Mommy for Hire
(Book 2)Chapter 35
Dahil ngayon ang 7th birthday ni Diana ay nag request ito na sa Beach na lang i-celebrate ang kaarawan niya.
Madaling araw pa lamang ng bumyahe sila para hindi sila masyadong tanghaliin.
Sa Dingalan Aurora naman nila naisipang magpunta.
Apat na sasakyan ang ginamit nila, mas marami nga sila ngayon kumpara noon.
Kasama nga din nila sila michelle at jonathan na sa isang buwan na ang ikakasal.
Masayang-masaya nga si Diana na mas pinili pang kila eriz sumama kaysa kila yumi at franco.
"Malapit na po ba tayo, tito?"-tanong nito kay eriz habang naka pagitna nga siya kila eriz at nida.
"Hmmm. Medyo malapit na"-tugon ni eriz.
Si francis nga ang driver nila at si nathalie naman ang katabi nito.
Sa kabilang sasakyan naman ay sila james, Celine, elbert, minda, krizelle at si baby mia.
Sila franco naman sa kabila kasama sila yumi, pancho, sandra, olga at ang kambal.
At ang mag fiancee naman na Irah at Jonathan kasama nga din nila sa sasakyan sila iram at michelle.
Tanghali na nga ng makarating sila sa Beach at kapwa mga pagod.
Inilabas lamang ang mga pagkain na luto na upang maka kain na sila ng tanghalian.
Masaya silang nag salo-salo sa pagkain at pagkatapos kumain ay nagpahinga lamang sandali at nag-aya na sila Diana at Iram na maglakad lakad sa gilid ng beach.
Mabuti na lamang at makulimlim.
Sila eriz at nida nga ang kasama ng mga ito na naglakad-lakad sa gilid ng karagatan.
Nakatanaw naman si yumi kila diana habang inaalagaan naman nila olga at elena ang kambal.
"Parang sila eriz at nida ang mga magulang ni diana 'no?"
Napa lingon naman si yumi ng marinig ang ate celine niya.
"Nandiyan ka pala, ate?"
"Kararating ko lang. Asaan pala si franco? Bakit hindi mo s'ya kasama?"
"Napagod sa pagmamaneho, ayun tulog sa cottage"
"Gano'n ba? Pareho pala sila ni james eh. Lakad-lakad din tayo?"
"Sige, ate"-tugon ni yumi.
Pababa pa nga lang sila ng humabol sa kanila si Nathalie.
"Ang daya ng dalawang 'to e, hindi nag-aaya"-aniya ng makalapit kila celine at yumi.
"Malay ba namin eh busy ka sa boyfriend mo"-naka ngiting tugon ni yumi at inakbayan si nathalie.
"Matutulog daw s'ya sandali e"
"Aba, ang Dela Vega Brothers. Parehong tulog?"-tanong ni celine.
"Yup, ganoon na nga ate celine. Pero okay 'yun. Nagkaroon tayo ng time na tayong tatlo lang"
"Tama.."-tugon ni nathalie.
Sa direksyon nga nila eriz sila patungo, patuloy pa rin sila sa paglalakad habang tinatanaw ang karagatan.
Huminto nga sandali sila yumi at humarap sa dagat.
"Ang ganda talaga dito 'no? Lalo na kapag payapa ang alon. Alam n'yo bang noong inaatake ako anxiety at depression. Sa ganitong lugar ako pumupunta. Ang sarap mag-isip kapag nakatanaw ka sa dagat tapos tahimik"-wika ni celine.
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...