Chapter 41

153 6 0
                                    

Nasa kwarto na nga si franco pagkatapos nilang maghapunan, nanonood ng K-drama at ayaw niyang ipakita kay nayumi na naaadik na ito sa sinusubaybayang K-drama.

Agad nga niyang itinago sa unan ang kaniyang cellphone ng marinig niya ang pagbukas ng pinto ng kaniyang kwarto.

"L-love?"-nagulat pa siya ng makitang may dala-dala itong dalawang unan.

Naka ngisi ito sakaniya,

"D-dito ka matutulog?"-ngumisi na rin ito at bumangon.

"Pinaalis ako ng ex Lalabz mo sa kwarto ni diana eh, doon daw s'ya matutulog kaya dito ako matutulog ngayong gabi"

"Talaga love? Kahit gabi-gabi pa"

"Ngayon lang, sa sala ba naman ako pinapatulog o kaya sa guest room daw haha. Doon sana ako sa dati kong kwarto kaso nasabi ko sakan'ya na dito ako matutulog kaya hayun paninindigan ko"-tsaka nito ibinaba ang mga unan sa kama ni franco.

"Nice idea 'yan love, alam mo naman na matagal ko ng gustong makatabi ka sa pagtulog"-sabay hila niya kay yumi.

"Nanonood ka ba, love?"

"Nanonood ng?"

"K-drama"-tugon nito.

"B-bakit?"

"Tinatanong kita..nanonood ka nga? Naririnig ko malamang haha"

Kinuha nga ni franco ang cellphone nito sa ilalim ng kaniyang unan.

"Itinago mo pa talaga akala mo naman b*ld 'yang pinapanood mo"-natatawang sabi ni yumi tsaka ito umayos ng upo at nakinood din sa cellphone ni franco.

"May t.v ka naman nagtitiyaga ka sa cellphone"

"Sa youtube ko lang s'ya sine-search eh"

"Aahhh.. di ko alam na mahilig ka palang manood ng gan'yan?"

"S'yempre hehe. Ito kaya libangan ko lalo kapag nasa resort"

Hanggang sa nasa kissing scene na kaya titig na titig na si franco sa pinapanood at kinikilig na ito.

"Kilig na kilig 'yan?"-naka ngusong tanong ni yumi kaya napabaling siya ng tingin dito.

"Nakaka kilig kasi sila kapag nagki-kiss hehe, 'yung feeling na pakiramdam mo ikaw 'yung nasa eksena"

"Tapos ikaw 'yung lalaki? At sino naman 'yung ini-imagine mong babae?"

"Ikaw!"-mabilis na tugon nito.

"Wews! Bulataw! Baka iba."

"Ikaw nga, ito talaga ayaw pang maniwala, tara, gayahin natin?"-nakangising sambit nito.

"Nek-nek mo! I-kiss mo cellphone mo"

"Nge! Bakit 'yung cellphone?"

"Kaya ka pala nanghahalik kahit hindi mo girl friend dahil sa kakanood mo n'yan ah"

"Grabe, hindi naman dahil sa kapapanood ko neto kaya kita hinalikan nung mga araw na 'yun. Gusto ko lang talagang mahalikan 'yang mga labi mo, pero okay naman 'di ba? Nagpaka totoo ako sa nararamdaman ko para sa'yo kung hind siguro baka hindi pa kita girlfriend ngayon at baka pasulyap-sulyap pa rin ako sa'yo hanggang ngayon"

Ngumuso naman ito at ngumiti.

"Ayan! 'yang mga ngiti na 'yan ang dahilan kung bakit ako nabighani sa'yo"

"Asus, ang corny mo"

"Totoo naman kasi 'yon, love. Eh ikaw? Kaya ka na-inlove sa'kin dahil sa mga halik na 'yun 'noh?"

"Oo na!"naka ngising tugon nito kaya mabilis siyang kinabig ni franco para halikan.

Dahan-dahan na pag halik nga ang ginawa ni franco dito. Hanggang sa unti-unti itong naging marahas. At inihiga si yumi habang patuloy pa rin niya itong hinahalikan.

Hangang sa maitulak siya nito,

"A-aaaraaay"-ani yumi habang naka hawak sa puson.

"B-bakit? Alin ang masakit"-nag-aalalang tanong ni franco.

"Yung puson ko..masakit"

"Bakit masakit? Ano dapat kong gawin para mawala?"

"Maya-maya mawawala din naman 'to, ganito talaga kapag malapit na ang dalaw ng isang babae"

"You mean, menstraution?"

"Tama.."

"Gusto mo bang 9 months hindi sumakit puson mo?"

"Ha? Paano 'yun?"

"Gawa tayo baby hehe"

"Ikaw talaga!"-sabay batok nito kay franco. "Ang sakit na nga ng puson ko nagawa mo pang bumanat ng ganiyan!"

"Biro lang hehe.. may alam pala akong dapat gawin d'yan"

"Ano?"

"Hot compress"

"Tama.. kahit sa bote okay na 'yun"

"Sige, wait lang ah. Hahanap lang ako ng bote."

Agad ngang naka balik si franco dala ang bote na may mainit na tubig tsaka niya ito binalot at itinapat sa puson ni yumi.

Naka tingin lang si yumi sa mukha ni franco habang naka higa siya at dahan-dahan na iginugulong ni franco ang bote sa kaniyang puson.

Hinaplos naman ni yumi ang mukha nito kaya napasulyap sakaniya si franco.

"Love, thank you.."- mahinang sambit nito.

Ngumiti naman si franco,

"Ahm..love?"

"Yes?"

"Medyo nawawala na 'yung sakit ng puson ko"

"Buti naman kung gano'n, love"

"Gusto mo na ba talaga?"

"Ha? Ang alin love?"

"Na magka baby tayo"

Biglang lumiwanag ang mukha ni franco ng sabihin iyon ni yumi.

"Oo naman, gustong-gusto ko na talaga, so ano? P-payag ka na?"

Ngumiti naman at tumango si yumi,

"T-talaga ba love?"

"Oo nga, bakit ayaw mo yatang maniwala?"

"Nagulat lang ako love"-nakangiting tugon nito at hinalikan ang kamay ni yumi.

Nang mawala nga ang sakit ng puson ni yumi ay tuluyan ng may naganap sa kanilang dalawa.

Isinuko na ni yumi ng buong-buo ang kaniyang sarili kay franco.

Bumahid nga ang dugo ni yumi sa bedsheet ni franco, nangangahulugan lang nito na matagumpay na may nangyari na sakanilang dalawa.

Dahil nga sa pagod ay napadukdok na lang si franco sa balikat ni yumi at kapwa sila naka pikit.

Nang makabawi nga ng lakas ay tumayo si franco para magbihis at binihisan niya din si yumi.

Pinilit nga ng dalaga na bumangon kahit masakit ang kaniyang pagkababae at inalis ni franco ang bedsheet para banlawan ang dugong pumatak dito.

Tsaka kumuha ng pamalit dito.

"Mahapdi ba, love?"

"S'yempre! Dumugo eh!"-tugon nito.

"Bukas na bukas bibili na ako ng sing-sing para magpru-pose sa'yo, kaylangan na talaga kitang mapakasalan bago pa tuluyang may mabuo"-wika nito sa sarili habang naka tingin sa mga mata ni yumi.

Muli nga niyang kinuha ang kamay ni yumi at hinalikan ito,

"Ngayong isinuko ko na ang sarili ko sa'yo, 'wag na 'wag mo akong sasaktan ha"

"Pangako! Hinding-hindi kita sasaktan, wala akong gagawin kundi ang mahalin,pasayahin at alagaan ka. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, franco..kaya ko isinuko ang sarili ko sa'yo kasi naniniwala ako sa sinasabi mo. Aalagaan at mamahalin ko rin kayong mag-ama habang buhay."

"Salamat, love.. i love you"-sabay halik nito sa noo ni yumi.

"I love you too"-tugon nito at yumakap kay franco habang kapwa sila nakaupo sa ibabaw ng kama.

Itutuloy....

Mommy For HireWhere stories live. Discover now