Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 15
Gabi na nga ng makauwi si franco at naabutan nga niyang tulog na si yumi at ang kambal nasa kuna nga ang mga ito at si yumi naman ay nasa kama.
Tumabi nga siya sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hiblang naka harang sa mukha ni yumi at hinalikan ito sa noo.
"Love, I'm sorry..mula ngayon mas marami na akong time sa inyo"
Bigla ngang nag-inat si yumi at napamulat ang mga mata nito at nakita nga niya si franco sa tabi niya.
Pero hindi niya ito pinansin at tumalikod nga siya ng higa dito.
"Love.. Sorry na"
"Mag sorry ka sa pader"-tugon nga ni yumi.
Nahiga nga din si franco at yumakap sa likuran ni yumi pero hinahawi lang siya nito.
"Wag mo nga akong yakapin! Doon ka nga!"
"Sorry na po love ko. Sorry na. nagugutom po ako. Kain tayo"
"Kumain ka mag-isa mo! Nasa akin ba plato?"
Tumayo nga si franco at lumabas ito ng kwarto.
"Nakaka inis 'to! Konting lambing pa lang sumuko agad! Nagka anak lang kami nagbago na. Dahil siguro hindi na ako maganda sa paningin n'ya. Losyang na kasi ako eh."-wika nga nito sa sarili tsaka bumangon at akmang bubuksan ang pinto para silipin si franco pero bigla itong bumukas kaya napa atras siya.
"Lalabas ka ba love?"-tanong nga ni franco ng makapasok ito.
"Hindi---"-sabay tingin sa mga hawak ni franco.
"Ah, akala ko lalabas ka para sundan ako"
"Bakit naman kita susundan?"
"Wag ka na magtampo love, ito oh.. binilhan kita ng flowers and chocolates. Bati na tayo love. I LOVE YOU"
"Hindi ko kaylangan ng pa bulaklak at pa tsokolate mo!"-sabay irap nito pero ang totoo ay kinikilig siya.
"Bati na kasi tayo, love. Hindi ako sanay na nagtatampo ka sa'kin eh"
"Talaga lang ha? Kanina nga ni hindi ka humalik sa'kin. Si anne lang hinalikan mo sa noo. Dahil ba may anak na tayo kaya ka unti-unting nagbabago?"
"Hindi love ah.. Hindi sa gano'n. Alam ko kasi na hindi ka nagpapa kiss kapag nagtatampo ka sa'kin eh. Ngayon kita iki-kiss"-sabay nguso nga ni franco pero tinalikuran lang siya ni yumi at naupo sa kama.
"Ano ba dapat kong gawin love para mawala 'yang tampo mo sa'kin? Tanggapin mo na 'tong flowers and chocolates na binili ko para sa'yo. Sige na love. Sorry na talaga oh"
Pairap namang kinuha iyon ni yumi..
"Iniwan mo pa talaga sa labas. Wala ka naman yata talagang balak ibigay sa'kin 'to eh"
"Hindi ko lang talaga muna ipinasok. So ano? Bati na tayo?"
"Gusto mo talagang maging okay na tayo?"
"Oo naman, love.."
"Bigyan mo kami ng time ng mga anak mo.. kaylangan ka namin franco. Kaylangan kita.."
"Yan din ang gusto kong sabihin sa'yo love. Nag resign na ako as a business partner ni Tito Gerald. About sa mga shares ko sa kumpanya. Ibebenta ko na lang.. tapos bili na lang tayo ng farm. Kahit ano p'wede nating itanim sa mabibili nating farm. Tapos lagi pa tayong magkakasama. Marami na akong para sa inyo. I realized na mas mahalaga kayo sa'kin kaysa sa trabaho ko. Mahal na mahal kita, mahal na mahal ko kayo ng mga bata"
"Ginawa mo talaga 'yun love?"-tanong ni yumi.
"Oo naman love, may isa pa pala akong---:
Napalingon naman sila sa pinto ng may kumatok mula roon.
"Pasok"-ani franco.
Agad ngang binuksan iyon ni diana at pumasok ito.
"Gising ka pa pala anak?"
"Opo, hindi po kasi ako makatulog"
"Gano'n ba, anak?"
"Opo.. alam mo daddy si mommy po sumundo sa'kin kanina sa school."
"Talaga anak?"
"Opo.. akala ko nga po si kuya jovan lang po eh. Kaya tinawagan ko po si tito james at pinuntahan n'ya po ako. Pero dumating din po si mommy"
"Sorry anak ah, kung hindi ka na nasusundo ni daddy. Mahina pa din si mommy, pero sinundo ka n'ya. Nag thank you ka ba kay mommy?"
"Yes naman po, daddy.. tsaka naiintindihan ko po na busy ka. Kaya okay lang po 'yun. Ay wow! May flowers po para kay mommy?"
"Oo, anak.. piece offering ko, nagtatampo kasi si mommy sa'kin eh"
"Halla, why po? Inaway mo po ba si mommy?"
"Hindi anak, hindi ako inaway ni daddy. Hmm...may konting tampuhan lang. Pero okay na kami, Gusto mo ng chocolate?"
"Para sa'yo po 'yan mommy eh"
"It's okay, marami naman 'to anak eh"
"Okay lang po. Ayoko po.. ang ganda po ng flowers. Sun flower po 'yan right?"
"Ah. Tulips anak.."
"Ay opo pala hehe.. iba nga po pala 'yung sun flower. Kulay yellow po pala 'yon"
"Yes, anak.."
"Sige po mommy, daddy. Good night po. Mahal ko po kayo"-sabay yakap nga niya sa mga ito.
"Good night, anak. Mahal na mahal ka din namin ni daddy"-ani yumi..
"I love you, anak..Good night"-saad din ni franco sabay halik sa pisngi ni diana.
Bumaba naman mula sa kama si diana at lumapit sa kuna kung saan naroroon ang mga sanggol na mahimbing na natutulog.
"Good night mga kapatid ko, love na love ko kayo. Dalian n'yo lumaki para makapag play na tayo"
"Mabilis lang silang lumaki anak kaya makakalaro mo na din sila"-tugon nga ni yumi at humawak sa kabilang balikat ni diana habang pareho nga silang naka tanaw sa kambal.
Lumapit nga din si franco sa mga ito at binuhat si diana at umakbay naman kay yumi.
"Kung alam n'yo lang kung gaano ako kasaya kasi mayroong kayo sa buhay ko. Mahal na mahal ko kayo. Hindi ba dati lang tayo lang nila tito francis ang magkasama? Ngayon nandito na si lola mo, bumalik na siya. Tsaka kilala mo na rin ang totoong mama mo..Kasal na kami ni mommy yumi mo tapos may mga kapatid ka na. Hindi ba't ang saya-saya anak?"
"Opo, daddy. Sobrang saya nga po. Happy din po ako kasi marami na po tayo. Tapos nakilala ko din po si tito james at si tito eriz po. Ang swerte ko po, daddy kasi marami pong nagmamahal sa'kin. Yung classmate ko po na friend ko. Wala po siyang kasamang daddy at mommy.. sabi po n'ya sa'kin wala po ang mommy at daddy n'ya. At ang nag-aalaga lang po sa kaniya ang lola po n'ya"
"Nasaan daw ang mommy at daddy n'ya?"-tanong nga ni yumi.
"Hiwalay daw po, mommy. Yung mommy niya po may iba ng family. Tapos 'yung daddy n'ya naman po nagtatrabaho daw po sa ibang bansa. Hindi na daw po umuwi kaya hindi pa din n'ya nakakasama"
"Kaya dapat anak lagi mo s'yang kakausapin ah. Para hindi s'ya malungkot"-ani franco."
"Opo, daddy.. nakwento ko nga po na may mommy yumi ako at mama celine. Tapos may daddy ako at tito dada tsaka may lola din tapos may tito james, tito eriz at tita nathalie na love na love ako. Tapos alam n'yo po ba kung ano'ng sinabi n'ya sa'kin?"
"Ano?"-sabay na tanong nila yumi at franco.
"Nakakainggit daw po ako"
"Sabihin mo sana na 'wag s'yang mainggit kasi kahit wala naman ang mommy at daddy n'ya marami pa ding nagmamahal sa kaniya"
"Hindi ko na po 'yun nasabi, daddy.. niyakap ko na lang po s'ya agad eh"
"Okay 'yun anak. Lagi mo siyang yayakapin. Tapos sabihin mo sa kaniya na love mo s'ya"
"Opo, daddy.."
Itutuloy....
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...