Chapter 2

316 10 0
                                    

Bulalo at fried chicken nga ang naisipang iluto ni Nayumi.

Kaya naman agad na nitong inihanda ang pressure cooker at kinuha sa freezer ang laman ng baka.

Inihanda na rin nito ang mga gulay  gaya ng repolyo, petchay baguio,saging na saba at patatas na gagamitin sa iluluto niyang bulalo at hiniwa sa tatlo ang dalawag pirasong sweet corn.

Kumakanta nga ito habang hinahalo ang kaniyang iniluluto.

"Akin ka nalang, wala ng hihigit pa sa'yo"-sabay lingon sa pintuan ng kusina.

Napahinto ito at napa nganga ng makita ang amo na nakasandal sa pintuan habang seryoso ang tingin sakaniya.

"Ah..S-sir? Nandiyan po pala kayo.."-nahihiyang saad ni nayumi.

"Ano'ng niluto mo? Matagal pa ba?"

"Ah..bulalo po,sir."

"Tapos ano pa?"

"Fried chicken po.."

"Okay, mahilig si diana d'yan."

Palihim ngang napangiti si Nayumi dahil mukhang nagustuhan ng amo niya ang naisipan niyang iluto.

"Bakit ka pala kumakanta habang nagluluto?"

"Ahh..sorry sir ha.. ganito po talaga ako kapag nagluluto eh, kumakanta po ako. Naniniwala po kasi ako na kapag masayang nagluluto mas sumasarap ang iniluluto

"Naniniwala ka talaga d'yan?"

"Ah..opo naman.."

"Okay, but next time. Pakihinaan ang boses mo..hindi din kasi maganda sa tenga ang boses mo eh"

Nakaramdam tuloy ng hiya ang dalaga dahil sa sinabi ng kaniyang amo.

"Ay..hindi po ba? Sila nanay at tatay kasi gandang ganda sa boses ko eh."

"Sila 'yun..hindi ako"-tsaka ito umalis.

"Grabe naman mamahiya 'yun..edi s'ya na maganda ang boses. Kung maganda nga. Baka mas pangit pa boses niya kaysa sa akin eh"-bulong nito sa sarili at naka simangot na itinuloy ang pagluluto.

Sunod nga niyang iniluto ay ang fried chicken na para sa limang taong bata.

At pagkatapos nga ay inihain na niya ito. Tinulungan siya ni Nida sa paghahain.

"Tatlong plato lang?"-pag-uusisa ni Nayumi kay Nida.

"Oo, bakit parang nagulat ka?"

"Ah..hindi naman. Akala ko marami sila dito kasi ang laki ng bahay eh. Tsaka marami 'yung nailuto kong bulalo"

"Hindi naman 'yan problema eh. Kasi kung ano'ng pagkain nila basta may natira p'wede nating ulamin"

"Ahh..gano'n ba?"

"Oo nga!"

'Galit agad? Ba't ba ang sungit mo? Hindi mo pa ba sweldo?"

"Wag ka ngang gan'yan magsalita sa'kin. Hindi tayo close"-sabay irap nito.

"Magkakasama tayo dito ng matagal. Kaya dapat maging close tayo. Tsaka mukhang magka idad lang naman tayo eh."

"Yun e kung magtatagal ka."

"Oo 'yan.. ilang taon ka na ba?"

"22."-tugon ni Nida.

"Oh? Mas matanda pa pala ako sa'yo eh. 23 na 'ko. Mag 24 sa april 9"

"Tinatanong?"

"Sungit talaga eh. Siguro wala kang jowa"

"Meron! L.Q nga lang."

"Ah..kaya pala eh..ayusin n'yo na 'yan bago pa kayo tuluyang magka labuan. Ikaw rin. Mukhang mahal na mahal mo pa naman s'ya"

"Ano'ng alam mo sa pagmamahal? Nagka jowa ka na ba?"

"Hindi pa.. nababasa ko lang sa wattpad haha"

"Ewan ko sa'yo! Mabuti pa tawagin mo na ang mag-ama. Ako tatawagin ko si Sir Francis"

"Ah..sige..nasa'n pala sila? Nasa garden pa ba?"

"Oo.. "

Tinawag nga niya ang mag-ama at agad namang tumayo ang mga ito.

"Ano pong ulam?"-tanong ni Diana.

"Bulalo tapos fried chicken. Sabi ni daddy mo favorite mo 'yon? Tama ba?"

"Yes po.."

Inalalayan nga ni Nayumi ang bata papapasok sa loob ng bahay.

Naka upo na nga doon ang bunsong kapatid ni Franco na si Francis.

"Hey,kuya.. hi, pamangkin kong maganda. Let's eat. Nauna na ang tito francis ah"

"Okay lang po 'yun tito dada"-tugon ni diana sa kaniyang amain.

"Ang sarap ng bulalo ha.. para akong kumakain sa mamahaling restaurant"-papuri ni francis sa luto ni Yumi.

"Siya po ang nagluto n'yan tito dada."-sabay turo nito kay yumi. S'ya daw po ang bago nating cook"

Napa tingin naman si Francis kay Nayumi.

"Ah..ikaw pala?"-sabay kindat nito."Ganda ng cook natin ngayon ah"

"Umayos ka francis ha.."-saad ni franco sa kapatid.

"Nagsasabi lang ng totoo eh"

"Akala ko nga po s'ya ang mommy ko eh"-saad naman ni diana.

Parehong natahimik ang magkapatid at kapwa napa tingin ang mga ito kay Nayumi.

Napa yuko naman ang dalaga sabay hatak sakanya ni Nida patungo sa kusina.

"Bakit mo 'ko hinatak?"

"Hoy,ikaw ha..mag-iingat ka kay Sir Francis"-saad nito sa dalaga.

"Ha? Bakit? Nangangain ba 'yun ng tao?"

"Wag ka ngang pilosopo! Hindi tayo close pero paaalalahanan pa rin kita. Mag-iingat ka sakanya"

"Rapist ba?"

"Hindi! Basta..mag-iingat ka.. 'wag mong sasabihin na hindi kita binalaan ah"

Nakaramdam tuloy ng kaba si Nayumi dahil sa sinabing iyon ni Nida sakaniya.

"Si Sir Franco istrikto lang 'yan pero mabait 'yan. Prangka din minsan."

"Alam mo..sa tingin ko nga..kasi sinabihan ba naman ako na next time hinaan ko ang boses ko kapag kumakanta kasi hindi daw maganda ang boses ko."

"Alam mo bang sikat na singer si sir franco"

"Weh? Seryoso? Sikat s'ya? Bakit hindi ko s'ya kilala?"

"Malay ko sa'yo. Taga saang planeta ka ba?"

"Planetang jupiter. Gusto mo dalhin kita do'n minsan?"

"Tse! Bumalik na nga tayo do'n"-inis na sambit ni Nida.

"Saan? Sa jupiter?"

"Kainis ka 'no? Alam mo ikaw lang gumaganyan sa'kin..close tayo?"

"Open tayo hehe"-pilosopong tugon ni Nayumi sa naiinis na si Nida.

Bumalik na nga ang mga ito sa kumakain nilang mga amo.

Itutuloy..

Mommy For HireWhere stories live. Discover now