Pagod na pagod nga sila dahil sa napaka habang biyahe.
Masasakit ang kanilang katawan pero sobra silang nag enjoy kahit sa biyahe pa lamang.
Gabi na nga ng makarating sila sa Hundred Islands dito sa pangasinan.
Manghang mangha ang mga ito dahil sa ganda ng lugar.
"Yes! Makakapag swimming na rin ako sa dagat! Yehey!"-sigaw ni nida habang naka tanaw sa dagat.
"Mamaya na 'yan loka ka..'yung mga gamit muna ibaba na natin. At ilagay sa cottage"-pang aabala ni irah sa kasiyahan ni nida.
Naka ngiti naman si yumi habang umiiling ito at bitbit ang ilang gamit papasok ng cottage.
''Ah..basta kahit gabi na maliligo pa rin ako sa dagat"
"Excited lang? Meron pa namang bukas"-saad naman ni michelle.
"Eh,ba't ba? Trip ko eh"
"Oy ikaw yumi, i-ready mo na 'yung pang malakasan mong swim suit at tayo ay rarampa sa gilid ng karagatan"
Nginitian lamang siya ni nayumi.
"Dalawa 'yung cottage natin guys.Kayo michelle, Irah,Nida at jovan kayo ang magkakasa sa isang cottage.sa ibaba ka jovan sila Nida sa itaas.Kami nila diana at yumi sa kabilang cottage naman"
Nanlaki naman ang mga mata ni yumi ng sabihin iyon ni franco, ganoon din sila nida.
"Magsasama kami sa iisang cottage? Ano 'to? Parang family gano'n?"-wika ni yumi sa sarili at umiling na lang habang dala na nito ang kaniyang bag at inilagay sa kabilang cottage kung saan sila matutulog.
"Yung mga food dito na lang din sa inyo,marami pa bang yelo 'yan chelle? Paki check mo nga"-utos ni franco."Baka masira eh"
"Marami pa naman sir"
"Daddy, ang ganda ganda naman po dito"
"Yes,anak..maganda talaga dito.."
"Perfect place sa mga mag couple"-sabad ni nida sabay sulyap kay yumi.
Nilakihan naman niya ng mga mata ang kaybigan dahil alam niyang may ibig sabihin ang sinasabi nito.
"First time ko rin po maka punta dito, ang ganda nga talaga"-ani naman ni jovan habang yakap ang sarili dahil maginaw.
Inayos nga nila ang mga lulutuin para sa kanilang hapunan.
Si nayumi nga ang nagluto at tumutulong naman sakaniya ang dalawa na sila nida at irah.
"Uy,bessy.. kumusta na pala pakiramdam mo?"-tanong ni nida kay yumi.
"Okay naman na.."
"Hays..buti na lang at nakisama 'yang ulo mo."
"Oo nga eh"
"Maliligo kapa ba talaga nida?"-tanong ni irah.
"Aba'y oo naman noh. Ngayon lang 'to aba sulitin na natin"
"Ako bukas na lang siguro. Tsaka malamig eh"
"Walang lamig lamig sa'kin."-tugon nito.
"Malapit na ba 'yang pagkain natin girls?"-tanong ni franco kaya napalingon sila dito.
"Malapit na sir, hinihiwa ko na lang po itong salted eggs hehe"-tugon ni nida.
"Sige..balik na muna ako kay diana."
"Okay sir"-tugon nila irah at nida.
"Ang gwapo ni sir noh? Ang ganda ng katawan. Ilan kaya abs n'yan?"-tanong ni irah sa mga kasama.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...