Kaka udyok nga nila Nida na mag Two piece na rin si Yumi ay pinagbigyan na nga niya ang mga ito.
"Oo na! Ang kulit n'yo."
"Yehey! Sure ako napaka sexy mo yumi"-saad ni nida na kanina pa nga naka two piece.
Hinubad na nga niya ang kaniyang T-shirt maging ang kaniyang short na ikinanganga nila Nida,Irah at Michelle.
Napaka sexy niya sa kaniyang Black Two Piece Swim Suit."Grabe! Ang sexy mo yumi!"-pagpuri ni irah sakaniya.
"Ready ka naman pala eh, ineeme eme mo lang kami"-saad din ni michelle.
"Wala naman talaga akong balak,sadyang mapilit lang kayo"
Nilingon nga nila ang mga tao na naroroon at karamihan sa mga iyon ay naka tanaw sa kinaroroonan nila.
"Grabe,bessy. Look oh. Ang daming naka tingin at nase-sexy-han sa'yo."-saad ni nida.
Napatakip naman si yumi sa kaniyang pang ibaba gamit ang kaniyang mga palad dahil sa dami ngang mga matang naka tingin sa kaniya.
"Ano'ng ginagawa mo? Bakit mo tinatakpan ng kamay mo 'yan?"
"Gagi..nakaka hiya. Bakit sila nakatingin?"
"S'yempre, ang sexy mo kaya"
"Magda damit na 'ko"
"No! Beach 'to 'no..normal lang na naka gan'yan. Don't mind them na lang. Just enjoy this moment. Ang sexy mo kaya"-pagpapalakas ng loob sakaniya ni nida.
"Tumpak si nida,yumi"-pagsang-ayon ni irah.
Napansin din ni yumi na kinukuhanan siya ng mga litrato ng ibang kalalakihan na naroroon pero hindi na niya iyon pinansin at lumusong nga sa dagat ang mga ito.
Nang bigla ngang matanaw ni franco sila yumi kaya naman iginilid niya si diana at patakbong nagtungo kila yumi.
Pagkalapit nga niya rito ay agad niyang hinubad ang polo niya at itinakip iyon sa dalaga.
"Ano'ng ginagawa mo?"-tanong ni yumi sakaniya.
Naka nganga naman sila nida ng gawin nga iyon ni franco.
"Tinatakpan 'yan"-tugon nito.
"B-bakit?"
"Ang daming naka tingin sa'yo! Gusto mo bang pinagpipiyestahan ka ng mga mata nila?"
"Eh, ano naman? Beach 'to"-inis na sambit ni yumi.
"Kahit na..gusto ko ako lang nakaka kita n'yan"-tugon ni franco na lalong ikinanganga ng tatlo.
"Ayiieeee..si sir..type si yumibells"-ani nida. Na kinikilig sa dalawa.
Tsaka nga nagtawanan silang tatlo.
"Ang O.A ah..akala mo naman boyfriend ko na s'ya"-wika ni yumi sa sarili.
Hindi nga kinibo ni yumi si franco at inirapan na lang niya ito.
_____
"Celine, tignan mo 'to. Viral ang ex boyfriend mo"
"Sinong ex ko?"
"Si franco.. naka lagay dito oh. FRANCO DELA VEGA OVER PROTECTIVE SA BAGO NITONG GIRL FRIEND"
"Asaan? Patingin nga.."-sabay agaw niya ng cellphone ni trixie.
"Oh my gosh. May bago nanamang kinababaliwan si franco at may bago nanamang itatali sa leeg."
"Ha? What do you mean, celine?"
"Baliw 'yan pagdating sa pag-ibig. Napaka seloso at napaka conservative. Kaya nga hindi ko magawa 'yung mga gusto ko eh, kasi ayaw n'ya.. ayaw n'ya na magpa sexy ako tapos pinagseselosan n'ya mga nagiging leading man ko. Gwapo lang 'yan at mayaman pero makitid ang utak ng lalaking 'yan. Kaya nga hindi ako tuluyang nagpatali sakan'ya eh. Dahil alam ko magiging boring lang ang buhay ko sa piling n'ya"
"Kasi nga mahal ka n'ya,kaya s'ya gano'n sa'yo. Tsaka sa dami ng nagkaka gusto sa'yong kapwa mo celebrity natatakot lang s'ya na maagaw ka sakan'ya."
"Ang sabihin mo akala kasi n'ya pagmamay-ari n'ya ako na p'wedeng ipagkait sa iba. Hindi ko gusto 'yung ugali n'ya. Oo,mabait s'ya. Ibinibigay n'ya lahat ng gusto ko at magaling sa kama pero hindi 'yun sapat para magpakasal ako sakan'ya."
"Pero alam nating lahat kung gaano mo s'ya kamahal 'di ba? At si franco ang naging dahilan kung bakit lalo kang sumikat"
"I know, mahal ko naman talaga s'ya kaso di ko nga kaya 'yung ugali n'ya. Gusto n'ya lahat ng kilos ko alam n'ya. Kapag may pupuntahan ako dapat alam n'ya kung sinong mga kasama ko. Wala akong laya sa kan'ya. Tignan mo 'yung new girl n'ya nakikita ko sakan'ya kung paano ako hinihigpitan noon ni franco.
"Titigan mong maigi ah. Izo-zoom ko."
"Bakit 'yun?"-tanong ni celine.
"Look, magkahawig kayo ni ate girl"
"Sa dami ng tao sa mundo marami naman talagang magkakahawig."
"Kung sa bagay. Tsaka baka kaya naging Girlfriend ni franco 'yan kasi kahawig mo. Baka nakikita ka n'ya sa babaeng 'yan"
"Good luck sa kaniya, ewan ko lang kung kayanin n'ya ang ugali na meron si franco."-maarteng tugon ni celine.at ibinalik nito ang cellphone kay trixie.
"Si diana pala? Hindi mo ba nami-miss? Hindi mo ba nami-miss 'yung anak n'yo?"
"Of course nami-miss ko. Anak ko 'yun eh. At kahit hindi ako ang nag-alaga sa batang 'yon mahal ko 'yun"
"Wala ka ba talagang balak na balikan ang anak mo?"
"Siyempre meron..Kaya sulitin na ni franco ang mga araw na kasama pa n'ya ang anak namin. Dahil babawiin ko na ang anak ko. Malapit na.at babawi ako sa anak ko. Sa mga pagkukulang ko sakan'ya."
"Pero papayag kaya si franco?"
"Pumayag man s'ya o hindi wala akong pakealam. Anak ko si diana kaya may karapatan ako sa anak ko. Kapag yari ng ginagawa naming teleserye na 'to wiwindangin ko silang lahat sa pagbabalik ko sa mga buhay nila!"-sabay tayo nito at hinawi ang buhok papunta sakaniyang likuran.
"Good luck sa laban mo, celine.."
"Ako pa ba? Wala akong labang inuurungan at inaatrasan. Alam ni franco 'yan."
Itutuloy..
YOU ARE READING
Mommy For Hire
Romance"Mukhang may malaki kang problema ha? At umalis pa tayo ng resort mo, p'wede naman do'n ah"-saad ni Noah ng ayain siya ni franco na magpunta sa isang Bar. "Kaloko ko bro, hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon kay yumi, kung bakit ko s'ya hinalikan...