Chapter 21

165 5 0
                                    

Dahil hindi pa rin nakakahanap ng bagong hardinero ay sila Nida at Michelle muna ang nag-aayos ng halaman sa hardin.

"Sa ating lahat, 'yang yumi na 'yan ang pinaka masarap ang buhay eh"-ani nida habang dinidiligan ang mga halaman.

"Hindi naman, mahirap din kayang magluto tapos mag-alaga ng bata."-tugon ni Irah.

"Napapansin ko lagi mong kinakampihan 'yung babaeng 'yon. Akala ko ba tayo magka kampi dito? Baka nakakalimutan mo tayo ang matagal ng magkakasama. 'Yung babaeng 'yon kaylan lang"

"Hindi ko naman s'ya kinakampihan nida, kung may mas madali kasi ang trabaho dito si Michelle 'yun 'di ba? Kasi halos si yumi na gumagawa ng trabaho n'ya"

"Bida-bida lang kasi 'yang yumi na 'yan. Tignan mo magugulat ka na lang taga laba na din 'yan."

"Bakit ba ang init ng dugo mo sakan'ya? Wala naman s'yang ginagagawa sa'yo ah"

"Basta! Naiinis ako sa pagmumukha n'ya!"

"So,naiinis ka pala sa magaganda? Haha!"

"Mas maganda naman ako sakan'ya 'no!"

"Alam mo minsan, pinagmasdan ko silang dalawa ni Diana..parang may pagkakahawig sila. Parang mag nanay talaga eh"

"Ayusin mo na nga lang 'yang santan! At lumayo layo ka sa'kin!"-inis na sambit ni nida.

"Ang sungit mo naman, mabait si yumi, try mo din kayang maging mabait sakan'ya"

"Never! Hindi ako magiging mabait sa katulad n'yang bida-bida,epal at sipsip"

"Walang peoblema kay yumi, ikaw ang may problema nida, walang ginagawang masama 'yung tao sa'yo pero lagi mo s'yang pinag-iinitan..kita mo nga kahit ano'ng gawin at sabihin mo sakan'ya hindi ka n'ya pinapatulan dinadaan n'ya lang sa biro. Baka kung iba 'yon nasabunutan ka na"

"Ang sabihin mo plastik s'ya. Bait-baitan pero nasa loob ang kulo n'yan. Kunwari mahinhin pero mal*ndi 'yan."

"Ano'ng sabi mo?! Ako mal*ndi?!"-sigaw ni yumi kay nida.

Kapwa nagulat at natigilan sila Irah at Nida,Hindi kasi nila napansin ang paglapit sa kanila ni Nayumi.

"Bakit ba kahit wala akong ginagawa sa'yo ang sama sama ng tingin mo sa'kin?! Tsaka may patunay ka ba na nilal*ndi ko ang amo natin?! Una pa lang ang pangit mo ng makisama sa'kin pero hinahayaan ko lang 'yon! Dahil iniisip ko magiging okay din tayo.pero palala ka ng palala nida! Ano bang gusto mo para manahimik ka? Patulan kita?!"

"Oh?! Bakit hindi mo subukan?! Galit ka sa'kin? Edi saktan mo 'ko! Sampalin mo 'ko! Ilabas mo 'yung totoong kulay mo! 'wag kang bait-baitan! Plastik!"-sigaw nito sa mukha ni nayumi.

Hindi napigilan ni Nayumi ang sarili kaya malakas na sampal ang iginawad niya sa mukha ni Nida na ikinatabingi ng mukha nito.

Gaganti sana ng sampal si Nida pero mabilis na nahatak ni Nayumi ang kaniyang buhok at sinabunutan niya ito.

Hindi sila maawat ni Irah kaya tumakbo ito sa loob para humingi ng tulong.

Patuloy pa rin sa pagsabunot si nayumi sakaniya.hawak nila ang buhok ng isa't-isa habang nagsasabunutan.

hanggang sa bumagsak na si nida sa batuhan at pumatong sakaniya si nayumi habang sinasampal sampal niya ang kawawang si nida.

"Ganito ba gusto mo nida?! Ang patulan kita?! Pwes eto na! Nangyari na!"

Nasipa naman ni nida si nayumi sa hita kaya nabitiwan niya si nida at ito naman ang umibabaw kay nayumi at pinagsasampal niya din si nayumi at dumakma ito ng bato na ipupukpok sana niya kay nayumi.

"NIDAAAA!!!!"-Sigaw ni franco kaya nabitawan ni nida ang hawak na bato at tumayo ito. Naiwan si Nayumi na naka higa sa batuhan.

Galit na galit si franco na tumitig kay Nida,
"Ano bang ginagawa n'yo?! Ano 'to?! Bakit kayo nag-aaway?!"-galit na sigaw ni franco sa dalawa.

Nilingon pa ni Nida si Nayumi na ngayon ay bumabangon na habang hawak ang namumula nitong mga pisngi.

"S-sorry sir, P-pero si Y-yumi po kasi ang nauna.bigla na lang po n'ya kong sinampal at sinabunutan.alam po ni Irah 'yan. 'di ba Irah?"

Pero hindi sumagot si Irah. Natatakot din ito kay franco.

"Totoo ba 'yun yumi?! Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit bigla bigla ka nalang nananakit?! Pinapunta ko sila dito para ayusin ang garden.. kaya ano'ng ginagawa mo dito?!"

"Nagpunta lang naman po ako dito para dalhan sila ng meryenda tapos gano'n 'yung maririnig ko. Sinasabi n'ya ng bida- bida ako, plastik at mal*ndi. Lagi ko po s'yang pinagpapasensyahan sir! Ako na lang po 'yung umiiwas sa t'wing sinasabihan n'ya 'ko ng masasakit na salita"

"Hindi 'yan totoo.."-depensa ni nida sa sarili.

"Sinungaling! Minsan ka na rin narinig ni sir franco 'di ba?! Ipinipilit pa n'ya na nilal*ndi kita! Bakit ko naman gagawin 'yun?! Hindi ako gano'n alam mo 'yan sir franco!"

"Hindi mo pa rin pala tinigilan si nayumi ha nida?!"

"S-sorry po!"

"Hindi na kayo nahiya dito pa talaga kayo nag-away! Alam n'yong may bata na p'wedeng maka kita sa inyo! Hindi na kayo bata para mag-away! Hindi ba kayo nahihiya sa sarili n'yo?!"

"Sorry po"-sabay na sambit nila nida at nayumi.

"Ayoko ng mauulit 'to ah! Dahil kapag naulit 'to pareho ko kayong aalisin sa trabaho!"

"Sir wag!"-pagmamakaawa ni nida.

Tahimik naman si Nayumi habang nangingilid ang mga luha nito.

Alam niya sa sarili niya na may pagkakamali din siya dahil siya ang unang nanakit. Pero napuno lang siya. Hindi na niya kinaya ang mga masasakit na salitang sinasabi ni nida tungkol sa kaniya.

"Back to work!"-sigaw muli ni franco kaya nataranta sina Irah at Nida.

Inayos ni Nida ang sarili at pinulot ang hose na kanina pa naka bukas.

Pumasok naman si Nayumi sa loob at sumunod sakaniya si franco.

"Yumi, Can i talk to you?"-sa mahinahong boses nito.

Huminto naman si yumi at humarap kay franco na ngayon ay pumapatak na ang mga luha.

"Hindi ko po gustong manakit. Opo, ako ang naunang nanampal.hindi ko na po kasi kinaya sir, tao lang din po ako, nasasaktan"

"Alam ko..kaya ako na humihingi ng tawad sa'yo sa mga sinasabi ni nida. Gusto mo bang tanggalin ko na s'ya? Tutal hindi naman kayo nagkakasundo"

"Ako na lang po ang aalis..Kaysa s'ya ang alisin mo. Tutal okay naman po noon dito 'di ba? Nagkagulo gulo lang mula nung dumating ako"

"Sa tingin mo paaalisin kita dito? Paano naman si diana kapag umalis ka? Ano na lang mararamdaman nung bata? Basta ako ng bahala kay nida. Ipinapangako ko sa'yo na hinding hindi ka na n'ya mapagsasalitaan ng hindi magaganda."

"Ipangako mo rin sa'kin sir na hindi mo s'ya aalisin dito. Mahalaga din po sakan'ya 'tong trabaho na 'to."

"Oo, hindi.. sige na, igayak mo na 'yung mga lulutuin mo"

"Okay po"

Tatalikod na sana si nayumi pero biglang lumapit sakaniya si franco at inayos ang buhok nito.

Naka tingin lang siya kay franco habang inaayos ang kaniyang buhok.

Mas lalo niyang napagmasdan ng malapitan ang kaniyang amo.
Aminado siyang mas gwapo ito sa malapitan.Napaka kinis ng mukha at ang tangos ng ilong. Ang mga labi nitong mapupula na minsan ng dumampi sa mga labi niya at ang makakapal na pilik mata at kilay nito na mas nakaka attract sa mga kababaihan.

"Thank you,po"-saad niya at tuluyan ng tumalikod sa amo.

Nanatiling nakatayo si franco habang naka tanaw kay nayumi.

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now