Dumating na nga ang tinawagan ni franco na fashion designer. At ngayon nga ay sinusukatan na si yumi para sa gagamitin nitong Wedding Gown.
Mangiyak ngiyak nga si franco habang pinagmamasdan si yumi hindi kalayuan sa kinaroroonan ng mga ito.hinahayaan lang niya ito na pumili ng gustong design ng wedding gown.
"This is it na franco, ikakasal na s'ya sa'yo. Ang babaeng hindi mo akalain na mapapa sa iyo ay ngayon mapapangasawa mo na"-wika nito sa kaniyang sarili habang pinupunasan ang mga pumatak na luha.
"Ipinapangako ko sa'yo na wala akong gagawin kun'di ang pasayahin at mahalin ka. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para sa'yo. Walang kahit na sino ang p'wedeng makapagpahiwalay sa atin o makasira. Hinding-hindi ako tutulad kay daddy. Magiging maligaya ang bubuuin nating pamilya kasama si diana"-dagdag pa nito.
"Ahm, sir? Bakit ayaw n'yong magpunta do'n?"-tanong ni irah kaya napalingon siya rito.
"Hindi na.. para surprise kung gaano kaganda ang napili n'yang design ng wedding gown n'ya"
"Sure po ako napaka ganda po ni yumi sa araw ng kasal ninyo habang naka suot ng pangkasal."
"Tama ka, Irah. Nga pala kausap ko si onat kahapon, hindi mo daw sinasagot mga tawag n'ya? Bakit naman? Ayaw mo ba sa kaybigan ko?"
"Hindi naman sa gano'n sir, ang totoo n'yang gustong-gusto ko s'ya kaso lang po nahihiya ako sa kaniya eh. Binata s'ya tapos ako single mom po. Parang hindi naman kami bagay. Iniisip ko din po sasabihin sa kaniya ng mga tao, ng pamilya n'ya at ng mga fans n'ya"
Bigla ngang pinisil ni franco ang magkabilang pisngi nito.
"Asus! Wag mo ngang isipin ang sasabihin ng ibang tao! Wala silang pake! Wala silang ambag sa buhay mo!"-sabay bitaw niya sa mga pisngi nito. "Basta mahal ka ni onat at mahal mo s'ya ipaglaban n'yo 'yung nararamdaman n'yo at ano naman kung may anak ka na? Hadlang ba 'yun sa pagmamahalan ninyo? Tanggap ka ni onat kasi mahal ka na n'ya. Ako ba? May anak din ah. Pero naka tagpo ako ng yumi na tanggap ang nakaraan ko at tanggap ang anak ko. Kaya 'wag nating isipin ang sasabihin ng mga taong nakapaligid sa atin. Hangga't wala tayong naapakang tao o nasasaktan ituloy lang natin ang laban! Tsaka handa si onat na tumayong ama sa anak mo. Sayang 'yung chance. Nagpaalam na nga sa akin 'yun eh, kapag naging kayo daw kukuhanin ka n'ya sa akin hehe. Doon na kayo titira sa bahay n'ya may sariling bahay si onat sa cavite. Sayang nga lang at niloko s'ya ng ex n'ya eh..kaya kung ako sa'yo irah pagbigyan mo na s'ya. Siya na din magpapa aral sa anak mo."
"Halla sir! Sinabi talaga ni jonathan 'yun?"
"Oo naman.. basta ha.. 'wag mo ng isipin sasabihin ng mga tao. Hayaan mo lang sila. Tsaka mabait mommy no'n. Magkaka sundo kayo."
"Talaga sir ha? Baka sabihin sa akin pera lang habol ko kay onat"
"Kilala kita.. at alam kong hindi ka gano'n."
"Salamat sir, hays..naka hinga po ako ng maluwag. Salamat po ah"
"Walang anuman"
"Nga pala sir, may isusumbong ako about kay yumi"
"Ha? Ano 'yun? May ginawa ba sa'yo si yumi?"
"Siya pa rin po talaga naglalaba ng mga damit niya, ayaw n'ya pong ipalaba sa'kin. Nahihiya daw po s'ya eh tsaka kaya naman daw n'ya"
"Talaga si yumi..nahiya pa nga. Sabi na ngang dapat bed rest lang eh. Makulit talaga"
"Siya din po nagluto kahapon ng tanghalian namin eh. Hinayaan lang po namin kasi po kapag kinokontra namin nagsusungit po. Tapos hindi na kami papansinin kagaya po nung nakaraang araw."
"Oo nga eh, hayaan n'yo na lang lalo na kung hindi naman niya ikapapahamak. Buntis kasi kaya pabago bago talaga ng mood"
"Naiintindihan ko s'ya sir dahil pareho din naman kami. Kaso ako nung buntis tamad magkikilos pero s'ya naman sipag na sipag HAHAHAHA"
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...