Chapter 124

71 3 0
                                    

Mommy for Hire
(Book 2)

Chapter 13

Palabas nga sa kwarto si francis para sana kumuha ng makakain sa refrigerator sa kusina ng matanaw niya si Nathalie patungo sa kwarto niya.

Kaya naman isinara niya ang pinto at sumandal doon habang hinihintay makalapit si nathalie sa kaniya.

Seryoso nga siyang naka titig sa nobya pero sa kaloob-looban niya ay tuwang-tuwa siya.

Halos dalawang araw na nga silang hindi nag-uusap matapos magkaroon ng tampuhan..

"Uy, mahal? Galit ka pa rin ba sa'kin? No calls, No texts. Or even chats..Kayang-kaya mo talaga akong tiisin ah"-bungad ni nathalie ng makalapit ito sa kaniya.

"Nandito ka ba para mag sorry o para konsensyahin lang ako?"

"Both! Kainis ka!"

"Ako talaga ang nakaka inis?"

"Galit ka pa rin ba? So, ano? Tatapusin na natin 'to?"

"Oo, natz! Tapusin na natin 'to!"

Nagulat nga si nathalie sa itinugon na iyon ni francis sakaniya.

"A-ano?!"-mangiyak ngiyak na tanong ni nathalie. "Ako na nga ang nagpunta dito para makita ka at maka usap. Dahil alam kong nasaktan kita. Pero dahil lang sa nabasa mo sa diary ko na hindi ko sinabi sa'yo, makikiapaghiwalay ka na?! Edi sige! Kung 'yun 'yung gusto mo! Wala naman akong magagawa eh! Kung ayaw mo na"-saad nito habang lumuluha na ang mga mata.

"Sino'ng nagsabing maghihiwalay tayo? Ang ibig kong sabihin tapusin na natin 'to.. 'yung tampuhan natin hehe. Bati na tayo. Nagpapa miss lang naman ako kaya hindi ako tumatawag sa'yo eh"-sabay bukas niya ng pinto at hinatak si nathalie sa loob.

Pagkapasok pa nga lang nila ay agad na niyang isinandal si nathalie sa pader at siniil ito ng halik.

Nanlaki nga ang mga mata ni nathalie pero unti-unti din niya itong ipinikit at gumanti na rin ng halik.

Hanggang sa i-alis siya ni francis mula sa pagkakasandal at maingat itong inihiga sa kama at dito muling siniil ng halik..

Pababa nga ang halik na iyon ni francis sa kaniyang leeg na hinahayaan lang naman ni nathalie at nanatili nga siyang naka pikit habang dinadama ang mainit na mga labi ni francis na dumadampi sa kaniyang balat.

At muli ngang tumaas ang halik nito sa mga labi ni nathalie..

"Mahal na mahal po kita, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko..Sorry sa pangengealam ko sa gamit mo. Hindi na po mauulit, mahal ko"-bulong nga ni francis sa tenga ni nathalie at hinalikan din ito pababa nanaman sa leeg ng dalaga.

Hindi na nga magawa pa ng dalaga na magsalita. Dahil muli nanamang inangkin ng kaniyang nobyo ang kaniyang mga labi. Lalo na ng maramdaman nga niya ang pagpasok ng dila ni francis sa kaniyang bibig. Nagtatama nga ang kanilang mga dila na mas lalong nagpawala sa kanilang mga sarili..

Una ngang huminto sa paghalik si francis at tinitigan sa mga mata si nathalie at nginitian niya ito.

"I love you"-malambing na sambit niya mula rito.

"I love you too, seloso kong boyfriend"-tugon nga nito.

At muli ngang idinampi ni francis ang mga labi niya sa mga labi ni nathalie tsaka bumangon..

"Nakita ka ni ate yumi?"

"Yup, galing ako sa kaniya bago ako nagpunta dito."

"Alam ba n'ya na nagkatampuhan tayo?"

Umiling-iling lang naman si nathalie at bumangon na rin ito.

"Galing din sila eriz dito kanina eh"

"Sinong kasama?"-tanong ni nathalie.

"Yung first love mo"

"Mahal naman!"

"Oo nga mahal, si james.. nagtataka nga sila ate yumi at eriz kung bakit hindi manlang daw nagpaalam sa kanila na umuwi na pala eh, ang alam lang nila nasa guest room natutulog. Pero wala na pala, umuwi na pala."

"Eh, bakit kaya hindi nagpa alam?"-tanong ni nathalie.

"Ewan ko lang"-sabay kibit-balikat nito. "Nag meryenda ka na mahal?"

"Hindi pa..ikaw ba?"

"Katatapos lang. Mineryenda na kita eh"-tugon nga nito kaya hinampas siya ni nathalie sa braso.

"I'm a good kisser, right?"-tanong nga ni francis kay nathalie.

"Ummm. I don't know.."

"I don't know ka d'yan.."

Napa baling naman ng tingin si nathalie sa isang maliit na table na nasa gilid ng cabinet..

"Wow! Sinong nag gift sa'yo no'n?"

"Ha? A-alin?"

"Yun oh!"-sabay turo nga ni nathalie. "Yung box. Bakit kulay pink? Siguro babae nag gift sa'yo. Sino ha?"-naka ngiting tanong ni nathalie..

"W-wala ah.. H-hindi naman para sa'kin 'yan"-utal na tugon ni francis.

"Weh?! Bakit nandito sa room mo? Chicks mo nagbigay sa'yo n'yan 'no?"

"Uy grabe ka.. wala akong babae ah."

"Eh, kanino nga galing 'yun?"-tsaka ito bumaba mula sa kama a tutunguhin nga niya iyon ng biglang makipag-unahan si francis sa kaniya.

Nauna nga si francis na makadampot nito at itinaas niya ito.

"Kita mo na! May secret ka din eh. Bakit ayaw mong ipakita sa'kin? Kanino nga galing 'yan?"

"Kiss mo 'ko.. ipapakita ko sa'yo kung para kanino talaga 'to"

"Ayoko nga.. kaka kiss mo lang sa'kin eh. Ipakita mo na.. kung wala ka talagang inililihim. Para kanino ba kasi 'yan mahal?"

"Kiss muna nga.."

Sumunod naman si nathalie sa gusto ni francis. Hinalikan nga niya ito at sumunod naman sa kasunduan si francis.

Ibinaba nga niya ang box na hawak niya..

"Hala! Para sa'kin pala 'to eh! Bakit hindi mo ibinibigay sa'kin?"-sabay agaw nga niya nito kay francis.

"Nahihiya ako eh.. nakaka hiya kaya"

"Bakit ka naman mahihiyang magbigay ng regalo?"-sabay alog nga niya. "Bakit magaan? Ano'ng laman nito?"

"Buksan mo"

Hinila nga ni nathalie ang ribbon na naka talis sa maliit na box na iyon upang mabuksan niya.

Napa takip naman sa mga mata si francis ng mabuksan iyon ni nathalie.

"Bra?"

Tumango-tango naman si francis habang nakatakip pa rin ang mga mata niya.

"Uy, bakit ka nahihiya? Ang cute nga eh. Nagustuhan ko. Ang ganda. Pa'no mo nalaman size ko?"

"Eh, nakita ko na 'yan eh"-tugon nga nito sabay alis niya ng kamay niya sa kaniyang mga mata.

"Oo na! Nung nalaglag 'yung twalya ko sa harap mo. Kaylan mo 'to binili?"

"Matagal na 'yan eh. Hindi ko lang ibinibigay sa'yo"

"Kainis 'to. Binili bili mo tapos hindi mo naman ibibigay sakin. Buti nakita ko"

"Nahiya nga ako mahal eh, binili ko 'yan nung bumili ako ng sapatos ko. Nagandahan ako eh. Sabi ko pa nga do'n sa sales lady, magugustuhan ba 'to ng girlfriend kong maganda?"

"Ano'ng sagot nung sales lady?"

"Oo daw, pero tumatawa."

"Tinatawanan ka?"

"Oo, kaya sabi ko sa kaniya nung bago ako tumalikod. JOKE LANG SIS! PARA SA AKIN TALAGA TO! MAY PAGEANT ANG MGA BAKLA MAMAYA AT ITO ANG ISUSUOT KO! ayun! Lalong natawa."

Napahagalpak din naman kakatawa si nathalie.

"Lalo na siguro mahal kung kasama ko pa si eriz. Mas malakas amats no'n eh"

"Sinabi mo pa Mahal. Baka isinuot pa nga n'ya 'to"

"Sure 'yan mahal"

Itutuloy...

Mommy For HireWhere stories live. Discover now