"Halla! Ikaw nga?! Kumusta?"-naka ngiting tanong ni james kay yumi.
"Okay naman, naka balik ka na pala ng pilipinas? Balita ko kasi noon sa America ka nag college"
"Oo, kelan lang din.. 6 months ago. Doon ako unang nagtrabaho bilang doktor"
"Naks, doktor ka na.."
"Oo nga eh, bilis ng panahon 'no? Lalo kang gumanda ah. Hindi ko akalain na magkikita pa tayo ulit"
"Ikaw ang lalong gumwapo d'yan. Bagay na bagay mo. Ang gwapong doctor ah"
"Hehe..salamat..nga pala sino sinamahan mong magpapa check up kay mama?"
"A-ko mismo magpapa check-up"
"I-ikaw?"
Tumango tango naman si yumi habang nakatingin sa tiyan niya si james. At lumungkot ang mga mata nito. Na kanina lang ay nagniningning ng makita siya nito.
"B-buntis ka?"
"Oo, siguro 3 weeks na"
"Ang bilis naman, sinong ama?"
"Si franco..Franco Dela Vega"
"Yung singer? 'yung ex ni celine claveria?"
"Siya nga.."
"May anak sila ah.."
"Yup, Meron nga"
"Ha? Okay lang sa'yo?"
"Oo naman"-mabilis na tugon ni yumi. "Ikaw ba? May asawa na? Mama mo pala si Dra.Ferrer?"
"Oo, s'ya ang mama ko, grabe asawa agad? Girl friend nga wala ako eh, asawa pa?"
Naupo naman muli si yumi kaya naupo na rin si james..
"Gano'n ba?"-tanong ni yumi.
"Oo eh, Mahal ko pa rin kasi 'yung first love ko"-tugon nito.
At alam ni yumi na siya ang tinutukoy nito kaya naman ngumiti na lang siya. At nakaramdam siya ng konsensya.
"Isa talaga ako sa magpapatunay na totoo 'yung First Love Never Dies. Dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin s'ya eh"
Hindi malaman ni yumi kung paano niya muling titignan si james.
"Nasa'n pala, asawa mo?"
"Hindi ko pa s'ya asawa, hindi pa kami kasal..engaged pa lang.. susunod s'ya dito may inaasikaso lang sa opisina."
"Ahh..okay, sige ah..bigay ko lang kay mama itong dala kong kape, tapos papasok na rin ako sa ospital"
"Sige"-tipid na tugon ni yumi.
Pagkapasok nga ni james ay agad din itong bumalik at huminto sa tapat ni yumi.
"P'wede bang mag request? Kahit ngayon lang ulit"-saad nito.
"A-ano 'yun james?"
"Tayo ka"
Pagtayo nga ni yumi ay agad na yumakap sa kaniya si james, na ikinagulat pa ng mga tao na naroroon. Maging ang secretary ni Dra.Ferrer.
Hindi nila alam saktong pagyakap ni james ay ang pagdating ni franco, pero mabilis itong lumabas at walang nakapansin sa kaniya. Tinawagan nga niya si yumi na parang walang nakita.
"Love, malapit na 'ko sa clinic"-saad nito kahit ang totoo ay nasa clinic na siya.
"Sige, love..nandito lang ako"-tugon ni yumi.
Sige, love.."
"Sa tagal ng panahon hindi ko akalain na mayayakap ulit kita, congrats nga pala..ikakasal ka na, at magiging ina na..ang bilis ng panahon parang kaylan lang teen-ager lang tayo tapos ngayon magkaka asawa ka na. Alam kong isa ka sa mga magagandang bride"
"S-salamat, james.."
"Sige, mauna na rin ako. Parating na pala ang mapapangasawa mo. Ingat na lang lagi. Nice to meet you again, yumi"
"Ingat din..masaya din ako na nakita ulit kita"
Ngumiti lang ng tipid si james at lumabas na ito,
Nakasalubong nga ni franco si james at nagkatinginan sila nito.
Kapwa pa sila napahinto at tinignan ang kabuuan ng isa't-isa. Pero agad ding umiwas ng tingin si franco at dumiretso na kay yumi.
"Si james yata 'yun, love ah"-saad niya pagka lapit kay yumi.
"Ah.. oo love, s'ya nga"
Ngumiti lang si franco at kinapa ang tiyan ni yumi.
"Baby, magpapa check-up na si mommy..excited na kaming makita ka"-saad ni franco.
Nagtaka naman si yumi kung bakit tila wala lang kay franco na makita si james, samantalang pinagseselosan niya ito.
"Love, mama pala ni james si Dra.Ferrer"
"Ha? Si tita? Anak n'ya si james?"
"Oo, 'yun 'yung sabi ni james eh.."
"So, s'ya 'yung sanggol noon nung nagpunta kami ni mommy noon kila tita krizelle. Siya na pala 'yon?"
"Akala ko alam mo talaga na mag-ina sila"
"Hindi love, ngayon ko lang nalaman na 'yung james na anak ni tita at 'yung suitor mo noon ay iisa pala"
"Nagulat nga ako kung bakit s'ya nandito eh, 'yun pala mama n'ya si doctora"
Hanggang sa natawag na nga ang lahat at si yumi naman ang tinawag.
Pareho nga silang pumasok sa loob ng clinic ni Dra.Ferrer..
"Hijo, ang tagal din nating hindi nagkita ah.. kumusta na mommy mo? May balita ba kayo sa kan'ya?"
"Wala nga po, tita eh..kinalimutan na kami no'n"
"Hindi naman siguro..s'yempre mga anak kayo no'n eh"
"Anak na matagal na n'yang iniwan at pinabayaan"
"Naiintindihan ko kung may sama ka ng loob sa mommy mo, normal naman 'yan, iniwan n'ya kayo eh..nga pala kaylangan ulit ni yumi ng pregnancy test para mas makasiguro tayo"
Nag positive nga ulit ito kaya naman kumpirmado talagang buntis si yumi.
"Congrats, franco. Madadagdagan na anak mo..pareho pang paganay"
"Oo nga po eh.."
"Kaylangan niya ng bed rest ha..reresetahan ko rin s'ya ng vitamins"
"Sige po, tita. Nga pala nakasalubong ko si james..doctor na pala, nung makita ko s'ya noon sanggol pa"
"Oo nga eh..ang bilis talaga ng panahon. Parang ikaw, parang kaylan lang ang bata bata mo pa ngayon naman magiging dalawa na ang anak mo, lalo kang gumwapo hijo"
"Naku! Mas gwapo naman si james mo, tita.."
"Gwapo nga! Takot naman sa babae.. babae na nga nanliligaw eh..pero ayaw talaga..hinihintay 'yung first love n'ya"-sabay tawa nito.
Pareho namang nagkatinginan sila yumi at franco.
Itutuloy...
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...