Chapter 9

213 4 0
                                    

Napabalikwas nga ng bangon si Nayumi ng makita niya ang oras sa kaniyang cellphone.

7:30 na nga ng umaga. Late na late na siya para sa pagluluto ng umagahan.

Nang bigla niyang maalala na sa kwarto nga pala siya ni diana natulog kagabi. Wala na rin doon ang bata at batid niyang kanina pa iyon nagising.

Nag apura nga ito sa pag-aayos ng kama ng bata at mabilis ding itinali ang buhok tsaka agad na lumabas.

"Anak ng galunggong. Late na ako magluto. Lagot ako ngayon kay sir franco. Ba't naman hindi ako ginising ng paslit na 'yun hays"-bulong sa sarili at magtutungo na sana ito sa kusina ng biglang harangan ni Nida ang daraanan niya.

"Please,nida! 'wag ngayon! Nagmamadali ako! Tabi d'yan!"-sabay tabig niya kay nida pero agad din siyang nahila nito sa braso.

"Ano bang problema mo?! Magluluto pa 'ko!"

"MAGLULUTO?!"-madiing tanong nito.

"Oo,kaya bitiwan mo 'ko kung ayaw mong mag almusal ng sunog na itlog at tuyo!"

"Late ka na ante! Nagluluto na 'yung mag ama kanina pang 6:30! Senyora 'yarn?. Nagka baliktad yata ang sitwasyon? Ikaw na ang amo tapos 'yung mag-ama na ang taga luto. Wow! Iba!"

"Ano?! Sila ang nagluluto?! Halla! Lagot!"

"Mismo!! Kaloka 'to!"

Tumakbo na nga ito patungong kusina habang mabilis na kumakabog ang dib-dib nito dahil sa takot sa amo.

"Nagutom na siguro ang mag-ama"-wika sa sarili at natungo na nga nito ang kusina.

Naabutan niya doon ang mag-ama na nagtatawanan pa habang siya ay dahan-dahang lumapit sa mga ito.

"Hi,mommy..Good morning po.."-sabay yakap ng bata sakaniya. Agad naman siyang sumulyap sa amo na ngayon ay seryoso na ang mukha.

"Sorry sir,tinanghali po ako ng gising. Ako na pong bahala d'yan"

"I know, hindi na.. mayayari na rin naman kami ni diana. Okay lang 'yun. Tsaka si diana ang nagsabi na 'wag ka ng gisingin."

"Yes,mommy ako nga po nagsabi kay daddy na kami na ang magluto ngayong breakfast. Kami naman po ang magsisilbi sa'yo"-naka ngiting tugon nito.

"Sorry talaga ah..nasarap kasi ng tulog ang mommy eh. Ang sarap kasi sa kwarto mo ang lamig"

"Naramdaman mo po ba ang pag kiss ko sa forehead mo kagabi?"

"Ha? Nagising ka kagabi?"

"Yes po..akala ko nga po hindi mo na ako tatabihan eh, kasi si daddy nagpatulog sa akin. Hinahanap po kita kagabi"

Nagkatinginan pa sila franco at nayumi bago muling bumaling ng tingin ang mga ito kay diana.

"Ahmm.. may kausap lang ako kagabi,anak"

"Sino po,mommy?"

"Ahh..halika na anak magpatulong na tayo sa mommy mo na ihain itong mga niluto natin"-pag iiba ni franco.

Sumabay na nga ulit si Nayumi sa mga amo na kumain ng agahan. Habang si francis ay panay ang sulyap sa dalaga.

Naiilang nga si Nayumi sa ginagawang pagtingin ni francis sakaniya habang magkakaharap sila sa hapag kainan.

"Mommy,mamaya naman po ikaw naman po magturo sa akin magluto. Ano po bang lulutuin mo mamaya?"

"Sige ba, ikaw ano ba gusto mong ulam mamaya?"

"May gusto po akong ulam mommy,minsan ko na po 'yun natikman sa baon ng classmate ko. Ang sarap po no'n mommy."

"Ah..ano ba 'yun?"

Mommy For HireWhere stories live. Discover now