Hindi nga alam ni yumi kung paano sasabihin kay Franco ang kaniyang natuklasan lalo na't naki usap ang mommy nito na huwag sabihin kay franco na matagal na siyang naka balik ng pilipinas.
"Oy ate! Kanina ka pa tulala d'yan? Ano'ng problema mo?"-tanong ni nathalie habang nanonood sila ng t.v..
"May tanong ako sa'yo"
"Ano 'yun ate?"
"Paano kung nalaman mo na nandito pala 'yung mommy nila francis pero nakiusap sa'yo 'yung mommy n'ya na 'wag sabihin kay francis"
"Ha? Ano ate? Medyo bagalan mo. Medyo hindi ko naintindihan eh"
"Ahh.. hindi bale na nga lang.."
"Sige na ate, ulitin mo na..ang naintindihan ko lang kasi 'yung mommy ni francis tapos 'wag sabihin na naka balik na s'ya ng---- teka, ate! Ang mommy nila kuya franco nagbalik na? Tama ba ako? 'yun ba 'yung ibig mong sabihin?"
Tumango naman si yumi at tumutig sa pinapanood nila.
"Seryoso ate? Kelan pa? Paano mo nalaman?"
"Kaninang umaga lang..nasa carinderia s'ya eh. Akala ko noong una may hinihintay s'ya dahil nasa labas siya, 'yun pala ako 'yung pakay n'ya. Inamin n'yang mommy siya nila franco at 2 years na siyang nandito sa pilipinas. Pero hindi pa rin siya nagpapakita sa magkakapatid kasi natatakot s'yang hanapin 'yung dalawa"
"Halla..nakakagulat naman 'yan..buti kinaya n'ya na magtago ng ganoon katagal."
"Kaya nga eh, at alam mo bang may ispiya sa mansyon. Kaya lahat ng kilos namin doon nalalama niya"
"Ay naku! Kakaloka ah..sino naman daw?"
"Hindi n'ya sinabi eh, pero isa lang kila Michelle, Irah at Nida"
"Malamang 'yung Nida 'yun..halata namang spy 'yun."
"Sure ka?"
"Oo ate, napansin ko nung nandoon kami mapagmasid s'ya. Kaya si Nida 'yun"
"Pareho pa pala tayo ng kutob. Pero hindi tayo sigurado d'yan. Pero kung ikaw nakaalam ng totoo sasabihin mo ba kay francis kahit sinabi ng mommy n'ya na 'wag mong sasabihin sa kanila?"
"Depende sa sitwasyon ate. Pero napansin ko kasi kay francis parang hindi na s'ya interesado sa mommy n'ya eh. Malaki yata tampo n'ya sa mommy nila. Pero ewan ko lang din kapag nakita n'ya."
"Pero si franco gustong-gusto niyang makita ang mommy nila eh. Naaawa nga ako sa kaniya kapag naaalala n'ya mommy n'ya kasi naiiyak talaga s'ya"
"Edi, sabihin mo kay kuya franco ang totoo ate, karapatan n'yang malaman ang totoo. Tsaka baka ito 'yung lalong magpasaya sa kaniya."
"Sa tingin mo 'yun 'yung dapat kong gawin?"
"Oo,ate..tapos kapag alam na n'ya ang totoo edi s'ya na lang magsabi kay francis 'di ba?"
"May isa pa nga siyang malaking sikreto na hindi nasasabi kay francis eh"
"Alin? Na magkapatid sila sa ama ni kuya james?"
"Oo, natz.. hindi pa 'yun masabi ni franco sa kaniya"
"Ang gulo din ng pamilya nila 'no ate?"
"Oo nga eh..kaya dapat hindi natin iparamdam sa kanila 'yung sakit na naramdaman nila nung naghiwalay ang parents nila"-saad ni yumi.
"Tama ka d'yan ate. Mahal na mahal ko 'yun kaya hindi ko s'ya sasaktan"
"Very good natz"
"Mana lang sa'yo ate"
--------
Kakauwi nga lang ni franco at ganoon pa rin malungkot pa rin siya dahil wala si yumi.
"Ang hirap palang masanay na lagi mo s'yang kasama tapos biglang aalis. 2 days palang pero parang isang buwan na kitang hindi nakakasama"-kausap nito ang picture ni yumi na nasa cellphone niya.
Kaya naman tinext na niya ito,
"Love, hindi ko na kaya 'to. Para na akong mamamatay sa lungkot. Si Diana man miss na miss ka na n'ya. Sorry nga pala love kung hindi ako tumatawag sa'yo, mas lalo kasi kitang mami-miss kapag narinig ko boses mo eh."-pagka send nga niya ay iniwan na niya ang cellphone niya sa kama tsaka ito naligo.
Pagkatapos nga niyang maligo ay pinupunasan na niya ang kaniyang buhok tsaka muling naupo sa kama at chineck niya kung may reply na si yumi.
Pero...
"Halla! Anak ng tokwa! Na wrong sent ako kay tita! Ang tanga tanga ko..ano ba..paano na 'to..halla!"
Hindi nga malaman ni franco kung ano ang gagawin. Hanggang sa may mag text nga sa kaniya.
Dahan-dahan niya itong tinignan at ng makita kung sino ang nag text ay lalo siyang nakaramdam ng hiya.
Hanggang sa mabasa na nga niya ito.
"Wrong sent ka iho..Nanay sandra 'to. Kung namimiss mo talaga s'ya bakit hindi mo s'ya puntahan dito? Dito muna kayo ng anak mo. Alam kong mahirap yan dahil napagdaanan din namin yan. Hindi nyo naman kaylangan na magtiis na hindi magkita. Akong bahala sayo. Sige na. Puntahan mo na sya dito"
Nang mabasa nga iyon ni franco ay nagliwanag ang kaniyang mukha. Agad nga siyang nagbihis at nag gayak ng mga dadalhing mga gamit. Binalikan nga niya ang cellphone niya at nag reply kay sandra.
"Thank you, tita..susundin ko po ang sinabi mo. Diyan na po muna kami titira ng anak ko, kung p'wede po"
Mabilis ngang nagreply si sandra,
"Oo naman iho. Tsaka sanayin mo na sarili mo na tawagin akong nanay. Magiging asawa ka na ni yumi. Tsaka ang masanay sa buhay na meron kami"
"Opo, nay..salamat po talaga"
Lumabas nga siya ng kwarto at patakbong tinungo ang kwarto ni diana.
Bubuksan palang sana niya ang kwarto ni diana ng makita niya si Irah na may kausap sa cellphone.
Kaya naman nilapitan niya ito dahilan ng pagka bigla ni irah.
"S-sir?! K-kanina ka pa d'yan?"
"Ito naman. Para naman akong multo n'yan. Gulat na gulat ka.. kalalapit ko lang. Sino ba kausap mo? Si onat? Naku napapadalas 'yan ah. Kayo na ba?"
"Ha? Po? Ahh.. ahh..h-hindi po..iba po kausap ko sir.. bakit po pala?"
"Mawawala kami ng ilang linggo ni diana dito. Mga 2 weeks gano'n. Kayo ng bahala dito sa bahay ah. Magpapaalam din ako kila nida."
"Saan po kayo pupunta sir?"
"Kila yumi. Doon muna kami"
"Ayiieee.si sir.. hindi matiis na wala sa tabi si yumi"
"Oo eh, hindi ko talaga kaya. Sige ha, puntahan ko na si diana at mamaya kakausapin ko rin si michelle"
Tumango lang naman si irah habang naka ngiti, at pagka talikod nga ni franco ay nilingon niya ito.
Pumasok nga si franco sa kwarto ni diana pero wala ang bata doon kaya naman nagtaka siya kung nasaan ang anak.
Itutuloy...
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...