Chapter 144

33 0 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 33

Pag gising ni Yumi ng umaga ay wala na sa tabi niya si franco at tanging si michelle ang kasama niya sa kwarto dahil binabantayan nito ang kambal na mahimbing pa rin na natutulog.

"Good morning, Gising ka na pala"-ani michelle ng makitang gising na si yumi.

"Ang sir franco mo?"

"Maagang umalis eh."

"Umalis? Saan daw pupunta?"

"Parang trabaho yata."

"Trabaho? Ang sabi n'ya hindi na s'ya makikipag partnership sa mga negosyante. Ang labo din eh..tapos hindi naman n'ya sinabi sa'kin na may lakad s'ya..Tapos nakalimutan pa niyang--- hays.. bahala nga s'ya"-sabay bangon ni yumi at tutungo na ito sa C.R para maghilamos.

"Alin ang nakalimutan n'ya?"-tanong ni michelle.

"Wag mo na lang akong pansinin. Naiinis ako sa kan'ya"

"May pinapasabi pala s'ya kapag gising mo daw"

"Ano 'yun?"

"Punta ka daw doon sa dating Nagsarang Restaurant. Yung katapat ng Pure Gold."-ani michelle.

"Ha? A-ano'ng meron do'n? Doon s'ya nagpunta?"

"Siguro. Yun lang kasi 'yung sinabi n'ya eh"

Nagtataka naman si yumi kung bakit siya pinapapunta ni Franco doon gayong sarado na ang Restaurant na iyon may dalawang taon na.

"Sige, Maliligo na 'ko. Ikaw na munang bahala sa dalawa ha? Si diana mamaya pa naman ihahatid ni ate dito. Ano kayang trip ni franco at hindi pa sabihin kung bakit ako pinapapunta sa saradong restaurant na 'yon"

"Baka nagbukas na? Tapos doon kayo ma di-date.First Wedding Anniversary n'yo ngayon eh hehe."

"Hindi na magbubukas 'yon. Yung may ari daw no'n nasa ibang bansa na..Tsaka ang agang date naman kung sakali. Ang sabihin mo nakaimutan n'yang anniversary namin ngayon"

"Hindi 'yan. Si sir franco pa ba?"

_____

Nang makaligo nga si yumi ay nagtungo na siya sa sinasabi ni michelle na Saradong Restaurant at si Jovan nga ang driver niya.

"Wow! Ang ganda na ng Restaurant na ito ah..Nagbukas na pala ulit 'to?"-ani jovan pagka hinto nila sa tapat ng restaurant.. "Dito yata kayo mag di-date eh"-dagdag pa niya.

"Ang aga naman.."

"Ayaw mo 'yun mahaba ang oras n'yong magkasama"

"Pero, kuya jovan. parang walang mga tao?"

"Oo nga 'no? Eh, baka naman arkilado 'to?"

"Grabe sa arkila hehe."

"Mabuti pa bumaba ka na para malaman mo kung ano ba talaga, sa kaniya ka na sasabay pauwi 'no?"

"Oo, kuya. Sa kaniya na. Ingat sa pag-uwi"-tugon ni yumi ng maka baba na ito ng sasakyan.

"Sige, mag-enjoy ka sa date n'yo"

"Yun eh kung date nga talaga"-tugon muli ni yumi at kumaway na kay jovan.

Naka ngiti ang mga labi niyang humahagdan patungo sa pintuan ng restaurant kahit pa nga may kaba sa kaniyang dib-dib.

Walang katao-tao sa loob..

Kukuhanin pa lang sana niya ang cellphone niya mula sa kaniyang bag ng bigla itong mag ring..

Kaya naman mabilis niya itong kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Love? Nandito na 'ko? Nasaan ka ba talaga? Wala namang tao dito e"-ani yumi sa asawa.

"Punta ka sa kitchen. Mula diyan sa kinatatayuan mo. Diretso ka, tapos kaliwa. Matutumbok mo ang kusina"

"Nakikita mo 'ko?"

"Oo naman love, sige na.. punta ka na sa kusina"

Nagtataka man si yumi ay tumungo na lamang siya sa kusina. Nakasarado nga iyon kaya naman pinihit niya ang Door Knob at bahagyang itong itinulak para bumukas.

Pagbukas nga niya ay---

"SURPRISEEEE!!!"

Iyan ang bumungad sa kaniya..

Nakita nga niya ang mga mahal niya sa buhay na naroroon..Kumpleto nga ang mga ito. Maging ang mommy olga niya at ang ate celine niya ay naroroon..

"Ano'ng ibig sabihin neto?"-maluha luha niyang tanong.

"HAPPY ANNIVERSARY,LOVE"-Pagbati ni franco mula sa kaniyang likuran..

Agad din naman siyang lumingon.

Maya hawak nga bulaklak si Franco at ibinigay ito sa kaniya..At ng makuha niya ito ay mahigpit siyang yumakap sa kaniyang asawa.

"Grabe ka, love..may paandar ka pa lang ganito. Kaya pala ang aga mong umalis eh. Tapos kasama mo pa silang lahat. Thank you, love. Happy anniversary din"-aniya habang naka yakap pa rin kay franco.

"Inarkila mo nga ba 'tong restaurant para sa atin?"

"Inarkila? Bakit ko aarkilahin 'tong Restaurant mo?"-tugon ni franco.

"Teka, tama ba narinig ko? R-restaurant ko? Hindi nga?! Paanong naging akin 'to?"

"Sayo po talaga 'to love..Regalo ko sa'yo..Hindi ba't pangarap mong maging chef? At magkaroon ng sariling restaurant? Ito na po oh.. ito na.."

Mabilis ngang bumagsak ang mga luha ni yumi..at muling niyakap ng mahigpit si franco.

"Hindi nga, love? Totoo ba talaga? Binili mo 'to at pinaayos para sa'kin?"

"Yes, love.. Kami ni francis ang nagpa ayos neto."-tugon ni franco kaya naman nilingon ni yumi si francis.

Nginitian naman ni francis si yumi at kinindatan si franco..

"Hindi ko talaga 'to ine-expect. Thank you talaga love. Pero hindi pa naman ako chef ah."

"Hindi na 'yun importante. Kasing galing mo naman ang mga chef eh. Marami kang alam iluto at sobrang sarap mong magluto. Sila nanay sandra ang magiging katuwang mo dito sa restaurant. Tapos mag ha-hire din tayo ng mga tauhan..  Alam kong sa una kaunti lang ang magiging costumer natin pero alam kong dadami din 'yan. Lalo na kapag natikman nila ang mga luto mo.. Kagaya ng pangako ko sa'yo love, mag-aaral ka ulit at ako ang bahala..matutupad mo na ang pangarap mo"

Siniil naman ng halik ni yumi si franco at muli niya itong niyakap ng mahigpit at paulit-ulit na nagpasalamat.

"Mommy, isa na ako sa magiging costumer mo"-ani diana habang buhat siya ni eriz.

"Talaga, baby?"

"Yes po, sasabihin ko din sa mga classmate ko na i-try nila kumain dito ng family nila"

"Aba, ayos 'yan. Kayo na kaya maging business partner ng mommy mo. Siya taga luto at ikaw naman taga hikayat ng mga kakain"-ani eriz..

"Paglaki ko na po, tito eriz. Sa ngayon mag-aaral muna 'ko"-tugon naman ni diana.

Maya-maya nga lang ay dumating na rin sila nida, michelle, jovan kasama nga nila ang mga sanggol..

Alam din ni Jovan ang planong ito, umuwi nga lang siya upang sunduin ang mga naiwan sa bahay..

Sinimulan na ngang magluto nila Sandra at Yumi para may makain sila..

Tumulong naman sa mga paghihiwa sila celine, elena at nathalie..

Hindi lang para kila NAYUMI at FRANCO ang Unang Anibersaryo nila kung hindi para sa kanilang mga mahal sa buhay..

Napakasaya nga ng mag-asawa, pakiramdam nila ay ikinasal silang muli..

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now