikling tugon nito at pinagbabaan na si franco.
"Parang ang lalim naman ng iniisip mo?"-tanong ni yumi at tumabi dito.
"And'yan ka pala love, kanina ka pa?"
"Hindi, kararating ko lang. May problema ba?"
"Hmm..may konting problema pero wala lang 'yun."
"Ano? Baka makatulong ako?"
"Tumawag si francis, napanood n'ya na pala 'yung video. Then he asked me kung totoo daw ba na girlfriend na kita."
"Ano'ng sabi mo?"
"Edi sinabi ko na totoo 'yun."
"Paanong naging problema 'yon?"
"Hindi mo ba nararamdaman na may gusto s'ya sa'yo?"
"A-ano? Hindi.."
"Gusto ka din n'ya, love"
"Pero kaybigan lang ang tingin ko sakan'ya, dahil ikaw ang mahal ko"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Storie d'amore"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...