Chapter 78

101 2 0
                                    

Tanghali na nga ng magising si roselle, hinayaan lang naman ni nathalie na matulog ito.

Hindi din naman sila nagbukas ng carinderia dahil gusto nilang makapag pahinga.

"Halla! Ate! Alas onse na po pala? S-sorry po, napasarap po kasi---"-saad ni roselle ng makita si nathalie sa labas.

"Ssshhh!! Oks lang 'yun roselle, wala namang problema kahit tanghali ka na nagising eh"

"Salamat po"

"Halika sa kusina, kain ka na. Hindi ka na naka kain ng breakfast. Tanghalian agad."

"Oo nga po eh"

Pagkadating nga nila sa kusina ay pinaupo na niya si roselle at siya na ang naghain ng pagkain nito.

"Halla ate, ako na po. Nakaka hiya pinagsisilbihan mo pa 'ko. Ako na nga itong nakaka abala sa inyo eh"

"Relax ka lang d'yan hayaan mo akong pagsilbihan kita. Ate mo 'ko 'di ba?"

"Halla. Ang bait bait mo talaga ate natz. Sana talaga ate na lang kita"

Napahinto naman si nathalie sa pagsandok ng kanin at naalala ang itatanong dito.

"Ah, roselle.. ano palang pangalan ng daddy mo?"

"Gilbert Roxas po. Mayor po s'ya ng makati"

Nakumpirma na nga ni nathalie na kapatid nga niya ito sa ama. Dahil yun ang sinabi ng mama niya na Gilbert Roxas ang pangalan ng kaniyang tunay na ama.

Bigla ngang pumatak ang luha nito pero agad siyang tumalikod para hind iyon mapansin ng dalagita.

"Ate, may problema po ba? Umiiyak ka ba?"

Agad namang nagpunas ng luha si nathalie at humarap ng naka ngiti kay roselle.

"Hindi, ahm. Napuwing kasi ako eh"-pagsisinungaling niya.

"Patingin nga po ako. Alisin ko"

"Ahh. Hindi na, nawala na rin naman"-tsaka nito itinuloy ang pagsasandok ng kanin ni roselle.

"Hindi ka ba sasabay sa akin, ate?"

"Mauna ka na. Busog pa kasi ako eh"

"Okay po, ate"

"Kain lang ng kain ha"

"Opo, favorite ko po ito sinigang na baboy"-sabay tikim nito sa sabaw. "Grabe ang sarap po!"

"Ako nagluto n'yan"

"Wow naman. Ang sarap mong magluto ate.."

"Yiiee.. ano ba? Maliit na bagay"

"Thanks po ulit sa pagpapatuloy sa akin dito. Pero uuwi na rin po ako. Nabasa ko po mga text sa akin ni daddy. Nag-aalala na po sila sa'kin. At nangako po s'ya na hindi na sila mag-aaway ni mommy"

"Salamat naman at hindi na sila mag-aaway. Magpapasundo ka ba?"

"Hindi ko na po sinabi itong address n'yo sabi ko po sa kaniya ako na lang uuwi. Sasakay ng taxi. Basta ate isakay mo ako ah."

"Hindi lang kita isasakay. Ihahatid pa kita. Tatawagan ko lang boyfriend ko kung maihahatid n'ya tayo"

"Ay. Sige po ate"

Tinawagan nga ni nathalie si francis para magpahatid sila ni roselle.

Free naman ngayon si francis kaya maihahatid niya ang mga ito.

Pagkatapos ngang kumain ni roselle ay pinaligo na ito ni nathalie dahil parating na rin si francis.

Sinabi nga ni roselle kung saan ang eksaktong address niya kaya naman naihatid na siya nila francis at nathalie.

Mommy For HireWhere stories live. Discover now