Chapter 148

31 0 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 37

Naging masaya ang kaarawan ni Diana lalo na at kasama niya ang mga mahal niya sa buhay. Sinulit nila ang bawat oras na magkakasama sila sa beach.

Masayang nagsama-sama sa pagkain, kuwentuhan at tawanan.

Pagdating naman ng gabi ay muli silang bumalik sa gilid ng dagat.

Naglatag  sila ng dalawang carpet at doon ay naupo at masayang pinagmasdan ang karagatan.

Naka patong naman ang ulo ni yumi sa balikat ni franco habang nakatanaw sila sa gitna ng karagatan habang tag-isa nilang buhat ang mga sanggol.

Napalingon naman sila ng magtawan sila nida dahil tinutukso ng mga ito si michelle.

"Aba, pagalawin na kasi ang baso. Anyare ba kasi kay yohan mo?"-tanong ni nida habang tumatawa ito.

Ngunit tila seryoso si michelle at wala sa mood.

"Kita mo itong sila irah at onat, iginalaw na ang baso."

"Eh, kung igalaw ko ang baso at itapon ko sa'yo ang laman ha?"-tugon ni michelle at tinalikuran nito si nida.

"Ay, bad trip 'yan? Halla. Sorry. Bakit ba? Wala na ba kayo ni yohan o L.Q lang?"-tanong ni nida.

"Ikaw kasi eh sweetie pie eh"

"Halla. Sorry besty"

Ngumiti naman ng tipid si michelle at napayakap ito sa sarili at itinuon na lang ang pansin sa karagatan.

"Chelle, usap tayo"-ani franco paglapit nito kay michelle.

Tumayo naman si michelle at sumunod kay franco. Ilang metro din ang layo nila mula sa mga kasama.

"Parang hindi maganda ang mood mo, may nangyari ba sa inyo ni yohan?"-mahinahong tanong ni franco habang buhat nito ang isa sa mga kambal.

Nag-angat naman ng tingin si michelle sa kaniyang amo at may ilang butil ng luha ang pumatak mula rito.

"Wala na po kami ni yohan, sir. May isang linggo na po"

"A-ano? Bakit naman?"

"May mga bagay po kasi na hindi namin napagkakasunduan eh, mahilig po palang makipag inuman si yohan at kung sinu-sino ang kasama. Minsan hindi po n'ya 'yun sinasabi sa'kin. Nakaka inggit nga po sila nida at irah kasi nahanap na nila 'yung para sa kanila. At sila Jonathan at Eriz po walang bisyo. Eh, si yohan po mahilig sa alak at ayoko po nung gano'n. Ayokong matulad sa nanay ko na nagtiis sa lasenggero kong tatay"

"Hayaan mo't kakausapin ko s'ya. Maaayos n'yo pa 'to. At kung talagang mahal ka n'ya iisipin ka n'ya. At para rin naman sa kaniya 'yung pagbabawal mo sa pag inom n'ya ng madalas eh. Pero nung magkaka banda pa kami hindi naman s'ya gano'n eh. Baka may problema lang"

"Hindi na sir, hayaan na po natin s'ya. Tutal naman po hinayaan na rin n'ya 'ko eh. Mas masaya po s'ya sa mga bisyo n'ya kaysa sa'kin. Okay lang ako sir. I mean magiging okay din ako sir. Hindi lang po talaga siguro kami ni yohan ang para sa isa't-isa. Ayaw mo 'yun sir? Mananatili pa ako sa inyo"

Hindi na nga nagsalita pa si franco at inakbayan na lamang si michelle.

"Paki buhat muna si cheska. Punta lang ako sa cottage may kukuhanin ako"-aniya kay michelle.

Agad namang kinuha ni michelle ang bata at nagtungo naman si franco sa cottage.

Pagdating nga ni Franco doon ay agad niyang kinuha ang kaniyang cellphone na nasa loob ng kaniyang bag at agad na hinanap ang numero ni Yohan sa kaniyang Contacts.

Nang makita ito ay agad niyang tinawagan. Ngunit hindi ito sumasagot kaya inulit niyang tawagan itong muli. At sa wakas nga ay sumagot din ito.

"Bro? Napatawag ka? Pasabi pala kay diana happy birthday. Hindi na 'ko nakasama kasi busy eh"-agad na bungad ni yohan.

"Sige, sasabihin ko mamaya sa kaniya. Nasa gilid sila ng dagat eh. Kaya pala ako tumawag kasi may itatanong ako sa'yo"

"Ano 'yun, bro?"

"Wala na pala kayo ni michelle? Bakit naman gano'n bro? Iponagkatiwala ko sa'yo si michelle eh. Hindi ba't sabi ko sa'yo parang kapatid na ang turing ko sa kanilang tatlo. Bakit naman gano'n? Bakit parang mas mahalaga pa ang mga bisyo mo kaysa sa Girlfriend mo? Nangako ka sa'kin 'di ba? Na hindi mo sasaktan si michelle? Eh, ba't nagka ganito? Ayusin n'yo 'to kung maaayo---"

Naputol ang sasabihin ni Franco ng biglang magsalita si Yohan.

"Naka buntis ako, bro! I'm sorry."

"A-ano?!"-bulalas ni franco.

"Nabuntis ko si rica, bro. Hindi ko sinasadya. Lasing kami ng mga panahong 'yun at may nangyari sa'min"

"Anak ng tipaklong naman yohan!"-sigaw ni franco habang naka hawak ito sa kaniyang noo. "Mas malala pa pala ang ginawa mo! Ano na lang mararamdaman ni michelle kapag nalaman n'ya 'yan? Ang tukso madali lang iwasan kung gugustuhin mo!"

"Kaya nga hinayaan ko na lang s'yang makipaghiwalay sa akin eh, hindi ko alam kung paano kong sasabihin sa kaniya ang nagawa kong pagkakamali. Hirap na hirap na rin ako franco. Mahal na mahal ko si michelle pero hindi n'ya deserve ang kagaya ko. Nagkasala ako sa kaniya"

"Alam mo naman na matagal ng may gusto sa'yo si rica 'di ba? Iniwasan mo na lang sana. Kung noon iniiwasan mo eh, bakit ngayong may girlfriend ka na pinatulan mo na"

"Lasing nga kami, franco. Hindi ko na nga maalala ang ibang nangyari eh. Kaylangan kong panagutan ang bata. Makakahanap din si michelle ng lalaking mamahalin s'ya ng tapat at hindi magtataksil sa kan'ya. Sorry din, bro.. sorry. Sige na, pagod ako eh, kaylangan ko ng magpahinga at sasamahan ko pa si rica sa check-up niya bukas"

"Dapat inamin mo na lang kay michelle ang totoo!"

"Hindi ko kaya, franco. Alam kong masasaktan ko s'ya. Kaya sana 'wag mo na lang sabihin sa kaniya."

"Karapatan ni michelle malaman ang totoo, yohan!"

"Ikaw bahala kung gusto mong sabihin. Basta ako mananahimik na lang"

Laglag nga ang mga balikat ni franco pagkatapos nilang magka-usap ni yohan. Hindi niya alam kung paano nga ba sassbihin kay michelle ang kaniyang natuklasan.

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now